Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Wikang Kawi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kawi
Padron:Jav (Bhāṣa Kawi, Lumang Habanes)
Katutubo saJava,Bali,Madura,Lombok,Indonesia;Pilipinas
RehiyonIndonesia,Pilipinas
Kamatayanwikang pampanitikan, lipas na noong ika-14 siglo
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2kaw
ISO 639-3kaw
kaw
Glottologkawi1241

AngKawi (mula saSanskrit:kavi, "makata") ay isang pampanitikan at tuluyan na wika sa mga pulo ngJava,Bali, atLombok, batay saLumang Habanes, isang wika na may isang malaking bokabularyo ng Sanskrit na mga hiram na salita. Ang Kawi ay ang ninunong wika ng modernongHabanes. Ang pangalan na "kawi" ay nagmula sa salitang-ugat na ku, na sa Sanskrit ay nangangahulugang "makata", at, sa pinagmulang mga anyo, ay isang "marunong, edukadong tao". Ang papantig na metro ng Kawing tula aysekar kawi, na nangangahulugang "mga bulaklak ng wika", ang sekar mismo ay nanggagaling mula sa Sanskrit na "sekhara" ("girlanda"). Ang lahat ng mga wikang Habanes ay mapangherarkiya at naka-estratipika, na may mahigpit na panlipunan na balarila para sa naaangkop na mga kubtangkas ng wika na ginagamit para sa mga nakakataas ng isang tao o panlipunan at kultural na katungkulan.

Sistema ng pagsulat

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Gumagamit ang Kawi ng isang natatanging iskrip para sa pagsulat na karaniwang tinatawag nahanacaraka; ang mas tamang termino ay "Dentawiyanjana". Ito ay isang papantig na alpabeto na binubuo ng 20 titik at sampung mga numero at isang bilang ng patinig at katinig na mga panuring. Ang iskrip ng pulo ng Bali, malaking naimpluwensyahan ng kalapit na Java, ay may isang natatangingsub-form na tinatawag naTulisan Bali. Si Prinsipe Aji Caka (isang Indiyangong migrante) ay itinuturing ang nagtatag ng unang kilalang kaharian ng Java, na tinatawag na Java Dvipa (Swarna Dvipa) at pagpapakilala ng wikang Kawi at ng dalawampung titik ng papantig na iskrip ng hanacaraka.[1] Pinupuri rin ng mga Habanes siAji Saka para sa wika, isang maalamat na bayani ng Kaharian ng Medang Kamulan. Ang pinakamaagang inskripsyon ng Kawi ay matatagpuan saTemplo ng Gunung Wukir saMagelang,Gitnang Java,Indonesia.

Paggamit

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Kawi ay hindi tunay na patay bilang isang pasalitang wika. Ito ay karaniwang ginagamit sawayang golek,wayang wong atwayang kulit, karagdagan sa mataas na mga gawain tulad ng isang Habanes na kasal, lalo na para sa mga pangkinaugalian na pagtatagpong ritwal ng mga magulang ng nobya sa mga magulang ng nobyo sa mga seremonya ngPeningsetan atPanggih. Dati o para sa ilang maharlikang husto sa tradisyon, ito ay ginagamit para saMidodareni,Siraman atSungkeman na mga seremonya ngHabanes na kasal.

Ang pulo ng Lombok ay umampon sa Kawi bilang rehiyonal na wika nito, na sumasalamin sa napakalakas na impluwensiya ng karatig na Silangang Java.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. http://www.apu.ac.jp/~gunarto/lang/mileston.html

KalinanganAng lathalaing ito na tungkol saKalinangan ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Wikang_Kawi&oldid=1801000"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp