SiWilliam Harvey (1 Abril 1578 – 3 Hunyo 1657) ay isangIngles namanggagamot. Siya ang unang nakapaglarawan at nakapagpaliwanag nang buo at nakadetalye ngsirkulasyong sistemiko at mga katangiang pag-aari ngdugo na binobomba at dinadala sa katawan sa pamamagitan ngpuso, bagaman mayroong mas naunang mga manunulat na nakapagbigay ng mga pauna hinggil sa teoriyang ito.[1][2] Pagkaraan ng kaniyang kamatayan, angOspital na William Harvey ay itinayo sa bayan ngAshford, mayroong ilang mga milya mula saFolkestone,Kent, na pook ng kaniyang kapanganakan.
Naging tanyag si Harvey dahil sa kaniyangideya hinggil sa pagbomba ng dugo sa paligid ng katawan sa pamamagitan ng puso. Natuklasan niChristianismi Restitutio kung paano gumagana angsistemang sirkulatoryo, subalit nawala ang kaniyang mga gawain noong kaniyang kapanahunan. Natuklasan ni Harvey ang nagawa ni Restitutio pagkalipas ng isang daantaon pagdaka. Naglakbay si Harvey sa maraming lugar saEuropa upang manaliksik. Ang karamihan sa kaniyang mga pananaliksik ay ginawa niya saItalya kung saan nagpunta siya saKolehiyong Ingles ng Roma.
Nagpunta si Harvey saAng Paaralan ng Hari ngCanterbury, at pagkaraan ay nagtungo saDalubhasaan ng Ganville at Caius,Cambridge. Pagkatapos ay nagpunta siya saPamantasan ng Padua kung saan nagtapos siya ng pag-aaral noong1602. Nang magbalik siya sa Inglatera, pinakasalan niya siElizabeth Browne, na anak na babae ng manggagamot niElizabeth I. Naging manggagamot siya para saOspital ni San Bartolome ngLondres mula1609 hanggang1643.