Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Wikipedia:Patungkol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tandang pagkakakilanlan ng Wikipedia.

AngWikipedia ay isangensiklopedya na maymalayang nilalaman na magkasamang sinulat ng mga tagapag-ambag mula sa buong mundo na mayInternet. Isang itongwiki ibig sabihin, maaaring makapag-edit o ipatnugot ang kahit sino ng mga artikulo sa pamamagitan ng pagpindot saBaguhin (biswal na pagpapatnugot) oBaguhin ang wikitext (klasikong pagpapatnugot). May ilang mga pahina ang nakaprotekta sa pagpapatnugot upang iwasan ang pagkagambala atbandalismo.

Ang layunin ng Wikipedia ay makinabang ang mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng impormasyon sa lahat ng sangay ngkaalaman. Ang mga saligang prinsipyo ng Wikipedia ay binubuod salimang haligi nito. Bagaman nakabuo angpamayanan ng Wikipedia ng maraming patakaran at tuntunin, hindi kailangang pamilyar ang mga bagong patnugot sa mga ito bago sila magsimulang mag-ambag.

AngWikipedia ay isang tatak at pagmamay-ari ngWikimedia Foundation, Inc. oPundasyong Wikimedia. Sakop ng lisensiyangunported (walang hurisdiksyon, hal. bansa) naCreative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 (CC BY-SA) ang lahat ng mga teksto sa Wikipedia, pati na rin ang karamihan sa mga larawan at iba pang nilalaman. Pag-aari pa rin ng mga lumikha ang kanilang mga inambag, samantalang tinitiyak naman ng lisensiyang GFDL na malayang maipapamahagi at mailalabas ang mga nilalaman nito (pakitingnan angKarapatang-ari at angMga Pagtatanggi para sa karagdagang impormasyon).

Tungkol sa Wikipediang Tagalog

Logo ng Wikipediang Tagalog.
Pangunahing artikulo:Wikipediang Tagalog

AngWikipediang Tagalog ay ang edisyon ngWikipedia sa wikangTagalog. Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista ng mga Tagalog at Ingles na Wikipedia, ang Wikipediang ito na rin ang kumakatawan sa wikangFilipino.[1][2][3] Bagaman orihinal na ginamit angBaybayin noong sinaunang panahon bilang sistema ng pagsusulat ng Tagalog, sulating Latin lamang ang ginagamit ng edisyong ito dahil ito ang pinakamalaganap na alam ng nakakarami sa nagsasalita ng Tagalog. At kahit yaong marunong magsulat ng Baybayin sa ngayon ay marunong din naman na magbasa ng Tagalog na sinulat sa alpabetong Latin. Ang pangunahin layunin ng Wikipedia ay mapalaganap ang kaalaman sa lahat, at hindi ang pagpepreserba ng wika o sistema ng pagsusulat tulad Baybayin.

Kasaysayan

Sinasabing sinimulan ang Wikipediang Tagalog,Ang Malayang Ensiklopedya, noong 1 Disyembre 2003. Bagaman ang pinakamaagang makukuhangsnapshot ng Wikipediang Tagalog mula sa archive.org ay noong Nobyembre 30, 2003. Walang nakaalala mula sa pamayanan kung ano ang eksaktong araw ng pagsisimula ng Wikipediang Tagalog. Sa karagdagang impormasyon, tingnan angWikipedia:Anibersaryo ng Wikipediang Tagalog.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong48,747 mga artikulo.[4]. Naging ika-10,000 artikulo angBantayan, Cebu noong 20 Oktubre 2007, samantalang angPasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 noong 24 Disyembre 2007.[5] Naabot ang ika-16,000 artikulo nang malathala angPandaka pygmaea noong 11 Marso 2008.[6] Nakumpleto saBetawiki (oTranslatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pangsopwer ng Wikipediang Tagalog noong 6 Pebrero 2009.[7] Bagaman, may mga bagong entrada mula sa Translatewiki.net simula noong Pebrero 2009 ang hindi pa naisasalin.

Estadistika

Dahil sa pagbura ng mga maiikling artikulo na nagsimula noong 2018, bumaba sa baba ng 45,000 ang bilang ng artikulo ayon noong Disyembre 2022.

Mga unang hakbang ng Wikipediang Tagalog

Tingnan din

Pakikipag-ugnayan

Paanyaya

Ibang mga wika sa Pilipinas na may Wikipedia

Mga panlabas na link

Mga link patungo sa ibang mga edisyon ng Wikipedia sa ibang mga wika ng Pilipinas

Mga link sa iba pang mga Wikipedia na nasa ibang mga wika

Iba pang mga kaugnay na link

Mga sanggunian

  1. Wikipedia:Pamantayang pangwika/Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay
  2. Wikipedia:Kapihan: "Filipino Wikipedia (na nasa Wikimedia Incubator)"
  3. Kaugnay:The Filipino Wiktionary Debate (formerly It's official) (WP:Tambay Archive14.)
  4. Tahanang Pahina ng Wikipediang Tagalog, isinangguni noong: 20 Oktubre 2007
  5. 12Mula saAnnouncements (Mga Paunawa) saWikipedia:Tambayan ng Ingles na Wikipedia
  6. Mula sa pahina ng usapan ng Pandaka Pygmaea
  7. Tala ng gawain sa Translatewiki.net (Betawiki), noong 6 Pebrero 2009
  8. Pahina ng usapan ng Silindro
  9. Pahina ng usapan ng Unang Aklat ng mga Macabeo
  10. Pahina ng usapan ng Heriyatriko
  11. Pahina ng usapan ng Anak ng Tao
  12. Pahina ng usapan ng Sky Girls
  13. Pahina ng usapan ng Charlottenburg-Wilmersdorf
  14. Pahina ng usapan ng 1714 Sy
  15. Pahina ng usapan ng Ekonometriks
  16. Zexal Pahina ng usapan ng Yu-gi-Oh! Zexal
  17. Mula sa Supnayan ng Wikipediang Tagalog
  18. Wikipedia: Pagbabalik-tanaw sa artikulongKimika, Marso 25-26, 2008
  19. Mula sa Supnayan ng Wikipediang Tagalog.
  20. Mula sa pahinang pangkasaysayan ng Suleras ng Alam Ba Ninyo?
  21. Mula sa kasaysayan ng Wikipedia:Mga pangyayari noong unang panahon
  22. Mula sa kasaysayan ng Unang Pahina
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Wikipedia:Patungkol&oldid=2191450"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp