Angulan ay isang klase ngpresipitasyon, na isang produkto ngkondensasyon ng tubig na atmosperika na natitipon sa lupa. Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa lupa galing sa mgaulap. Hindi lahat ng ulan ay nakakaabot sa lupa; ang iba ay sumisingaw habang dumadaan sa hangin. Kapag walang nakakaabot sa lupa, ito ay tinatawag navirga, isang pangyayari na kadalasang nangyayari sa mga maiinit at tuyong lupain, ang mgadisyerto. Ang sayantipikong eksplanasyon kung saan ang ulan ay namumuo at nalalaglag ay tinatawag naprosesong Bergeron.
Ang ulan ay may mahalagang ginagampanan sasiklo ng tubig, kung saan ang tubig aysumisingaw o pumapailanlang bilang hangin, namumuo bilang patak, at nalalaglag galing sa itaas, at unti-unting bumabalik sadagat galing sa mgailog atsapa, at umuulit ulit. Ang singaw ng tubig galing sa paghinga ng halaman (respirasyon) ay nagdadagdag din ng tubig sa hangin.
Ang ulan ay nauuri batay sa dami ng presipitasyon at kung bakit namuo ang presipitasyon.
Kung ito ay base sa dami ng ulan, ito ay maaaring mauri batay sa:
masyadong mahinang ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay < 0.25 mm/oras
mahinang ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 0.25-1mm/oras
katamtamang ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 1-4mm/oras
malakas na ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 4-16mm/oras
masyadong malakas na ulan - kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 16-50mm/oras
sobrang malakas na ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay > 50.0 mm/oras
Kung ang pinagmulan ng presipitasyon ang pagbabasehan, ang ulan ay nauuri sa:
Ebaporasyon, kondensasyon, at presipitasyon ng pamamasa.
Ang ulang orograpiko ay nabubuo kapag ang hanging puno ng pamamasa ay umiihip patungo sa lupa mula sa dagat ay dumadaan sa mga harang tulad ng mgabundok. Ito ang magiging dahilan sa pag-angat ng hangin. Sa pagtaas, ang hangin ay lumalawak nang mabilis dahil sa pagliit ng presyon ng hangin. Dahil dito, ang temperatura ng hangin ay bumababa, na siyang dahilan sa pagtaas ng relatibongumidad (umedad o humidad), hanggang ito ay mamuo bilang mga ulap. Ang relatibong umidad ay patuloy na tumataas hanggang ang dew point ay naaabot na ang level ng condensation, na ginagawang saturada ang hangin. Ang taas na ito kung saan ang kondensasyon ay nangyayari ay tinatawag naantas ng kondensasyon. Kapag ang cloud droplets ay naging mabigat para lumutang pa, ang ulan na ay babagsak.
Habang ang hangin ay tumatahak patungong kabila, ito ay nagiging kompresyon at umiinit; na nagiging dahilan sa pagbaba ng relatibong umedad ng hangin, na tuyo na pagkatapos ng pagbagsak ng ulan. Dahil dito, ang leeward side ng mga bundok ay hindi nakakatanggap ng ulan mula sa mga hanging ito at ito ay tinatawag na rehiyon ng anino ng ulan ng mga bundok.
Ang ulang kumbektibo ay kadalasang nangyayari sa mga lugar na mayklimang tropikal kung saan mainit tuwing maaraw o kaya umaga at hapon. Ang rasyon ngebaporasyon ng pamamasa galing sa mga anyong-tubig at respirasyon mula sa mga halaman ay napakataas. Ang sumingaw na pamamasa kasama ang mainit nitong paligid ay nagsisimula nang umangat. Sa pagtaas nito, ang hangin ay lumuluwang nang mabilis dahil sa pagbaba ng presyon ng hangin. Dahil dito, ang hangin ay nakararanas ng pagbaba ng temperatura, na nagreresulta sa kondensasyon ng mga gabutil na patak ng tubig --- na bumubuo sa mga di-establisadong kumulonimbus na mga ulap o mga ulap na nagdudulot ng pagkidlat. Kapag ang mga patak-butil ng ulap ay naging masyadong mabigat para lumutang pa, dito na nagsisimula ang pagbagsak ng ulan.
Isang panorama na nagpapakita sa isang maliwanag na langit sa kaliwa at ulap-ulan sa kanan.