Sa ngayon, mayroong mga135 napiling mga larawan saTagalog na Wikipedia. Nilalagyan ngtag o tatak na ganito ang mga larawang napili sa kanilangpahina ng talaksan,pahina ng usapan, atusapang suleras, kasama ang petsa kung kailan ito naganap:
Ito ay isangNapiling Larawan noon pangMarso 22, 2008, nangangahulugang itinuring ngpamayanang isa ito sa mga pinakamabuting larawan sa Wikipediang Tagalog.
Napiling Larawan
Kung mayroon kang ibig idagdag na larawan para maging napiling larawan, iharap ito sapahina ng nominasyon. Dapat lamang na nasadominyong publiko o nasasakop ngmalayang lisensiya ang mga larawang nakatala rito. Kapag napili ang larawan, magkakaroon din ito ng isang maliit na bituing tanso () sa pang-itaas na kanang sulok ng pahina ng usapan ng larawan upang - bukod pa sa tatak na nasa itaas - talagang maipapahiwatig na napili nga ang larawan.
Sa ngayon, maaari ring maglagay ang sinumang patnugot ng anumang larawan mula saWikipedia Commons (halimbawa na angPicture of the day). Hindi na ito daraan sa paghaharap sa Tagalog Wikipedia kung ito ay nakapailalim na sa anumang kategorya ng pagigingnatatanging larawan saCommons, ngunit dapat lamang na may katumbas na artikulo ito sa Tagalog Wikipedia. Dapat ring nakapaloob sa artikulo sa Tagalog Wikipedia ang larawang pinili para itangi dito (ipasok lamang kung wala pa sa artikulong kaugnay; kung may sapat nang bilang ng larawan sa artikulo, maaaring hindi na ilagay sa artikulo ang napiling larawan; suriin na lamang kung dapat bang palitan ang (mga) larawan na nasa artikulo ng napiling larawan; sa ganitong kaso, ipalit ang napiling larawan kapag nararapat lamang). Dapat lamang na dumaan sa paghaharap at halalan ang mga larawang tuwirang ikinarga dito sa Tagalog Wikipedia (hindi doon tuwirang ikinarga saWikipedia Commons para kuhanin at gamitin sa Tagalog Wikipedia). Kailangan din iharap para pagbotohan ang mga larawan na bagaman galing sa Wikipedia Commons ay hindi naman nabibilang sa mga itinuturing na tampok o natatangi (tulad ng mga nabanggit sa itaas). Bagaman, kailangang iabiso ng isang tagagamit ang isa sa mga tagapangasiwa na idagdag ang kanilang napiling larawan mula sa Commons dahil nakaprotekta ang suleras na paglalagyan sa Unang pahina.
Maaari mong ilagay sa iyong pahina ng tagagamit ang kahon ngnapiling larawan, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tekstong {{Napiling Larawan}} kung saan mo man ibig palitawin ang larawan.
Paalala:Isinasama sa paglalagay sa unang pahina ang pangalan ng tagagamit na gumawa (orihinal na kumuha o nag-ambag) ng larawan o litrato. Huwag po sana itong kalilimutan. At mangyari pong limitahan lamang ang mga pananalitang naglalarawan ng larawan sa dalawa hanggang tatlong pangungusap.
Pagpapalit: Sa kasalukuyan, lingguhan ang ginagawang pagpapalit ng larawan ngunit maaari rin itong palitan anumang oras, kapag naitanghal na ng lubos ang isang larawan.
Pagsusupnay: Isinusupnay o inilalagay sa ibaba ang mga pangkasalukuyan at kadaraan lamang na mga napiling larawan hanggang sa dapat nang sinupin o iarkibo.
Pagsisinop: Sinisinop o inilalagak sasinupan (inaarkibo) sa kawing na matatagpuan rin sa ibaba, gawing kanan, ang mga pangkat ayon sa taon ng pagkakapili. Karaniwang ginagawa ito pagkatapos ng taon: tuwing katapusan ng Disyembre bawat taon o mga unang araw ng bagong taon (maaaring maaga depende sa dami ng bilang ng mga napiling larawan).
SiSally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanongastronauta atpisiko. Ipinanganak saLos Angeles, sumali siya saNASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sakalawakan, pagkatapos ng mgakosmonauta na sinaValentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
AngBlack Lives Matter (BLM,lit. na'Mahalaga ang Buhay ng [Lahing] Itim') ay isang desentralisadong kilusang pampulitika at panlipunan na naglalayong itampok angdiskriminasyon ng lahi, at hindi pagkakapantay-pantay ng lahi na nararanasan ng mga taong may lahing itim. Kapag nagsasama-sama ang mga tagasuporta ng kilusang ito, ginagawa nila ito bilangprotesta laban sa mga insidente ng brutalidad ngpulisya at karahasang udyok laban sa mga taong may lahing itim. Nagsimula ito kasunod ng pagpatay kina Trayvon Martin, Michael Brown, Eric Garner, Pamela Turner at Rekia Boyd, bukod sa iba pa. Tipikal na tinataguyod ng kilusan at mga kaugnay na mga organisasyon nito ang iba't ibang pagbabago sa polisiya na tinuturing may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga taong may lahing itim. Habang may mga tukoy na samahan tulad ng Black Lives Matter Global Network na tinatakan ang sarili bilang "Black Lives Matter", ang kilusang Black Lives Matter ay binubuo ng isang malawak na hanay ng mga tao at mga organisasyon. Nananatili angslogan osawikain na "Black Lives Matter" mismo na hindi nakatatak-pangkalakal ng anumang pangkat.
Angbakunang mRNA ay isang uri ngbakuna na ginagamit ang isang kopya ng isangmolekula na tinatawag namessenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune. Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ngantigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta saselulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagangprotina na karaniwang nalilikha ng isangmikroorganismo (tulad ng isangbayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ngkanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser. Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ngRNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula.
May-akda ng larawan:SCNAT (Swiss Academy of Sciences o Swisong Akademya ng mga Agham)
Angleon oliyon (Panthera leo) ay isangespesye sa pamilyangFelidae at isang miyembro nggenusPanthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki angadultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalakingungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito.
Angnatibidad ni Jesus,natibidad ni Cristo,kapanganakan ni Cristo okapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mgaebanghelyo ngBibliya naLucas atMateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak siJesus saBethlehem saJudea, na tinakdang ikasalang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalangJose, na nagmula sa lahi ni HaringDavid at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistangKristiyano ngPasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.
Angpulang soro (Vulpes vulpes) ay ang pinakamalaki sa mga tunay nasoro at isa sa pinakamalawak na laganap na kasapi ngorden naCarnivora, na makikita sa buongHilagang Emisperyo kabilang ang karamihan ngHilagang Amerika,Europa atAsya, dagdag pa ang ilang bahagi ng HilagangAprika. Nakatala ito saIUCN bilangleast concern o pinakamaliit ang pag-aalala. Tumaas ang naabot nito kasama ng paglago ng tao. Nang ipinakilala ito saAustralya, tinuri itong nakakasama sa mga katutubongmamalya at mga populasyon ngibon. Dahil sa presensya nito sa Australya, naitala ito sa "100 pinakamalalang espesyang sumasakop."