AngUnibersidad ng York[1] (Ingles:University of York, dinadaglat na Ebor oYork para sa post-nominal) ay isang unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ngYork,Inglatera. Itinatag noong 1963, ang mga kampus ng unibersidad ay pinalawaksa tatlumpung mga kagawaran at sentro, na sumasaklaw sa isang malawak na hanay ng mga paksa.
Noong 2012, ang York ay sumali sa Russell Group ngresearch-intensive universities.[2] Ito ay niraranggo na ika-12 sa UK sa sa hanay ng mga institusyong multi-fakultad para sa kalidad ng pananaliksik[3] at ika-24 para sa kakayahan sa pananaliksik ayon sa 2014 Research Excellence Framework.[4] Noong 2018, ang pambansang ranggo ng York ay nasa ika-16= ayon saThe Times, ika-17 ayon saThe Guardian, at ika-20 ayon sa The Complete University Guide.Sa buong mundo ito ay may ranggong ika-135= (QS) at ika-137= (THE) para sa taong 2018, at ika-118 (CWTS) at ika-201-300 (ARWU) para sa taong 2017.