| Wikang pasenyas ng mga Pilipino | |
|---|---|
| Filipino Sign Language ,Philippine Sign Language | |
| Katutubo sa | Pilipinas |
Katutubo | 100,000 (Pamantasang Gallaudet, 1986)[1] |
| Pamilya | Kaugnay ngWikang pasenyas ng mga Amerikano |
| Mga kodigong pangwika | |
| ISO 639-2 | sgn |
| ISO 639-3 | psp |
Angwikang pasenyas ng mga Pilipino owika ng pagsenyas sa Pilipinas, tinatawag naFilipino Sign Language (FSL) atPhilippine Sign Language saIngles ay isang uri ng manwal at biswal (namamasdan ng mata) na komunikasyon na ginagamit ng mga mamamayang bingi at pipi sa bansangPilipinas. Isa itong pakikipagunayang ginagamitan ng mga hudyat at sagisag na isinasagawa ng mga kamay ng mga taong sanay dito, partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita at hindi nakaririnig, ngunit kabilang ang mga naglilingkod bilang mgatagapagpaunawang bihasa rin sa ganitong anyo ng pakikipagtalastasan.[2]
Sapagkat may malaking impluho angAmerican Sign Language (ASL) saFilipino Sign Language, may ilang mga binging mamamayan ang nagsasabing ang ASL lamang ang tunay na wika ng pagsesenyas at ang FSL ay isa lamang mga panghudyat na pantahanan. Gayondin, may malaking impluwensiya rin sa FSL angSigning Exact English (SEE) na pinakaginagamit sa mga paaralan ng mga bingi sa Pilipinas.[3]
Buo ang pakikipagugnayan - komunikasyong total - ang ginagamit sa mga paaralan ng mga hindi nakaririnig, kung saan kapwa nagsasalita at sumensenyas ang mga tagapagturo. Bilang kagamitan ngPeace Corps ng Estados Unidos, itinuturing angAmerican Sign Language bilang pangalawang wika ng mga bingi sa Pilipinas. Tinatayang may mga 300,000 mga tao na may suliranin sa pandinig ang gumagamit nito at may mga 100,000 hanggang 4.2 milyong mamamayan ang mayroon problemang pagkabingi.[4]
Noong 2003, nagsagawa angPhilippine Federation of the Deaf ng isang proyekto na magpapaunlad, sa loob ng tatlong taon, ng mgatalahuluganan at mga panturong mga materyales, kasama maging ang isang database ng mga impormasyong pangwikang pasenyas. Isinagawa ito na may tulong-panggugulin ang pamahalaang Hapon.[5]
Noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas, isa mga gumamit ng mga senyas sa pagtuturo ng katekismo at sa pagsasagawa ng pagbibinyag sa mga bingi si Padre Ramon Prat (kilala rin bilang Raymundo del Prado o Ramón del Prado), isang Kastilang nagsasalita ng Katalan at dumating sa Dulac, Leyte noong mga huling panahon ng mga dekada ng 1950. Isa rin sa mga pinaniniwalaang gumamit ng mga hudyat-kamay si Juan Giraldo, isang lalaking mula saPransiya na dumating sa Dulac, Leyte noong 1595.[2]
Sinasabing malaki ang impluwensiya ng mga senyas pangkamay na nagmula saEstados Unidos sa wika ng pagsesenyas na ginagamit ng mga bingi sa Pilipinas. Itinatag ang Paaralan para sa mga Bingi sa Maynila (Manila School for the Deaf) – na kilala sa ngayon bilangPhilippine School for the Deaf (Paaralan para sa mga Bingi sa Pilipinas) noong 1907. Itinatag ang paaralang ito ni Delight Rice, isang gurongAmerikano. Pinamahalaan ito ng mga prinsipal na mga Amerikano hanggang sa mga dekada ng 1940. Malaking impluwensiya din sa pamamaraan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga hindi nakakarinig ang paglalagak ng mga boluntaryo mula saU.S. Peace Corps sa iba’t ibang mga pook sa Pilipinas mula 1974 hanggang 1989. Kabilang rin sa mga impluwensiya mula sa Estados Unidos ang mga samahang pampananampalataya, mga tagapagturo at mga lathalain at panooring ginagamitan ng mga kumpas-kamay batay saAmerican Sign Language.[2]
Noong mga unang panahon ng mga dekada ng 1990, naging pinakapangunahing sa mga impluhong lokal at mga pananaliksik si Liza Martinez, isang nakaririnig na Pilipinang maalam sa wika ng pagsesenyas at dating miyembrong guro sa Pamantasang Gallaudet, isang unibersidad para sa mga bingi. Si Martinez ang kasalukuyang tagapamahala ngPhilippine Deaf Resource Center. Isa siya sa mga nagpanimula ng mga pagaaral hinggil sa paggamit ng senyas sa Pilipinas, sa pagpapalimbag ng mga lathalain at paglulunsad ng mga proyekto hinggil dito.[2]
Ilan ito sa mga piling lathalain hinggil sa wika ng pagsenyas sa Pilipinas:[2]