Nagbigay ng reaksiyon ang ibang mga artistang nanalo at natalo sa katatapos lang na eleksyon.
Kahapon, May 9, 2022 naglabas ng listahan ang PEP.ph ng mga artistang nanalo at natalo sa national at local elections.
Read:Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections
Kabilang sa celebrities na pinalad manalo sa local elections ang actress-host na si Karla Estrada at ang beauty queen na si Leren Mae Bautista.
KARLA, LEREN MAE HAPPY ABOUT WIN
Puno ng galak si Karla Estrada na nasa ikatlong puwesto sa mga party-list ang Tingog, kung saan siya ang third nominee.
As of May 10 ng umaga, ang Tingog ay mayroong higit 825,000 votes o 2.4 percent ng total election returns.
Sa ilalim ng batas, ang party-list group na nakakuha ng two percent ng kabuuang boto ay entitled sa isang seat sa chamber.
Nag-post ng pasasalamat si Karla sa pagpasok ng kinabibilangang party-list.
Post niya sa IG: “MARAMING SALAMAT!!!! Top 3 po ang Tingog nationwide!
“Ngayon mas malakas na ang Tingog nyo! Kasama nyo ako at buong Tingog party-list na mag Tutulungan tungo sa mas magandang Bukas!
“Excited na kaming mag silbi sa inyo , mahal naming mga kababayan!!!. MARAMING MARAMING SALAMAT PO !!!”
Ang “tingog” ay salitang Waray na ang ibig sabihin ay boses.
Ang IG post ni Karla ay tungkol sa tagumpay ng kanyang party-list, pero ang first at second nominees lang ang nakaabot. Pangatlong nominee si Karla.

Tagumpay naman ang pagsabak sa pulitika ng beauty queen na si Leren Mae Bautista.
Nanguna si Leren sa mga nanalong konsehal sa Los Baños, Laguna.
Si Leren ay second runner-up sa Miss Globe 2019 at finalist sa Miss Universe Philippines 2021.
Bahagi ng IG post ni Leren (published as is): “Maraming Salamat po sa lahat ng nagtiwala at sumuporta akin sa bayan ng Los Baños, gaya ng palagi kong sinasabe, hindi ko sasayangin ang tiwala at boto ninyo.”

LOST CANDIDATES REACT
Ilang artista rin ang nag-post ng mensahe sa social media kasunod ng kanilang pagkatalo ngayong eleksyon.
Isa na rito si Rommel Padilla, na tumakbong congressman sa Nueva Ecija.
“Salam,” simpleng caption ng aktor sa IG post na nagtataglay ng tweet ni Mufti Menk, isang Zimbabwean Islamic scholar.
Nagpapahiwatig ang tweet ng pagiging payapa at pagtanggap sa kahit anong sitwasyong dumating.
Pero kapansin-pansin ang pagbati sa kanya ng dating karelasyong si Karla sa comments section.
Sina Karla at Rommel ang mga magulang ng ABS-CBN prime star na si Daniel Padilla.
Komento ni Karla: “Congratulations to the entire family meng!!![clapping hands emojis] GOD HAS A BIGGER PLAN!”
Mahihinuhang binati ni Karla si Rommel dahil sapagiging number one ng kapatid nitong si Robin Padilla sa senatorial race.

Bigo rin si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup na manalo, first nominee ng ARTE party list.
Post ng former beauty queen: “Maraming maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating layuning palakasin ang creative industry ng Pilipinas.
“Patuloy pa rin natin itong isusulong, may posisyon man o wala sa gobyerno.
“Proud ako na kumilos tayo ng naaayon sa mga prinsipyo at paniniwala natin. Malinis at patas tayong lumaban.
“Salamat muli mga ka-ARTE”

Sa social media rin nag-post ng pasasalamat ang iba pang natalong kandidato gaya niya Bobby Andrews (councilor, Quezon City) at Teri Onor (vice mayor ng Abucay, Bataan).





