Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Sorry, no results found for

NPC Seal of Registration

PEP.ph has been granted the NPC Seal of Registration in recognition of the successful registration of its DPO and DPS

© 2025 Philippine Entertainment Portal Inc. All Rights Reserved
PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×
News Local News

Marian Rivera on playing Dyesebel: "Topless kung topless!"

Marian and leading man Dingdong Dantes are now practicing how to call each other by their characters' names in "Dyesebel."
byNitz Miralles
Published Feb 25, 2008
"Sa pictorial pa lang, nag-topless na ako at naniniwala akong bakit ko tatanggapin ang Dyesebel kungaarte-arte ako? Naniniwala naman akong hindi papayag ang GMA-7 nalalabas ako ng TV na ikakapahamak ko at mababastos ako," says Marian Rivera about playing Dyesebel.


Payat si Marian Rivera nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching niya as the newest celebrity endorser/image model of Karimadon last Friday, February 22.

Trabaho ang rason niya sa pagkahulog ng kanyang katawan. Pero babawi daw siya ng kain at tulog after the last taping ofMarimarna kundi sa March 6 ay sa March 7.



Nag-imbita na rin si Marian na panoorin ang final telecast ngMarimarsa March 14. Live daw ang ending nito at lalabas ang buong cast para magpasalamat sa viewers sa pagsubaybay sa telenovela and for making it the number one show in local TV.

Isa raw sa mga hindi makakalimutang eksena ni Marian saMarimaray ang paghiga niya sa kabaong na nakasara. Takot siya noong una, pero naisip niya na marami ang madi-disappoint ‘pag nag-inarte siya kaya ginawa na rin niya.

"Para saMarimar, inalis ko ang takot at kaba sa dibdib ko. Gagawin ko ang lahat para sa show na malaking bagay ang ibinigay sa akin at ibinibigay pa," sabi ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Hindi rin makakalimutan ni Marian na saMarimarnagsimula ang love-hate relationship nila ng co-star niyang si Katrina Halili. Nagsimula ang telenovela na friends sila, pero sa middle part ay nag-dedmahan sila at nagkaroon ng silent war. Pagkatapos ay nagkabati sila, pero matatapos itong war na naman sila.



Ayaw na lang mag-elaborate ni Marian sa latest conflict nila ni Katrina na nag-start nang magkasabay silang mag-guest saSiS. Pero sa tono ng pananalita ni Marian, malabong magkaayos pa sila ni Katrina.



AfterMarimar, saDyesebelna ang concentration ni Marian. Sabi niya, full training ang gagawin niya para sa underwater scenes. Payag din siyang mag-topless at nagbiro ngang "topless kung topless" ang kanyang gagawin."



"Sa pictorial pa lang, nag-topless na ako at naniniwala akong bakit ko tatanggapin angDyesebelkung aarte-arte ako? Naniniwala naman akong hindi papayag ang GMA-7 na lalabas ako ng TV na ikakapahamak ko at mababastos ako. Nandiyan ang MTRCB at hindi sila papayag na maging bastos angDyesebel, na ang target audience ay mga bata. Pero sexy at daring si Dyesebel dito, mag-e-expose ako ng skin," patuloy ni Marian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



Ikinatuwa ni Marian ang pagpapadala ng Regal Entertainment ng DVD copy ngDyesebelni Alice Dixson para kanyang mapanood uli. Napanood na niya noon si Alice, pati ang versions nina Vilma Santos at Charlene Gonzalez. If she has the time, panonoorin rin daw uli ni Marian ang mga ito.

Ang dinig ni Marian, sa Palawan ang taping ngDyesebel. Pero dahil malayo, baka sa Anilao, Batangas, na lang sila mag-shoot. Ang gusto nga ni Direk Joyce ay sa Palawan at Batanes ang kanilang location, na perfect para sa serye. Pero alam din niyang mahihirapan silang lahat dahil malayo.



Sa April na eere angDyesebel. Ipinangako ni Direk Joyce na maiiba niya ang hitsura nina Marian at Dingdong sa hitsura nila ngayon saMarimar. Kapag pinanood daw angDyesebel, sina Dyesebel at Fredo na ang makikita ng viewers at hindi sina Marimar Aldama at Sergio Santibañez.



"Bel" at "Fredo" na rin ang tawagan nina Marian at Dingdong ‘pag nagkikita sa taping ngMarimar. Sinisimulan na raw nilang mag-internalize ng kanilang character para hindi sila magulat once na magsimula na silang mag-taping para saDyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa pictorial pa lang, nag-topless na ako at naniniwala akong bakit ko tatanggapin ang Dyesebel kungaarte-arte ako? Naniniwala naman akong hindi papayag ang GMA-7 nalalabas ako ng TV na ikakapahamak ko at mababastos ako," says Marian Rivera about playing Dyesebel.
  • This article was created by. Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes:12,184
    ShareTweet
    Retake this Poll
  • 50%
  • View Results
    ShareTweet
    Retake this Quiz

  • We use cookies to ensure you get the best experience on PEP.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out morehere.


    [8]ページ先頭

    ©2009-2025 Movatter.jp