Angwikang Litwano ay isa sa mgawikang Baltiko. Nagmula ito saLituwaniya, na sinasalita sa ilang bansang Europeo, pati na sa mga Amerika atAustralya. Kasama ngwikang Latbyano, ito na lamang ang natitirang mga wikang Baltiko. Kapwa may pagkakapareho ang mga wikang ito, bagaman mas kakaunti ang inangking mga salita ng Litwaniyano mula sawikang Aleman at iba pang mga wika. Subalit, matagal na panahon nang naapektuhan ng mgawikang Islabiko ang wikang Litwano, kaya't ang mga "barbarismo" ay napalitan ng mga salitang Litwano noong 1920 lamang, sa pamamagitan ng pilologong si Jonas Jablonskis at iba pa. May dalawang pangunahingdiyalekto ang Litwano. AngSamogityano ang pinakalaganap ginagamit sa Kanlurang Litwaniya, samantalang ang Aukštaitiano (diyalekto ng mga nasa Mataas na Lupain) ay mas pinakamalawakang ginagamit sa buong bansa. Nagmula ang pamantayang Litwano sa Kanluraning Aukštaitiano. Ang unang aklat na nasulat sa Litwano ay angKatekizmas niMartynas Mažvydas. Nalathala ito saSilangang Prusya noong1547.

Ang lathalaing ito na tungkol saWika atEuropa ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.