Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ur

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ur
أور(sa Arabe)
The ruins of Ur, with theZiggurat of Ur visible in the background
Ur is located in Iraq
Ur
Kinaroroonan sa Iraq
KinaroroonanTell el-Muqayyar,Dhi Qar Province,Iraq
RehiyonMesopotamia
KlaseSettlement
Naglalaman po ang artikulong ito ng mganatatanging karakter. Maaari po kayong makakita ng mgatandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo kung hindi po suportado angpag-render sa mga ito.
Sinaunang
Mesopotamia
Eufrates ·Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu ·Kish ·Uruk ·Ur
Lagash ·Nippur ·Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad ·Mari
Amorreo
Isin ·Larsa
Babilonya
Babilonya ·Caldea
Asiria
Assur ·Nimrud
Dur-Sharrukin ·Nineve

AngUr ay isang estadong lungsod na itinatag ng mgaSumeryo noong mga 3000 BCE. Matatagpuan ang mga guho o labi nito sa katimugangIrak, kalapit ngIlog ng Euprates.[1]

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nawasak ng isang malaking baha, angMalaking Pagbaha na tinutukoy saBibliya (basahin din angEpiko ni Gilgamesh atArka ni Noe), ang isang maagang maliit na pamayanan sa Ur. Pagkaraan ng bahang ito, namuhay sa Ur ang isang pangkat ng mga Sumeryong may angking mataas na antas ng kabihasnan, na binubuo ng mgamanlililok, tagagawa ng mga paso, tagagawa ng mga metal, at mga tagapagtayo ng mga gusali.[1]

Mga labi

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Noong mga 1920, nahukay mula sa Ur ang isang maharlika o royal na libingang naglalaman ngginto,pilak, attansong-pula obronse. Inilibing ang mga hari at reyna ng Ur na kasama ang isang malaking bilang ng mga alalay sa korte o alipores. Nilason ang mga kampon sa korteng ito dahil sa paghahangad o pag-asang paglilingkuran sila ng mga ito sa "kabilang daigdig" o "kasunod na mundo".[1]

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 123Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Lived at Ur?".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767., pahina 10.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ur&oldid=2133955"
Mga kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp