Anguhog osipon (Ingles:mucus, bigkas:myu-kus;nasal mucus o "uhog sa ilong" o "sipon sa ilong") ay ang malapot na bagay na binubuo ng mga musino (omucin), selula, asin, at tubig na pantakip sa at pampadulas salamad na mukosa omembrano ng mukosa (membranong mukosal, Ingles:nasal mucosa).[1] Ito ang madulas at mamasa-masang dumi na nagigingkulangot o ang tumigas at natuyonguhog (Ingles:booger) na natatagpuan sa kahabaan nglamad na mukosa ngilong.[1]
Sa larangan ng medisina, mas malawak ang kahulugan nguhog sapagkat ito ang malinaw at madikit na sustansiyang gawa ng mga membrano ng mukosa, na gumuguhit o nakalinya sa mga bukasan ng katawang katulad ng ilong, bibig, at ilang mga partikular na organong kagaya ngtiyan at mgabituka. Pinananatili ng uhog omukus atmyukus (mula sa Ingles namucus) ang pagiging mamasa-masa ng mga nabanggit na bahagi o pook ng katawan, at nagsisilbing pamprotekta o pananggalang na pambalot ng mga ito.[2]
Nagsisilbing pananggalang ng pitak pang-respiratoryo ang kulangot. Sinisilo ng kulangot ang anumang mga dayong bagay katulad ng alikabok o mga maliit na buto ng mga halaman (Ingles:pollen) bago mapasok ng mga ito ang natitirang bahagi ng pitak pang-hinga. Tuluy-tuloy na inilalabas ng ilong ang kulangot, at nalulunok ng tao, na di niya namamalayan, ang karamihan sa mga ito. Nakakairita ito sa ilong kaya't kailangan itong tanggalin dahil hindi makakahinga ang tao kapag hindi ito inalis. Puwedeng tanggalin sa pamamagitan ng hinliliit ng daliri, tisyu, tuwalyang papel, at iba pa.