AngWindows 9x ay ang pangalan ng isang hanay ng mga pantahanangkaparaanang pampamamalakad na nakabatay saMS-DOS, bagaman ang mga bersyong1.0,2.0,2.1x,3.0 at3.1x, ay hindi mga OS kundi mgapakikihalubilong makikitang pantagagamit atkaparaanang pampamamalakad, isang pagpapalawig ng mga kakayahan ng MS-DOS ngunit lahat pa rin ng mga paglakad ay ginaganap pa rin ng MS-DOS,[1] lamang,[2][3] na ginawa ngMicrosoft simula sa paglalabas ng kanilang pinakaunang OS hanggang sa taong2000. Tumutukoy dito rati ang katawagang "Windows" ngunit nagtapos nang inilabas angWindows XP na nagsanib ng Windows 9x sa isang pang hanay ng mga OS ng Microsoft na tinatawag namangWindows NT, ang hanay ng Microsoft alang-alang sa mga tanggapan.
Windows 1.0x — Ito ang pinakaunang bersyon ng Microsoft Windows, at ito rin ang mayroong pinakamahinang pagbili. Inilabas ito noongNobyembre 1985 sa halagangUSD 100 matapos ang maraming pagkaantala.
Windows 2.x — Ito ang ikalawang bersyon ng Microsoft Windows, at, kagaya ng naunang Windows 1.0, ito rin ay ipinagbibili sa halagang USD 100. Isa sa mga bagong bagay na itinatampok dito ay ang kakayahan nitong magpatung-patong ng mgadungawan. Ito rin ay higit na naging mabili kaysa sa nauna nitong bersyon.[4]
Windows 3.0 — Ang bersyong itong inilabas noongMayo 22,1990 ang isinasabing nagpasikat sa Windows bagaman higit na mahal ito kaysa sa mga na una; ipinagbibili ito nang USD 149.95, at nakapaglako ng higit pa sa 10 angaw na sipi.[5] Isa sa mga bagong kakayahan nito ang kakayahan nitong gumamit nang higit pa sa 16MB ng alaala, at magpatakbo nang mga programang Windows atDOS nang sabay-sabay; kaparang bagay na hindi kayang gawin ng karamihan ng mga katunggali nito noong inilabas ito.[6]
Windows 3.1x — Ang bersyong ito ay isang pagkakahanay ng mga pagdaragdag sa Windows 3.0. Isa sa mga bago sa Windows 3.1x ang pagtaguyod nito saTrue Type,[7] habang ang Windows 3.2 naman ay mayroong pagtaguyod alang-alang saTsinong titik.[8]
Windows 95 — Itinatampok sa bersyong ito ang isang bagong GUIng ibang-iba sa mga nauna nitong bersyon, at hindi kagaya ng mga naunang bersyon, ito ay isang ganap na OS,[9] at hindi na nangangailangang magsimula sa DOS upang mapatakbo.[10] Ito rin ay naging lubhang mabili, at nakalako ng higit sa isang angaw na sipi sa unang apat na araw simula nang ilabas ito sa mga pamilihan.
Windows 98 — Gumagamit ang bersyong ito ng GUI na kagaya ng sa Windows 95. Ngunit hindi kagaya ng Windows 95, higit na malawak ang pagtaguyod nito alang-alang sa mga programang pang-Internet kagaya ngInternet Explorer, at sahardwer kagaya ngUSB.[11][12]
Windows Me — Ilan sa mga iniragdag sa bersyong ito angWindows Media Player atMovie Maker. Lahat-lahat, kaunti lamang ang ipinagbago nito sa Windows 98.[13][14] Ang OS na ito rin ay lubhang ikinukutiya, at isa sa mga naging pinakamalaking kawalan ng Microsoft. Itinuturing pa nga ng ilang ito ang pinakamasamang OS magpakailanman dahil sa angking daw na kabagalan at iba pang bagay nito.[15] Karaniwan ding itong ihinahambing saWindows Vista, isa ring bersyon ng Windows na nakakatanggap ng mararaming pangungutiya.[16][17]
AngWindows NT ay isang hanay ng mgakaparaanang pampamamalakad na iginawa alang-alang sa mga tanggapan, at, hindi kagaya ng mgaWindows 9x, lahat ng mga bersyon ng Windows NT ay mga ganap na OS. Ang Windows NT ay hango saOS/2 pinagtulungang gawin ngIBM atMicrosoft hanggang naghiwalay ang dalawang samahan ng landas.[18]
Windows NT 3.5 — Ito ay isang ipinagbuting bersyon ng Windows NT 3.1, at mayroong higit na malaking pagpapaganap, at higit na kaunting pangangailangan sa alaala.
Windows NT 3.51 — Kagaya ng Windows NT 3.1 at NT 3.5, gumagamit ito ng malawindows-3.1 na GUI. Malawak ang pagtaguyod nito sa pakikipaggawa saWindows 95 na inilabas tatlong buwan matapos ilabas ito.[20]
Windows NT 4.0 — Ang bersyong ito ang pinakaunang bersyon ng Windows NT na gumamit ng GUI ng Windows 95. Ilan sa mga bagong kagamitan nito angInternet Explorer. Ngunit ang OS na ito ay walang kakayahang magpatakbo ng maraming mga laro athardwer.[21]
Windows 2000 — Ang bersyong ito ay inilabas sa maraming pagkakalimbag.[22] Higit na malawak ang pagtaguyod nito saInternet, at higit na malaki ang kaligtasan kung ihahambing sa mga huling bersyon.[23]
Windows XP — Itinatampok sa bersyong ito ang mararaming pagbabago at pagdaragdag lalo na sa GUI, pagtaguyod sa mga hardwer, at kaligtasan, isa na roon angWindows Firewall. Kagaya ng Windows 2000, inilabas ito sa ilalim ng maraming pagkakalimbag.[24] Sa bersyong ding ito, nagsanib na ang dalawang dating hiwalay na hanay ng mga OS ngMicrosoft: angWindows 9x at Windows NT.[25]
Windows Fundamentals for Legacy PCs — Ang bersyong ito ay isang ipinababang-kalidad na XP alang-alang sa higit na mababang halaga at mga lumang kompyuter.[26][27][28] Ito ay ginawa lalo na alang-alang sa mga nagmamay-ari ng mgaWindows 98 atMe ngunit hindi kayang makapagpatakbo ng XP, at dahil wala nang pagtaguyod ang mga iyon, inaasahan ng Microsoft na magiging dahilan ito upang gamitin ng mga tao ang WinFLP.[29]
Windows Vista — Itinatampok sa bersyong ito ang napakaraming mga pagbabago lalo na sa GUI, kagaya ng mgamalasalamin nitong mgadungawan, kaligtasan, kagaya ngUAC atWindows Defender, at iba pa.[30][31][32][33][34] Halo ang pagtanggap nito; mayroong ilang natutuwa rito,[35] higit na maraming ikinukutiya ito.[36] Ang mga pangungutiyang ito ay karamihan dahil sa angking kabagalan ng Vista, at laki ng mga pangangailangan nitong antas sa hardwer kagaya ng RAM.[37][38][39]
Windows 7 — Ang sumunod sa Windows Vista. Maraming pagkakaparehas ito sa Windows Vista maliban sa mga bagong features nito gaya ng AeroSnap at ang mas pinalaking taskbar. Kadalasan din itong tinatawag ng iba bilang "Vista 2.0".
Windows 8 — Ito ang successor sa Windows 7 na may mas simpleng GUI at marami pang ibang pagbabago sa UI.
Windows Server 2003 — Ang bersyong ito, ayon sa Microsoft at sa karamihan ng mga nagsiyasat nito, ay higit na mapagpaganap, at kung gagamitin ay higit na makakamura.[40][41][42]
Windows Home Server — Ang bersyong ito ay ginawa alang-alang sa mga tahanang mayroong mararaming mgakompyuter, at gumagamit ng GUI ng alang-alang ng saWindows Vista. Maganda ang naging pagtanggap nito. Ilan sa mga kadahilanan nito ay ang gabihan nitopagbak-ap na kaya nitong gawin sa hanggang 10 kompyuter.[43][44]
Windows Server 2008 — Ang bersyong ito ay ang kasalukuyang pinakabagong bersyon ng Windows alang-alang sa mga tagalingkod. Itinatampok sa bersyong itong mayroong walong pagkakalimbag[45] ang kabilisan nitong higit na mabilis kaysa sa Windows Server 2003 lalo na kung ang mga pinapamahalaang kompyuter ay Windows Vista ang gamit,[46] at, kagaya ng Windows Vista, ang higit na mataas nitong kaligtasang matatagpuan din sa Vista;[47] ito ay dahil hango saubod ng Vista angkaparaanang pampamamalakad na ito.[48]
Windows Neptune — Ginawa ang OS na ito noong 1999 — 2000 upang maging pantahanang pagkalimbag ngWindows 2000, at dahil doon ito rin ay hango sa Windows 2000. Ngunit itinigil ang proyekto nito noong2000, at isinanib sa Windows Whistler, na kasalukuyan ay nagingWindows XP, at inilabas na lamang ngMicrosoft angWindows Me bilang pantahanang OS.[53] Kung naituloy, inaasahang ilalabas ito noong2001.[54] Itinatampok sa OS na ito ang sarili nitongpayrwol at higit na malawak na pagtaguyod sa mgahardwer at ang tinatawag na mga "Activity Center".[55][56]
Windows Odyssey — Ginawa ang OS na ito noong 1999 — 2000 nang kasabay ang Windows Neptune. Ginawa ito upang maging kasunod ng Neptune ngunit itinigil sa kaparang dahilan ng pagtigil ng Neptune.[57]