AngWest Virginia / west ver·jin·ya / ay isangestado ngEstados Unidos sa matatagpuan sa rehiyongAppalachian ngEstados Unidos. Kahangganan nito angVirginia sa timog-silangan,Kentucky sa timog-kanluran,Ohio sa hilagang-kanluran,Pennsylvania sa hilaga, atMaryland sa hilagang-silangan. Ika-41 ang West Virginia sa lawak ng nasasakupan, habang ika-38 sa pinakamatao sa 50 estado ng Estados Unidos.Charleston ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito.
Naging estado ang West Virginia kasunod ng Wheeling Conventions ng 1861, kung saan ang 50 hilagang-kanlurang counties ng Virginia ay nagpasiyang humiwalay sa Virginia noongDigmaang Sibil Amerikano. Tinanggap ang bagong estado sa Unyon noong Hunyo 20, 1863, at naging mahalagang estado noong Digmaang Sibil. Tanging ang West Virginia lamang ang estadong naitatag sa pamamagitan ng paghiwalay mula sa isang Confederate state at isa sa dalawang estado itinatag noong Digmaang Sibil Amerikano (ang isa ay angNevada na humiwalay saUtah Territory).