![]() | Kailangangisapanahon(i-update) ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na. |
![]() | |
(Mga) Developer | Microsoft |
---|---|
Stable release | 6.0.6001.18000 /February 4, 2008 |
Preview release | 6.1.6519.1 (Windows 7) /December 20, 2007 |
Operating system | Microsoft WindowsVista;7 |
Tipo | Widget engine |
Lisensiya | MS-EULA |
Website | Windows Vista: Features Explained: Windows Sidebar and Gadgets |
AngWindows Sidebar ay isang panel para sa mgaDesktop Gadgets na matatagpuan sa isang gilid ngdesktop saWindows Vista.
Mayroong mga maliliit na programa oGadgets ang Windows Sidebar na ginagamit sa pagpapakita ng impormasyon tulad ng oras, mga gadget na nangangailangan ngInternet tulad ngRSS feeds, at pagkokontrol sa mga panlabas na programa tulad ngWindows Media Player. Maaari ring tumakbo ang mga Desktop Gadgets sa desktop, hiwalay sa Windows Sidebar.
Labing-isang gadgets ang matatagpuan sa Windows Vista: kalendaryo, orasan, mga kontak, sukat ng CPU, pagpapalit ng pera, pangunahing balita sa RSS, slide show, mga stocks at panahon. Sa mga ito, ang orasan, slide show, at mga pangunahing balita sa RSS ay makikita sa bagong instalasyon ng Windows Vista. Nagbibigay ng lingk patungo sa isang websayt ang Microsoft na tinatawag naWindows Live Gallery kung saan maaaring makakuha ng ilan pang mga gadget para sa Sidebar.
Madaling matukoy ng ilang mga kritiko at mga tagahanga ngMacintosh ang pagkakawangis ng Sidebar sa anyo at gawain ngDashboard ngApple at angYahoo! Widget Engine (dati’y Konfabulator). Bagaman may kaunting mga pagkakawangis ito sa anyo at gawain, naroroon ang Sidebar sa halos buong panahongpaglilinang sa Windows Vista (kilala sa panahong iyon bilang “Longhorn”). Ginawa ang unangbuild kung saan makikita ang panel na ito noongSetyembre 2002, bago ang pamamahagi ng Konfabulator o Dashboard.
Nagmula ang Sidebar sa proyekto ng Microsoft Research na tinatawag na Sideshow, na pinaunlad noong tag-init ng taong 2000, at ginamit sa loob ng Microsoft. Marami itong pagkakawangis sa kasalukuyangsoftware nadesktop gadgets, kasama na rin ang orasan, balita sa trapiko at integrasyon ng IM.
Orihinal na binalak na papalitan ng Sidebar ang lugar ng notipikasyon o angbar ng Quick Launch sa Windows, ngunit tinanggal ang planong ito matapos ang “pagsasaayos” ng Longhorn noong 2004.