Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Wikang Katalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wikipedia
Wikipedia
Edisyon ngWikipedia saWikang Katalan
Katalan
Catalan-Valencian-Balear
català
Bigkas[kətəˈla] (EC) ~[kataˈla] (WC)
Katutubo saAndorra,Pransya,Italya,Espanya
RehiyonMga bansang Katalan, distribusyong heograpiko Hilagang-silangan, sa kapalibutan ng Barselona; Katalunya, Mga lalawigang Balensyano, Kapuluan ng Balearo; Rehiyong Kartse, Lalawigan ng Murcia sa Espanya.[1]
EtnisidadMamamayang Katalan
Katutubo
4.1 million (2012)[1]
L2 tagapagsalita: 5.1 million sa Espanya (2012)
Unang anyo
Pamantayang anyo
Latin (Alpabetong Katalan)
Braylyeng Katalan
Tatak Katalan
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika
Unyong Latin

Andorra
Espanya

Katalunya
Kapuluang balearo
Pamayanang Balensyano
Kinikilalang wika ng
minorya sa
Pransya
kinkilala sa kagawaran ngPyrénées-Orientales

Italya

ka-opisyal sacomune ngAlgero saSerdenya

Espanya

Aragon
PamamahalaInstitut d'Estudis Catalans
Acadèmia Valenciana de la Llengua
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1ca
ISO 639-2cat
ISO 639-3cat
Glottologstan1289
Linguasphere51-AAA-e
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko mula saIPA. Maaari po kayong makakita ngtandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ngUnicode kung hindi suportado ang pagpapakita sa mga ito sa kasalukuyan niyong font. Para sa panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan angHelp:IPA sa Wikipediang Ingles.

AngKatalan (Katalan: català; bigkas [ka·ta·lá]) ay isangwikang Romanse (mga wikang nag-ugat saLatin). Ito ang opisyal na wika ng bansangAndorra at kapwa-opisyal sa mgaawtonomong pamayanan ngEspanya ngKapuluang Balear atKatalunya. Kapwa-opisyal din ito saPamayanang Balensyano, kung saan tinatawag itongBalensyano (Katalan: valencià; bigkas [va·len·syá]). Ang Espanya ang may pinakamaraming pang-araw-araw na tagapagsalita ng Katalan. Sinasalita ito ng mahigit-kumulang 9 milyong tao na naninirahan hindi lamang sa Andorra at Espanya kundi maging din saPransya atItalya. Mayroon itong katayuang semi-opisyal sa lungsod ngAlgero sa Italyanong pulo ngSerdenya.

Etimolohiya at pagbigkas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Cataluña § Etimolohiya at pagbigkas

Ang salitangKatalan (Espanyol:catalán) ay hango sa teritoryal na pangalangCataluña, kung kaninong etimolohiya ay di-tiyak. Ang pangunahing teorya ay nagmumungkahi naCatalunya (Latin:Gathia Launia) ay hango sa pangalangGothia oGauthia ("Lupain ngmga Godo") dahil sa mga pinagmulan ng mga Katalang konde, maharlika at tao ay nahanap saMartsang Espanyol (Catalan:Marca Hispànica), kaya (ayon sa teorya)GothlandGothlandiaGothalaniaCatalonia.[2][3]

Angendonimo ay binibigkas[kətəˈla] sa Silangang mga diyalekto, at[kataˈla] sa Kanlurang mga diyalekto. SaComunidad Valenciana atCarche, madalas na ginagamit ang terminongvalencià[valensiˈa, ba-] imbes. Kaya ang pangalang "Balensyano", maski madalas na ginagamit para mangahulugan ng mga diyalekto ng Comunidad Valenciano at Carche, ginagamit din ng mga Balensyano bilang isang pangalan para sa wika bilang isang buo, kumbaga, Katalan. Ang parehong mga paggamit ng termino ay itinatala sa mgatalahuluganan ngAcadèmia Valenciana de la Llengua atInstitut d'Estudis Catalans.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Gitnang Kapanahunan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Karagdagang impormasyon:Lumang Katalan

Sa ika-9 na siglo, nag-evolve ang Katalan mula saBulgar na Latin sa parehong mga tabi ng silangang dulo ng mgaPirineos, at saka mga teritoryo ng Romanon probinsya ngHispania Tarraconensis sa timog. Mula sa ika-8 na siglo ang mga kondeng Katalan ay nagpahaba ng nilang teritoryo sa timog at kanluran sa kapinsalaan ng mgaMuslim, at sumama nila ang kaniyang wika. Ang itong proseso ay tinulungan ng paghihiwalay ngKondado ng Barcelona mula saImperyong Karolinhiyo noong 988.

Noong ika-11 na siglo, ang mga dokumento na sinulat saLating makaroniko ay nagsimula ipakita ang mga elementong Katalan, at ang mga teksto na halos kumpleto na sinulat saRomanse ay nagpakita noong 1080.

Noong ika-11 at ika-12 na mga siglo ang mga haring Katalan ay lumawak ng nilang teritoryo hanggang saEbro, at noong ika-13 na siglo sumakap ngKaharian ng Balensiya at mgaBaleares. Ang lungsod ngAlghero saCerdeña ay tinirhan ng mga tagapagsalita ng Katalan noong ika-14 na siglo. Umabot din ang wika saMurcia, na naging Hispanoparlante noong ika-15 na siglo.

NoongHuling Gitnang Kapanahunan, dumanas ang Katalan ng isangginintuang panahon kung saan umabot sa tugatog ng pagkahinog atkultural na yaman. Sumasaklaw ang mga halimbawa ng obra niRamon Llull (1232–1315), ng Apat na Dakilang Kronika (ika-13–14 na mga siglo), at ng obra niAusiàs March (1397–1459). Noong ika-15 na siglo, ang lungsod ngValencia ay naging ang sentrong sosyokultural ngKorona ng Aragon, at narito ang Katalan sa buong mundongMediteraneo. Habang itong panahon, isinulong ng Maharlikang Kansilyeriya (Catalan:Cancelleria Reial) ang mataas na uliran para sa wika. Malawak na ginagamit ang Katalan bilangopisyal na wika saSicilia hanggang sa ika-15 na siglo, at sa Cerdeña hanggang sa ika-17. Habang itong panahon, ang itong wika ay ang tinatawag ni Costas Carreras na "isa sa mga 'dakilang wika' ng mediebal na Europa."[4]

AngnobelangkagalantihangTirant lo Blanc (niJoanot Martorell, noong 1490) ay ipinakita ang isang transisyon mula sa Mediebal hanggang sa Renasimiyentong mgaasal. Ito ay naaninag din sa obra niBernat Metge. Nilimbag sa Katalan ang unang aklat na inilathala samovable type saTangway ng Iberia.[5][6]

Simula ng modernong kapanahunan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Espanya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Salamat sa unyon ng mgakorona ngKastila atAragon noong 1479, naghari ang mga haring Espanyol sa magkakaibang kaharian. Ang bawa't isa ay nagkaroon ng mga sariling kultural, lingguwistikong at politikal na katangian, at kailangan nilang manumpa saBatas ng bawa't isang teritoryo sa harap ng kani-kanilang mgaParlamento. Pero pagkatapos ngDigmaan ng Paghalili sa Espanya nagingEspanya isangganap na monarkiya sa ilalim ngFelipe V ng Espanya, at ito nagdulot ng asimilasyon ng Korona ng Aragon sa Korona ng Kastila sa pamamagitan ngmga dekreto ng Nueva Planta, bilang unang hakbang sa kreasyon ng isangnasyong Espanyol. Bilang sa ibang mga kontemporanyong Europeong estado, nangahulugan ito ng pagpapataw ng mga politikal at kultural na katangian ng mga dominanteng grupo. Mula sa politikal na pagkakasundo ng 1714, patuloy ang mga polisiya ng asimilasyon ng mga Espanyol sa mga nasyonal na minorya.

Nagsimula ang prosesong pang-asimilasyon sa pamamagitan ng lihim na tagubilin sa mgacorregidor ng teritoryong Katalan: "Masusing magtatrabaho [isangcorregidor] para magpasok ng wikang Kastila. Para sa itong hangad ibibigay niya ang mga pinakaiingat-ingatang at pinakahihinahong paraan, upang ang epekto ay nakakamit, nang hindi napansin ang pag-aalaga [na kinabibilangan]." Galing doon, itinuloy ang mga gawain para sa asimilasyon, kung maiingat o mapupusok, tulad ng, noong 1799, Utos ng Hari (Catalan:Reial Decret) na ipinagbawal "ang representasyon, pag-awit, at pagsayaw ng mga piyesa [ng musika]] hindi saKastila." Kaya, kaunting-unting naging mas prestihiyoso ang paggamit ng Kastila, at nagsimula humina ang paggamit ng Katalan. Noong ika-16 na siglo, angpanitikang Katalan ay inimpluwensyahan ng Kastila, at nagingbilingguwal ang mganoble, isang bahagi ng mga klaseng edukado.

Pransiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa pamamagitan ngTratado ng Pirineos, nawalan angEspanya ngHilagang Cataluña saPransiya, at angwikang Hilagang Katalan ay agad na inimpluwensyahan ngPranses, na noong 1700 naging ang nag-iisangopisyal na wika ng rehiyon.

Pagkatapos ngHimagsikang Pranses (1789) ipinagbawal ngUnang Republika ng Pransiya ang rehiyonal na mga wika ng Pransiya, hindi lang ang Katalan, kundi pati angAlsasyano,Breton,Oksitano,Plamenko, atBasko.

Pransiya: Ika-19–20 na siglo

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ngkolonisasyong Pranses ngAlgeria noong 1830, sinundan mga alon ng mgakolonistangcatalanoparlants (Tagalog:(na) nag-Katalan). Tumanggap angOran ang mga tao mula saAlicante, yamang tumanggap angAlgiers ngpandarayuhan mula saHilagang Cataluña atMenorca.

Kilala ang kanilang pagsasalita bilangpatuet. Noong 1911, ang dami ng mga tagapagsalita ng Katalan ay humigit-kumulang 100,000. Pagkatapos ngpagpapahayag ng kalayaan ng Algeria mula sa Pransiya noong 1962, tumakas ang halos lahat ng mga tagapagsalita ng Katalan sa Hilagang Cataluña (bilangPieds-Noirs) o saAlacant.

Pormal na tinatanggap ng gobyerno ng Pransiya ang Pranses, at lamang Pranses, bilang isang opisyal na wika. Gayunman, noong 10 Disyembre 2007, ang Pangkalahatang Konseho ng Pyrénées-Orientales (Pranses:Conseil départemental des Pyrénées-Orientales,Catalan:Consell Departamental dels Pirineus Orientals) ay opisyal na tinanggap ang Katalan bilang isa sa mga wika ng departamento at hinahangad ang kaniyang pagtaas sa publikong buhay at sa edukasyon.

Espanya: Ika 18–20 na siglo

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Noong 1807, ang Opisina ng Estadistika ng Ministrong Panloob ng Pransiya ay humingi, sa mgapréfet, ng opisyal nasurvey tungkol sa mga hangganan ngwikang Pranses. Humanap ang survey na saRoussillon, sinalita halos lang ang Katalan, at dahil ang nais ni Napoleon ang inkorporasyon ng Cataluña sa Pransiya, bilang nangyari noong 1812, hiningi din angkonsul ngBarcelona. Ayon sa kanya, "[ang Katalan] ay itinuturo sa mgapaaralan, nililimbag at sinasalita, hindi lang sa loob ng mga mas mababang klase, kundi pati sa loob ng mga tao ng unang kalidad, at saka sa mga sosyal na lipon, bilang sa mga bisita at kongreso," na ipinahiwatig na sinalita sa lahat ng dako "maliban na lang sa mahaharlikang korte". Ipinahiwatig din ng konsul na nag-Katalan "saKaharian ng Balensiya, sa mgapulo ngMallorca,Menorca,Ibiza [kumbaga, mgaBaleares],Cerdeña,Corsica [anglugar ng kapanganakan niNapoleon], at malaking bahagi ngSicilia, saVall d'Aran, atCerdaña".

Ang pagkatalo ng koalisyong pro-Habsburg saDigmaan ng Paghalili sa Espanya (1714) ay nagdulot ng isang serye ngbatas na, bukod sa iba pang mga panukala, ipinataw ang paggamit ngwikang Kastila sa legal na dokumentasyon sa buong Espanya. Dahil sa ito, humina ang paggamit ng wikang Katalan noong ika-18 na siglo.

Gayunman, nakita ng ika-19 na siglo ang isang Katalang pampanitikang pagbuhay (angRenaixença) na ngayong itinutuloy. Nagsimula ang itong panahon saOda sa Tinubuang-Lupa (Catalan:Oda a la pàtria) (1833) at, noong huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 na mga siglo, ang obra ninaJacint Verdaguer (panulaan),Narcís Oller (mganobelangrealista), atÀngel Guimerà (drama). Noong ika-19 na siglo, ang rehiyon ngCarche, saRehiyon ng Murcia, ay nakita ang dagsa ng mga nag-Balensiya. Para saortograpiya ng Katalan itinayo ang uliran noong 1913 at naging opisyal ang wika habangIkalawang Republikang Kastila (1931–1939). Nakita ng Ikalawang Republikang Kastila ang maiksing panahon ng pagtanggap, na may pagtanggal ng karamihang mga paghihigpit sa Katalan.

Sinimangot ang Katalang wika at kultura habangDigmaang Sibil ng Espanya (1936–1939) at habang kasunod ng mga dekada sa Cataluña sa ilalim niFrancisco Franco. Sa panahon ng kaniyangdiktadura (1939–1975) ipinataw ang paggamit ng Kastila, at ipinagbawal ang paggamit ng Katalan, sa mgapaaralan at publikong administrasyon sa lahat ngEspanya.

Gayunman, noong 1944, naging sapilitan (sa batas) na ang mgaunibersidad na mayPilolohiyangRomanse ay sumasaklaw ng Pilolohiyang Katalan.[kailangan ng sanggunian] Maraming at prestihiyosong mga kultural na paligsahan ay nilalang para gantimpalaan ang mga obra na inilathala sa Katalan. Noong Enero 1944 nilalang ang premyong "Eugenio Nadal". Noong 1945, sa pamamagitan ng pahintulot at subsidyo ng gobyerno, ipinagdiwang ang sentenaryo niMossèn Cinto Verdaguer. Noong 1947 iginawad ang premyo niJoan Martorell para sa mganobela sa Katalan. Noong 1949, nilalang ang premyongVíctor Català para sa mga maikling nobela sa Katalan, ang premyo niJosep Ysart para sa mgasanaysay, at ang premyongOssa Menor (mamayang Carles Riba). Noong 1951, iginawad ang isang premyong pambansa, sa panulaan sa Katalan, na may mismong pinansiyal na dami bilang panulaan sa Kastila. Noong mismong taon, itinayoSelecta Editions para sa mga obra na nakasulat sa Katalan, at iginawad niJosep Pla ang premyo niJoanot Martorell para sa kaniyang panulaangEl carrer estret. Noong kasunod na mga taon (mga dekada 50, 60, at 70) nilanang yuta-yutang premyo: angLletra d'Or, angAmadeu Oller para sa panulaan, angSant Jordi (na may 150,000peseta) para sa mga nobela, ang Honor Award of Catalan Letters, angVerdaguer, ang Premyo ni Josep Pla, at ang Premyo ni Mercè Rodoreda para sa mgamaikling kuwento at naratibo. Ang unangpalatuntunang pantelebisyon sa Katalan ay inere sa panahong Franco, noong 1964.

Sabay-sabay, ginanap ang pagsupil ng Katalang wika at identidad sa mga paaralan at sentrong relihiyoso, at saka sa pamamagitan ng gobyerno. Ang nais ni Franco para isang populasyong Espanyol homoheno ay nakaakit ng mga ilang Katalan na sumuporta ng niyang rehimen. Mga ito ay pangunahing mga miyembro ng itaas na klase, na nagsimula talikdan ang Katalan. Sa kabila ng lahat ng mga kahirapan, patuloy na ginamit ang Katalan sa pribadong paraan, at nakasurvive ng diktadura ni Franco. Sa katunayan nakatiis ng pagsupil ang mararaming prominenteng Katalang awtor sa pamamagitan ng panitikan.

Bukod pa sa pagkalugi ng prestihiyo para sa Katalan at kaniyang pagsaway sa mga paaralan, angmigrasyon noong dekada 1950 hanggang sa Cataluña mula sa ibang mga bahagi ng Espanya nag-ambag din sa bawas ng paggamit ng Katalan. Ang itong mga migrante ay madalas na hindi nahalata ang Katalan at kaya hindi nakaramdan ang kailangan para mag-aral o gumamit ito. Ang Cataluña ay ekonomikongpowerhouse ng Espanya, kaya patuloy na nangyari ang itong mga migrasyon mula sa lahat ng sulok ng bansa. Binawasan ang mga oportunidad para sa trabaho, para mga taong di-bilingguwal.

Ang kasalukuyang panahon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mula satransisyong Espanya sa demokrasiya (1975–1982,Espanyol:la Transición española) tinanggap ang Katalan bilang isangopisyal na wika, wikangpang-edukasyon, at wikangmidyang pangmasa. Nag-ambag ang lahat ng mga ito sa kaniyang prestihiyong nabawi. Nasa Cataluña may isang malaking lingguwistikong komunidad na walang estado, isang sitwasyong walang paralelo sa Europa. Sapilitan ang pagtuturo ng Katalan sa lahat ng paaralan, pero puwede gumamit ng Kastila para mag-aral sa sistemang publikong pang-edukasyon ng Cataluña sa dalawang sitwasyon — kung ipinasiya ang guro gumamit ng Kastila, o kung kamakailang dumating isa o mas imigrante mag-aaral. Sa pagitan ng mga henerasyon may din isang kambiyo sa Katalan.

Mas kamakailan na, ang ilang mga puwersang politikal Espanyol ay nagtangka damihan ang paggamit ng Kastila sa sistemang Katalang pang-edukasyon. Dahil sa ito, noong Mayo 2022 hinimok ngKataas-taasang Hukuman ng Espanya ang Katalang rehiyonal na gobyerno pagtibayin ang isang panukala na ang 25% ng lahat ng mga leksyon ay itinuturo sa Kastila.

Ayon sa Institutong Estadistikal ng Cataluña, noong 2013 ang wikang Katalan ay pangalawa sa pinaka karaniwang ginagamit na wika sa Cataluña, pagkatapos ng Kastila, bilang mga natibong tagapagsalita. Ang 7% ng populasyon ay bilingguwal, ang 36.4% ay monolingguwal sa Katalan, at ang 47.5% ay monolingguwal sa Kastila. Noong 2003 ang mismong mga estudyo ay nagpahayag na walang mahalagang diperensiya pagdating sa pagtukoy sa sarili ng mga taong 15 pataas: ang 5% ay bilingguwal, ang 44.3% ay monolingguwal sa Katalan, at ang 47.5% ay monolingguwal sa Kastila. Para isulong ang paggamit ng Katalan, angGeneralitat de Cataluña (ang opisyal na awtonomong pamahalaan ng Cataluña) ay gumagastos ng isang bahagi ng niyang taunangbadyet para sa pagsusulong ng Katalan sa Cataluña at sa ibang mga teritoryo, sa pamamagitan ng mga entidad tulad ngConsorci per a la Normalització Lingüística (Tagalog:Consortium para sa Normalisasyong Lingguwistika).

NasaAndorra ang Katalan ay nag-iisang opisyal na wika. Mula sa pagpapahayag ngSaligang Batas ng Andorra ng 1993, pinagtibay ang maraming polisiya pabor sa Katalan, tulad ng edukasyon sa Katalan.

Sa kabilang banda, sa kasalukuyan nangyayari maraming proseso ngkambiyong lingguwistiko. SaHilagang Cataluña (Pransiya) sumunod ang Katalan sa mismong uso bilang iba pang mga minoridad lingguwistika ng Pransiya, at kaya ang karamihang mga natibong tagapagsalita ay 60 pataas (noong 2004). Pinag-aaralan ang Katalan bilang isang wikang banyaga ng 30% ng mga estudyante saedukasyong elementarya, at ng 15% saedukasyong sekundarya. Isinusulong ng kultural na asosyasyongLa Bressola ang isang network ng mga paaralang lokal na pinatatakbo ang mga programa para sa imersiyon sa wikang Katalan.

Sa lalawigangAlicante, ang Katalan ay pinapalitan ng Kastila, at saAlghero, ngItalyano. May rindiglosiya nasaComunidad Valenciana,Ibiza, at sa mas mababang lawak, sa nalalabing bahagi ngBaleares.

Noong ika-20 na siglo umalis ng Cataluña ang mararaming Katalan para saVenezuela,Mehiko,Cuba,Arhentina, at mga ibang bayan ngTimog Amerika. Bumuo sila ng mararamingkolonyang Katalan na ngayon patuloy sa pinananatili ang wikang Katalan. Nagtatag din sila ng mararaming Katalangcasal (asosasyon).

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Katalan saEthnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. García Venero 2006. harv error: no target: CITEREFGarcía_Venero2006 (help)
  3. Burke 1900, p. 154. harv error: no target: CITEREFBurke1900 (help)
  4. Costa Carreras & Yates 2009, pp. 6–7, "one of the 'great languages' of medieval Europe". harv error: no target: CITEREFCosta_CarrerasYates2009 (help)
  5. Trobes en llaors de la Verge Maria ("Poems of praise of the Virgin Mary") 1474.
  6. Costa Carreras & Yates 2009, pp. 6–7. harv error: no target: CITEREFCosta_CarrerasYates2009 (help)

Malayang pagbabasa

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
May kaugnay na midya tungkol saCatalan language ang Wikimedia Commons.

WikaEspanyaPransiyaAng lathalaing ito na tungkol saWika,Espanya atPransiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Wikang_Katalan&oldid=2087687"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp