Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko mula saIPA. Maaari po kayong makakita ngtandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ngUnicode kung hindi suportado ang pagpapakita sa mga ito sa kasalukuyan niyong font. Para sa panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan angHelp:IPA sa Wikipediang Ingles.
AngSinaunang Griyego (Griyego:Αρχαία ελληνική γλώσσα) ay nagbubuo ng mga anyo ngwikang Griyego na ginamit saSinaunang Gresya at sa sinaunang mundo mula sa ika-9 na siglo BK hanggang sa ika-6 na siglo CE. Ito ay madalas na nahahati saArkaikong panahon (ika-9 hanggang ika-6 na mga siglo BK),Klasikong panahon (ika-5 hanggang ika-4 mga siglo BK) atHelenistikong panahon (ika-3 BK hanggang ika-6 siglo CE. Ito ay naunahan noong ika-2milenyo BK ng wikangGriyegong Micenico.[a]
Ang wika ng yugtong Helenistiko ay tinatawag naKoine (karaniwan) o Griyego ngBibliya; gayunman, ang wika mula sa huling panahon at pasulong nito ay hindi nagpapakita ng malalaking mga pagkakaiba mula saGriyegong Mediebal. AngGriyegong Koine ay itinuturing na isang hiwalay na yugtong historikal bagaman sa mas maagang anyo nito, ito ay malapit na katulad ng Klasikong Griyego. Bago ang panahong Koine, ang Griyego ng klasiko at mga mas maagang panahon ay kinabibilangan ng ilang mga pang-rehiyongdiyalektong Sinaunang Griyego.
Ang Sinaunang Griyego ay wika niHomer at ng mga klasikong Atenianong historyador, mandudula, at mga pilosopo. Ito ay nag-ambag ng maraming mga salita sa bokabularyo ngwikang Ingles at naging isang pamantayang paksa ng pag-aaral sa mga institusyong pang-edukasyon saKanluraning Daigdig simula noongRenasimiyento.
Ang unang mga halimbawa na natitira ng sulat ng Sinaunang Griyego (c. 1450 BK) ay nasa silabikong iskripLinyar B. Noong ika-8 na siglo BK, gayunman, naging uliran angalpabetong Griyego, ngunit may kaunting baryasyon sa mga diyalekto. Sinulat ang maaagang teksto sa estilongboustrophedon (Griyego:βουστροφηδόν,romanisado: boustrophēdón,lit. na 'bilang lumiliko angbaka [habang pag-araro]'), pero naging uliran ang estilong kaliwa-sa-kanan. Madalas na sinusulat ang mga modernong edisyon ng mga sinaunang Griyegong teksto sa pamamagitan ngmga asento at senyas pampaghinga, mga espasyo sa pagitan ng mga salita, at minsan maliliit na titik, pero ang lahat ng mga ito ay mamaya na inumpisahan.
Kumanta,diyosa, ng ngitngit niAchilles, anak ngPeleus, na nagdala ng yuta-yutang hinagpis samga Akayano, at na ipinadala saHades ang mgakaluluwa ng mararaming bayani: kaya ginanap ang balak niZeus, mula sa oras kung kailan muna umalis sa hidwaan anganak ngAtreus,hari ng mgalalaki, at ang marangal na Achilles.
Kung paano kayong mga lalaki ngAtenas ay nakakaramdan, sa ilalim ng puwersa ng aking mga akusador, hindi alamko: sa katunayan kahit ako mismo ay halos nakalimutan kung sino ako dahil sa nila, kasi nagsalita sila nang napakahikayat. At gayon pa man, sa ilang salita, walang nagsalita sila ay totoo.
Umokupa ang pag-aaral ng Sinaunang Griyego sa mga bansang Europeo, bukod pa saLatin, ng isang mahabang lugar sa silabo mula saRenasimiyento hanggang sa simula ng ika-20 na siglo. Totoo rin sa mgaEstados Unidos, kung saan ang mararaming Tagapagtatag ng bansa ay kumuha ng isangedukasyong batay sa mga klasiko ngEuropa. Binigyang-diin ang Latin sa mgakolehiyong Amerikano, pero kinailangan din ang Griyego sa mga panahong Kolonial at Maagang Nasyonal, at parami nang parami ang pag-aaral ngsinaunang Gresya ay naging bantog noong ikalawang kalahati ng ika-19 na siglo, ang panahon ng Amerikanongpilhelenismo (Ingles:philhellenism).
Ang sinaunang Griyego ay itinuturo pa bilang sapilitan o opsyonal na paksa, lalo na sa tradisyonal o piling mgapaaralan sa buong Europa, tulad ng mga paaralan saReyno Unido. Sapilitan saliceo classico saItalya, sagymnasium saOlanda, sa ilang mga klase saAustria, saklasična gimnazija (mababang paaralan — oryentasyon, mga wikang klasikal) saKroasya, sa mga klasikal na pag-aaral saBelhika, at opsyonal na saGymnasium saAlemanya, madalas na bilang pangatlong wika pagkatapos na Latin atIngles, edad 14–18.
Sapilitan din, sa tabi ng Latin, sa sangay ngaraling pantao ng Kastilangbachillerato. Tinituro ang Sinaunang Griyego sa karamihan ng mga pangunahingunibersidad sa buong mundo, madalas na pinagsasama sa Latin bilang isang bahagi ng pag-aaral ngklasikos. Noong 2010 inialay sa tatlong mabababang paaralan sa Reyno Unido para magpabuti ng mga kasanayang lingguwistiko ng mga bata, at ay isa sa pitong wikang banyaga na mga mabababang paaralan ay nakapagturo noong 2014 bilang bahagi ng malaking pagsisikap para magpabuti ng mga ulirang edukasyonal.
Ang sinaunang Griyego ay itinuturo bilang sapilitang paksa sa lahat ng mgagymnasium atlyceum saGresya. (Talaga, ang mga mismong salitanggymnasium atlyceum ay taga-Griyego.) Noong 2001 nagsimula ang isang taunangpaligsahang pandaigdig "Paligsahan para sa Sinaunang Griyegong Wika atKultura" (Griyego:Διαγωνισμός στην Αρχαία Ελληνική Γλώσσα και Γραμματεία) para sa mgamag-aaral sa mgamataas na paaralan, sa pamamagitan ng Griyegong Ministeryo ng Pambansang Edukasyon at Relihiyon, at saka mga organisasyon para sa Griyegong wika at kultura. Mukhang tumigil noong 2010, dahil hindi kumuha ng kamalayan at pagtanggap mula sa mgaguro.
Ang mga modernong awtor ay bihirang sumulat sa sinaunang Griyego, ngunit sumulat siJan Křesadlo ng kauntingpanulaan attuluyan sa wika, at angSi Harry Potter at ang Bato ng Pilosopo[1], ilang mga tomo ngAsterix, atAng mga Abentura ni Alix (Ingles:The Adventures of Alix) ay isinalin sa sinaunang Griyego. AngOnomata Kechiasmena (Griyego:Ὀνόματα Kεχιασμένα) ay unangmagasin ng mgakrosword atpalaisipan sa sinaunang Griyego. Lumitaw ang unang isyu noong Abril 2015 bilang dagdag saHebdomada Aenigmatum (isang magasin ng mga krosword sa Latin). Sumaklaw siAlfred Rahlfs ng isang pambungad, isang maiksing kasaysayan ng mga tekstongSeptuagint, at ibang materyang pangharap, na isinalin sa sinaunang Griyego, sa kaniyang edisyong 1935 ng Septuagint. At saka, noong 2006 para sa edisyon na binago nina Rahlfs–Hanhart, sumaklaw din si Robert Hanhart ng itong sulat. Lingguhang iniuulat ng Akropolis World News[2] ang buod ng pinakamahalagang balita sa sinaunang Griyego.
Ang sinaunang Griyego ay ginagamit din ng mgaorganisasyon atindibiduwal, madalas na Griyego, na isip ipakita ang nilang paggalang, paghanga, o gusto para sa gamit ng itong wika. Ang itong gamit ay minsan na ipinalalagay makabayan o mabiro. Sa anumang kaso, ang katunayan, na mga modernongGriyego ay (ganap na o bahagyang) maaari maintindihan ang mga teksto na sinusulat sa mga pormang di-arkaiko ng sinaunang Griyego, ay ipinapakita ang kaugnayan ng modernong wikang Griyego sa kaniyang ninuno.
Madalas na ginagamit ang sinaunang Griyego sa lalang ng mga modernong terminong teknikal sa mga wikang Europeo. Ang marami sa mga salitang ito ay saka na pumasok sawikang TagalogviaKastila (tingnan din:Talaan ng mga salitang hiniram ng Tagalog). Ang mga pormangLatinisado ng mga sinaunang Griyegongulat ay ginagamit para sa marami sa mga pangalan ngpangalang pang-agham ng mgaespesye at para sa terminolohiya pang-agham.