a Nakabatay ang pagtataya saregression; ang ibang PPP figures ay na-extrapolate mula sa pinakahuling latest International Comparison Programme benchmark estimates.
AngDemokratikong Republika ng Congo /kong·go/ (Pranses:République Démocratique du Congo), kilala ringDR Congo,DRC,Congo,Congo-Kinshasa ay isang bansa sagitnang Aprika at ang ikalawang pinakamalaking bansa sakontinente at ika-11 naman sa daigdig. Pinalilibutan ito ngCentral African Republic atTimog Sudan sa hilaga,Uganda,Rwanda,Burundi atTanzania sa silangan,Zambia atAngola sa timog, atRepublika ng Congo sa kanluran. Sa populasyon nitong 75 milyon, ang Demokratikong Republika ng Congo ay ang pinakamataong bansangFrancophone, ikaapat na pinakamataong bansa sa Aprika at ika-19 sa buong daigdig.
Ang mgaDigmaang Sibil ng Congo na nagsimula noong 1996 na nagwakas sa 31 taong pamamayagpag sa kapangyarihan niMobutu Sese Seko, ay sumira sa bansa at di-naglaon kinabilangan ng siyam na bansa sa Aprika, maraming pangkat ngUN Peacekeepers at dalawampung armadong grupo.[1][2] Nagdulot ng pagkasawi ng may 5.4 milyong katao ang nasabing mga digmaan mula 1998[3][4][5] kung saan higit sa 90% ng mga nasawi ay dahil samalaria,diarrhea,pulmonya atmalnutrisyon, na pinalalâ pa ng mga marurumi at siksikang kondisyon ng mga pinaglikasan ng mga refugee.[6] Halos kalahati sa mga naging biktima ay mga bata na wala pang limang taong gulang.[3] Ayon saHuman Development Index (HDI) noong 2013, ang bansa ay may mababang antas ng kaunlarang pantao, pumang-186 sa 187 mga bansa.[7]
↑"DRC: Watching the volcanoes".IRIN News.IRIN. 16 Pebrero 2010. Nakuha noong14 Abril 2015.Against these odds, the population of Goma has grown to about one million from 400,000 in 2004 and 250,000 in 2002, making it difficult to evacuate in the event of a volcanic eruption, a military observer in Goma said.