kompositor, music educator, piyanista, musiko, organista, violinist
Asawa
Constanze Mozart (4 Agosto 1782–5 Disyembre 1791)
Anak
Karl Mozart,Franz Xaver Wolfgang Mozart
Magulang
Leopold Mozart
Anna Maria Mozart
Pamilya
Maria Anna Mozart
Pirma
SiWolfgang Amadeus Mozart (IPA:ˈvɔlfgaŋamaˈdeusˈmoːtsart) (Enero 27,1756 –Disyembre 5,1791), na isinilang saSalzburg,Austria, ay isa sa mga mahahalaga at maimpluwensyangkompositor ngKanluraningMusikang Klasiko. Isa siya sa mga itinuturing na pinakamahusay at pinakakilalang kompositor na nabuhay. Ang kaniyang mgakomposisyong umabot sa mahigit-kumulang animnaraang (600) mga piyesa ay itinuturing na pamantayan ng mga aspetong musikal tulad ngsinfonia,concerto,tugtuging pangkamara,piyano,musikangoperatiko atpangkoro. Ang mga ito ay pumukaw sa henerasyon ng mga kompositor noongika-18 siglo. Malaking bilang ng mga pangunahing gawa ni Mozart ay nananatiling tanyag sa mga tagapakinig at naging pamantayan na sa larangan ng musika hanggang ngayon.
Ang mga magulang ni Mozart ay sinaLeopold at Anna Maria Pertl Mozart sa Getreidegasse 9 sa Salzburg,[1] ang kabisera ng Arsobispo ng Salzburg, na kilala ngayon bilangAustria. Siya ay may anim na kapatid ngunit isa lamang ang nakaligtas sa pagsilang, ang kanyang kapatid na si Maria Anna, na tinatawag na "Nannerl". Nabinyagan si Wolfgang isang araw pagkatapos ng kanyang kapanganakan saSt. Rupert's Cathedral. Ang kanyang buong pangalan sa Latin ayJoannes Chrysostomus Wolfgangus Theophilus Mozart.
Ang kanyang ama ay isang deputadongKapellmeister sa korte orkestra ng Arsobispo ng Salzburg at kompositor. Isa rin siyang dalubhasang guro, sa taon ng kaarawan ni Mozart ay naglathala siya ng isang sikat na libro para sabiyolin, ang "Versuch einer gründlichen Violinschule".
Noong pitong taong gulang si Nannerl, tinuruan siya ni Leopold na tumugtog ng keyboard. Ang tatlong taong gulang na si Mozart ay nanonood at namamangha. Si Wolfgang ay umibig sa pagtugtog ng keyboard at sa edad na apat ay napakahusay niyang tumugtog ng clavier. Sa edad na limang taong gulang, siya ay bumubuo na ng mga maiikling komposisyon, at ang mga ito ay naitala ng kanyang ama. Ilan sa mga ito ay ang Andante (K. 1a) at Allegro sa C (K. 1b).
Ang pamilyang Mozart: makikita sina Leopold, Wolfgang, at Nannerl; pintang watercolour niCarmontelle, 1763[2]
Kahit na si Leopold ay mahusay at nakatuon bilang isang guro sa kanyang mga anak, si Wolfgang ay naudyukan na matuto nang higit pa kaysa sa itinuturo ng kanyang ama.[3] Ang paglika ng kanyang unang komposisyon at kakayahang tumugtog ng biyolin ay dahil sa sariling pagsisikap ni Wolfgang at ito ay lubhang ikinagulat ni Leopold, kung saan ang ama'y napaiyak sa mga pangyayaring ito. Tumigil si Leopold sa paggawa ng kanyang mga sariling komposisyon nang mapagtanto niya ang kakaibang talento sa musika ng kanyang anak. Si Leopold ang nag-iisang guro ni Wolfgang sa kanyang kabataan. Tinuruan din ni Leopold ang mga bata ng iba't ibang wika at akademya maliban sa musika.
Noong kabataan ni Mozart ay lumibot ang kanyang pamilya sa iilang lakbayin saEuropa kung saan pinakita nila ang kanilang mga anak bilang kakaiba ang kagalingan. Ang unang eksibisyon ay noong 1762 sa Korte ng Elektor ngBavaria saMunich, at sa parehong tao sa Imperiyal na Korte ngVienna atPrague. Sumunod ang isang mahabang lakbay-konserto sa loob ng tatlo at kalahating taon sa mga korte ng Munich,Mannheim,Paris,London, saHague,Zurich,Donaueschingen at iba pa. Sa panahong ito nakilala ni Mozart ang ilang magagaling na mga musikero at natuklasan ang mga likha ng iba pang mga kompositor. Isa dito na naging malaking impluwensiya kay Mozart ay siJohann Christian Bach, na nakilala ni Mozart sa London noong 1764-65. Sa Vienna noong 1767-68 ay nakakuha si Mozart ng sakit nasmallpox, at ang kanyang ama ay hindi pumayag na bakunahan siya sa paniniwalang nasa pasya ngPanginoon kung mabubuhay pa o hindi ang anak niya.
Nilikha ni Mozart noong 9 Oktubre 1770 para makapasok siya saAccademia Filarmonica di Bologna; Tinugtog ni Phillip W. Serna, treble, tenor at bass na mgaviol
Makalipas ang isang taon ay pumunta sila saItalya ng kanyang ama, at naiwan ang kanyang ina at kapatid sa bahay. Nakilala ni Mozart si G.B. Martini saBologna, at natanggap bilang kasapi ng sikat naAccademia Filarmonica. SaRoma ay narinig nya ng isang beses ang Miserere niGregorio Allegri saSistine Chapel, at matapos ay isinulat ito nang buo mula lamang sa kanyang alaala, bumabalik lamang siya para itama ang kaunting maliit na pagkakamali mula sa musika. Ito ang unang ilegal na kopya na mahigpit na binabantayang pagmamay-ari ngVatican.
SaMilan, isinulat ni Mozart ang operaMitridate Re di Ponto (1770) at itinanghal ito nang matagumpay. Dahil dito ay sumunod pa ang madaming trabaho, at bumalik si Wolfgang at Leopold ng dalawang beses mula Salzburg patungo Milan para sa komposisyon at pagtanghal ngAscanio in Alba (1771) atLucio Silla (1772).
Sa dulo ng paglalakbay ni Mozart sa Italya ay isinulat niya ang una sa kanyang mga nilikha na madalas pa ring tinutugtog ngayon, ang solo cantata naExsultate, jubilate, K. 165.