Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Vehnee Saturno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vehnee Saturno
Pangalan noong ipinanganakVenancio A. Saturno
Kapanganakan (1954-04-01)1 Abril 1954 (edad 70)
Cabuyao, Laguna, Philippines
GenreOPM
TrabahoSongwriter, record producer
Taong aktibo1980-present

SiVenancio Saturno na kilala rin bilangVehnee Saturno ay isangPilipinong manunulat ng awit atrecord producer. Siya ay isang dating operator ngphotocopy machine[1] na naging manunulat ng mga awit at kalaunan ay natagpuan ang tagumpay noong 1982 para sa pagkapanalo saMetro Manila Popular Music Festival para sa awitingIsang Dakot .[2]

Maagang buhay

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ipinanganak siVehnee saCabuyao,Laguna noong Abril 1, 1954, sa isang karpintero at isang kasambahay na nagsusumikap sa buhay kasama ang kanyang siyam na kapatid na may kahirapan[3] na nagbigay inspirasyon sa kanya upang magsulat ng mga kanta.

Ang kanyang pangarap ay maging isang mamamahayag, ngunit dahil sa sitwasyon sa pananalapi ng kanyang pamilya ay hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral. Nag-training siya sa Philippine Airforce pagkatapos nghigh school[4] at kalaunan ay nagtungo sa mga kakaibang trabaho kabilang ang bilang pagiging isangphotocopy machine operator[5]

Karera ng musika

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Noong 1982, ang kanyang komposisyon naIsang Dakot ay binigyan ng buhay niSonia Singson na nanalo ng Grand Prize saMetropop . Noong 1983, angBe My Lady ay binigyan ng buhay niPedrito Montaire at isang finalist sa Metropop, ang awiting ito ang kanyang unang pangunahing tagumpay na inawit naman niMartin Nievera at pinalabas sa ilalim ng Vicor Music.[6]

Ang mga kanta niyangBe My Lady, Sana Kahit Minsan, Mula Sa Puso, at 'Till My Heartaches End ay naging mga walang kamatayang na mga sumikat na awitin sa Pilipinas.[7]

Si Saturno ay nagmamay-ari din ng kanyang sariling music label, ang Vehnee Saturno Music Corp. Madalas siyang gumagawa ng musika at namamahala sa mga artista sa pamamagitan ng label na ito.

Mga parangal at nominasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
TaonNagbigay ng ParangalKategoryaResulat
1982Metro Manila Popular Music FestivalBest composition (Isang Dakot)Nanalo
1983Metro Manila Popular Music FestivalBest composition (Ako'y Ako)Nominado
1983Metro Manila Popular Music FestivalBest composition (Be My Lady)Nominado
1995FAMAS AwardBest Musical ScoreNanalo
1995FAP AwardsBest Musical ScoreNanalo
1995FAP AwardsBest Original SongNanalo
1996Star Awards for MoviesMusical Scorer of the YearNanalo
1996Gawad Urian AwardBest MusicNominado
1996FAP AwardsBest Original SongNanalo
1996FAMAS AwardBest Movie Theme SongNominado
1996FAMAS AwardBest Musical ScoreNanalo
2000FAP AwardsBest Original Theme SongNanalo
2001FAP AwardsBest Original SongNanalo
2001FAMAS AwardBest Theme SongNanalo

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "38 years of Vehnee Saturno".philstar.com. Nakuha noong26 October 2019.
  2. "To be as iconic as Vehnee Saturno, keep writing for Filipinos first".GMA News Online. Nakuha noong26 October 2019.
  3. "Featuring | VEHNEE SATURNO | With Me On TCPS This Saturday".chiquipineda.com. 28 November 2014. Inarkibo mula saorihinal noong 1 Oktubre 2020. Nakuha noong26 October 2019.
  4. "Featuring | VEHNEE SATURNO | With Me On TCPS This Saturday".chiquipineda.com. 28 November 2014. Inarkibo mula saorihinal noong 1 Oktubre 2020. Nakuha noong26 October 2019.
  5. "Xerox operator-turned Platinum Hitmaker, Vehnee Saturno sa TWAC".GMA News Online. Nakuha noong26 October 2019.
  6. "Composer Vehnee Saturno shares rags-to-riches story".article.wn.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong26 October 2019.
  7. "PressReader.com - Your favorite newspapers and magazines".www.pressreader.com. Nakuha noong26 October 2019.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Vehnee_Saturno&oldid=2110735"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp