SiWilhelm Heinrich Walter Baade (24 Marso 1893 – 25 Hunyo 1960) ay isangastronomongAleman na naghanapbuhay saEstados Unidos mula 1931 hanggang 1959.
Naging kapakipakinabang sa kaniyan ang mga kalagayan ng pagkakaroon ng walang kuryente noong panahon ngIkalawang Digmaang Pandaigdig, na nakapagbawas ngpolusyon ng liwanag saObserbatoryo ng Mount Wilson, upang malutas ang mga bituin na nasa gitna nggalaksiyang Andromeda sa unang pagkakataon, na humantong sa kaniyang paglalarawan ng namumukod-tanging mgapopulasyon para sa mga bituin (Populasyon I at Populasyon II). Ang kaparehong mga obserbasyon ay humantong sa kaniyang pagkatuklas na mayroong palang dalawang mga uri ng mga butuin nabaryableng Cepheid. Ang pagkakatuklas na ito ay humantong sa kaniya na muling kalkulahin ang sukat ng nakikilalang uniberso, na nagpadoble sa dating pagtutuos na ginawa ngHubble noong 1929.[1][2][3] Ipinahayag niya ang natuklasan niyang ito na nagdulot ng nauukol na pagkakamanghai sa pagpupulong ngInternational Astronomical Union sa Roma noong 1952.
Kasama niFritz Zwicky, nakilala niya ang mgasupernoba bilang isang bagong kategorya ng mga bagay na pang-astronomiya.[4][5] Ipinanukala rin ni Baade at ni Zwicky ang pag-iral ng mgabituing neutron, at ipinanukala na ang mgasupernoba ay maaaring makalikha ng mgabituing neutron.
Simula noong 1952, si Baade at siRudolph Minkowski ang nakakilala ng mga katumbas na optikal ng sari-saring mga pinagmumulang mgaradyo,[6] kabilang na angCygnus A. Natuklasan niya ang 10 mgaasteryod, kasama na ang mga namumukod-tanging944 Hidalgo (mahabang peryodo ng orbit) at angasteroyd na klaseng Apollo na1566 Icarus (na ang perhelion ay mas malapit kaysa saMerkuryo) at angasteroyd na Amor na1036 Ganymed.
Mga gantimpala
Ipinangalan para sa kaniya
- ↑Baade W (1944) Ang resolusyon ng Messier 32, NGC 205, at ang sentral na rehiyon ng nebulang Andromeda. ApJ 100 137-146
- ↑Baade W (1956) Ang relasyon ng peryodo-lumonisidad ng mga Cepheid. PASP 68 5-16
- ↑Allen, Nick."Section 2: The Great Debate and the Great Mistake: Shapley, Hubble, Baade".The Cepheid Distance Scale: A History. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-12-10. Nakuha noong19 Nobyembre 2011.
- ↑W. Baade, F. Zwicky, 1934, "On Super-Novae[patay na link]". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America, 254-259.
- ↑Donald E. Osterbrock,Walter Baade – A Life in Astrophysics, Princeton und Oxford: Princeton University Press 2001.ISBN 0-691-04936-X. Sa kaniyang biyograpiya, ipinahayag ni Osterbrock, sa pahina 32, na ginamit na ni Baade ang pariralang Aleman na "Hauptnova" (pangunahing noba, ang sinaunang salita ni Baade para sa supernoba) sa panayam na pampapasinaya ni Baade noong 1929 sa Hamburg (Osterbrock).
- ↑Baade, W. at Minkowski, R., 1954. Identification of the Radio Sources in Cassiopeia, Cygnus A, and Puppis A. Astrophysical Journal, Bolumen 119, p. 206-214 (Enero 1954)ADS: 1954ApJ...119..206B
|
|---|
| International | |
|---|
| National | |
|---|
| Academics | |
|---|
| People | |
|---|
| Other | |
|---|