Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Yoga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang lalaking nagyoyoga.

Angyoga ay isang paniniwala at gawain ng pagdidisiplina sa katawan at isipan.[1] Isa itong matanda o isinaunang disiplinang nagmula pa saIndiya na gumagamit ng mga teknik o pamamaraan sa paghinga,ehersisyo, atmeditasyon, at pinaniniwalaang nakapagpapainam ngkalusugan at nakapagbibigay ngkasiyahan. Isang salitangSanskrito angyoga na may ibig sabihing unyon o pag-iisa. SiPatanjali ang tagapanimula ng klasikong yoga, na nagbigay kahulugan sa yoga bilang ang pagtatanggal, pagtatapos, o paghinto ng pagbabago sa isipan o kaisipan.

Sa pangkalahatan, tinatawag nayogi ang isang taong nagyoyoga[1], bagaman maaari rin itong tumukoy sa isang lalaking nagsasanay o nagsasagawa ng sari-saring mga anyo ng daan ng yoga. Bukod sayogi, tinatawag dingyogin ang lalaking nagyoyoga.Yogini ang katuringan sa isang babaeng nagyoyoga. Nagpapanatili ang yogi ng matatag o hindi nagbabagong isipan, ang proseso ng pagaangat ng mababang sarili. Sa karamihan ng mga pagkakataon, nilalaan ang ganitong mga katawagan para sa mga nasa mas masulong na mga tagapagsagawa ng yoga o mga taong araw-araw na nagyoyoga. Nilalarawan din ng mga pantawag na ito ang mgaBudistangmonghe o sinumang pangkaraniwang tao o may-tahanang nakatuon o deboto sa meditasyon.

Binibigyang kahulugan sa teskto ngShiva-Samhita ang yogi bilang isang maalam o nakaaalam na nakalagay ang buongkosmos sa loob ng kanyang katawan. SaYoga-Shikha-Upanishad, nilalarawan ang dalawang mga uri ng yogin: yaong mga tumutusok sa "araw" (surya) sa pamamagitan ng iba't ibang mga uri ng teknik ng yoga, at sa iyung mga nakapupunta sa pintuan ng panggitnang konduwit (sushumna-nadi, daanan o daluyan) at umiinom ngnektar.[2]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
May kaugnay na midya tungkol saYoga ang Wikimedia Commons.
  1. 1.01.1Gaboy, Luciano L.Yoga, yogi - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. The Shambhala Encyclopedia of Yoga,Shambhala Publications, Boston, 2000, p. 350.
National
Other
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Yoga&oldid=2005238"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp