Sakapnayan, angelemento (mula saEspanyol:elemento) omulangkap (mula samulaan + sangkap)[1] ay isangsangkap na naglalaman ng mgamulapik na pare-pareho ang bilang ng mgamulasik. Ang bilang na ito ay tinatawag namulpikning bilang ng elemento. Halimbawa, ang lahat ng atom na may 6 na mulasik sa kanyangbutod ay mulapik ng elementongkarbon, at ang lahat ng mga atom na may 92 mulasik sa kanilang butod ay atom ng elementonguranium.
Mayroong 118 mulangkap, mulahaydrohen (na nagtataglay ng isang mulasik) hanggangoganeson (na mayroong 118 mulasik).
Ang pinakamakisig na pagpapakita ng mga elemento ay angtalaulitan ng mga mulangkap. Ito ay nagpapangkat sa mga elementoayon sa pagkakahawig sa katangian. Matutunghayan rin sa talaulitan ang mga mulangkap ayon sa pangalan, simbolo o mulpikning bilang.
Dahil sa ang bilang ng mga mulasik sa butod ang nagdidikta sa bilang ngdagisik sa palibot ng butod at nang kaniyang katangian, at dahil sa ang mga electron ang panglabas na bahagi ng mulapik (ang bahaging rabaw na nakikita ng sanlibutan), ang pagkakakilanlan ng isang elemento ang nagdidikta kung paano ito makikipagsanib sa ibang kemikal. May ilang banayad na pagbabago sa katangiang kemika ang idinudulot ng bilang ngawansik sa nucleous ng halos ‘iisang’ elemento.