Simula noong Lunes, August 1, nagbago na ang takbo ng mga news program ng TV5 dahil naging single-anchor format ang ilan nilang programa.
Ito ay angAksyon Sa Umaga,Aksyon Sa Tanghali, atAksyon Tonite.
Ayon sa ulat ngmedianewser.com, nag-takeover si Cheryl Cosim saAksyon sa Umaga.
A photo posted by cherylcosim (@cherylcosim) on
Si Raffy Tulfo naman ang solo anchor saAksyon Sa Tanghali sa pag-alis ni Cherie Mercado sa programa.
A photo posted by Cherie Mercado (@cheriemercado) on
Si Ed Lingao naman ang solo anchor saAksyon Tonite.
A photo posted by cherylcosim (@cherylcosim) on
Hindi naapektuhan angAksyon Prime ng TV5 kung saan nananatiling hosts dito sina Luchi Cruz-Valdes at Erwin Tulfo.
JOINING THE DUTERTE ADMINSITRATION. Bakit nga ba ganito ang naging takbo sa news department ng TV5?
Ayon pa rin sa ulat, maaaring ang hakbang na ito ng pamunuan ng news department ay bilang tugon sa pagkalagas ng ilang mga bigating personalidad ng kanilang departamento.
Matapos kasing manalo ni Rodrigo Duterte bilang pangulo, kinuha agad nito si Martin Andanar upang pamunuan ang Presidential Communications Group ng Malacanang.
Read:Incoming press secretary Martin Andanar promises close relationship between Duterte and media
Sumunod sa kanya si Cherie na piniling maging spokesperson ng Department of Transportation (DOTR).
Ang senior correspondent ng Kapatid network na si Ina Zara ay itinalaga namang media director ng Department of Tourism (DOT).
Ang asawa ni Ina na si Jun Loyola ay pinili ring maging bahagi ng Presidential Communications Group.
Samantala, ang news head ng istasyon na si DJ Sta. Ana ay lumipat na rin sa private sector.
Hiningan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 news department ng pahayag tungkol sa ulat na ito.



