Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Zen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

AngZen, na maaari ring isulat bilangSen oTsen, ay isangpaaralan ngBudismongMahāyāna.[2][3]

Ang salitangZen ay buhat sa pagbigkas saHapones ngPanggitnang wikang Intsik na salitang 禪Dzyen (na sa makabagongMandarin ayChán), na hinango naman mula sa salitang Sanskrit nadhyāna, na tinatayang maisasalinwika bilang "pagsipsip" (absorpsiyon) o "kalagayang meditatibo" (katayuang nagbubulay-bulay).[4]

Binibigyang diin ng Zen ang pangkaranasangkarunungan sa pagkakamit ngpagkamulat. Bilang ganyan, hindi nito binibigyan ng diin ang kaalamangteoretikal bilang pagbibigay ng pabor o pagkiling sa tuwirangpagpapatotoo ng sarili sa pamamagitan ngpagninilay o meditasyon at pagsasagawa ngdharma.[5] Kabilang sa mga pagtuturo ng Zen ang sari-saring mga pinanggalingan ng kaisipang Mahāyāna, kasama na ang panitikangPrajñāpāramitā, angMadhyamaka, angYogācāra at angmga Sutrang Tathāgatagarbha.

Nang nakaraang mga siglo, naimpluwensiya ang Zen ngTaoismo. Kaya simple at kompakto ang mga bagay sa Zen. Ang pilosopiya ng Zen ay laganap sa mga arte ng Hapon, bilang anghaiku,ikebana, kaligrapiya, at pintura.

Binibigyang diin sa Zen ang di-logosentrikong pag-iisip (Ingles:non-logocentric thinking) o kaya pag-iisip na hindi sentro ang mga salita. Ginagamit ang mga paradohang imahen. Kung may salita, ginagamit ang mgakōan, paradohang pangungusap o tanong, sa meditasyon para wasakin ang rasyonalidad.

Mga Larawan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • Ang Uniberso, pamosong pinturang Zen ni Sengai Gibon (mongheng Hapon, 1750–1837)
    Ang Uniberso, pamosong pinturang Zen ni Sengai Gibon (mongheng Hapon, 1750–1837)
  • Harding Zen ng Ryōan-ji sa Kyōto sa Hapon
    Harding Zen ng Ryōan-ji sa Kyōto sa Hapon
  • Meditasyong Zen sa California
    Meditasyong Zen sa California
  • Harding Zen ng bato at buhangin
    Harding Zen ng bato at buhangin

Mga Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Dumoulin 2005, p. xvii. harv error: no target: CITEREFDumoulin2005 (help)
  2. Isinulat ni Dumoulin sa kanyangpaunawa (paunang hiwatig) para sa kanyangZen A History. Volume One: India and China (Zen Isang Kasaysayan: India at Tsina): "Zen (Ch'an sa Intsik, isang pagpapaikli ngch'an-na, na pinaghanguan ngtransliterasyon ngSanskrit nadhyana o ngkahinlog nitongjhāna saPali—mga katagang nangangahulugang "meditasyon") ay ang pangalan ng isang paaralang Budista ng Mahāyāna na nagmula sa Tsina at kinatatangian ng pagsasagawa ng meditasyon na nasa posisyon nglotus (sa Hapon ayzazen; sa Intsik aytso-ch'an) at ng paggamit ngkōan (sa Intsik aykung-an), pati na ang pagkaranas ng pagkamulat ngsatori[1] na nagmula sa Tsina noong ika-6 na daantaon CE bilangChán. Magmula sa Tsina, lumaganap ang Zen sa timog papuntangBiyetnam, sa pasilangan papuntangKorea atHapon."
  3. Harvey 1995, p. 159-169. harv error: no target: CITEREFHarvey1995 (help)
  4. Kasulis 2003, p. 24. harv error: no target: CITEREFKasulis2003 (help)
  5. Yampolski & 2003-A, p. 3. harv error: no target: CITEREFYampolski2003-A (help)
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Zen&oldid=2146556"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp