Angube[3] oubi[4] (English:purple yam[5]) ay isang uri ng halamang-ugat na inaani mula sa ilalim ng lupa. Kulaylila ang matamis[3] na halamang-ugat na ito na karaniwang ginagamit sapaghahalaya. Dahil sa kulay nito, natatawag ding kulay-ubi ang kulay na lila.[4] Subalit minsan sila ay kulay puti. Paminsan-minsan, ikinalilito ito sagabi at angkamote ng Okinawa,beniimo (紅芋) (Ipomoea batatas cv. Ayamurasaki), ngunit itinatanim din ang ube sa Okinawa. Mula satropiko ng Asya, nakilala na ang ube ng mga tao kahit noong sinaunang panahon pa.[6]
Dahil naturalisado na ito kasunod ng pinagmulan nito sa Asya, lalo na saPilipinas, sa buong Timog Amerika at timog-silangan ng Estados Unidos, marami ang mga pangalan para sa ube sa mga rehiyong ito. Sa Ingles lang mismo, maliban sapurple yam, ginagamit din ang mga salitangten-months yam,water yam,white yam,winged yam,violet yam, oyam lang.[6]
Ang ube ay isa sa mga pinkamahalagang pananim sa mgakulturang Austronesyo. Isa ito sa mga iba't ibang espesye ng kamiging na dinomestika at itinanim nang magkakahiwalay saMaritimong Timog-silangang Asya atBagong Ginea para sa kanilang mga malagawgaw nalamang-lupa, kabilang dito ang bayag-kabayo (Dioscorea bulbifera), nami (Dioscorea hispida), tugi (Dioscorea esculenta), pakit (Dioscorea nummularia), lima-lima (Dioscorea pentaphylla), atpencil yam (Dioscorea transversa).[7][8] Sa mga ito, ube at tugi lamang ang palaging itinatanim at kinakain habang itinuring ang iba bilang pagkain tuwing taggutom dahil mas mataas ang nilalamang dioskorina, isang toksin, kaya kailangang ihanda sila nang maayos bago kainin.[9] Mas itinatanim ang ube kaysa sa tugi, higit sa lahat, dahil sa malaking mga lamang-lupa nito.[10]
Sa Pilipinas ang sentro ng pinanggaling ng ube, ngunit iminumungkahi ng mga ebidensyang arkeolohiko na pinakinabangan ito saKapuluan ng Timog-silangang Asya atBagong Ginea bago ang pagpapalawak ng mga Austronesyo. Pinaniniwalaan na isang totoong kultiheno ang ube, kilala lamang sa kanyang nililinang na uri. Halos baog ang lahat ng mga kultibar, kaya mga tao lang ang makakadala ng mga ito sa mga ibang pulo, at isa itong magandang tagapaghiwatig ng paglilipat ng mga tao. Iminungkahi ng mga iilang may-akda, nang walang ebidensiya, sa pinagmulan saKontinental na Timog-silangang Asya, ngunit pinakamalaki ang pagkakaiba-iba ng penotipo saPilipinas atBagong Ginea.[14][15][16]
Ayon sa katibayang arkeolohiko ng mga pabinhian at nalabing halaman sa puwesto ng Latiang Kuk, iminungkahi ng mga may-akda na unang dinomestika ito sa mga kabundukan ng Bagong Ginea noong mga 10,000 BP at kumalat patungo sa Kapuluan ng Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng kulturang Lapita noong mga s. 4,000 BP, kasama ng pakit at bayag-kabayo. Sa kabila nito, pinaniniwalaan na ipinakilala ng kulturang Lapita ang tugi sa Bagong Ginea. Mayroon ding ebidenisya ng rebolusyon sa agrikultura sa panahong ito dahil sa mga makabagong-likha mula sa pakikipag-ugnayan sa mga Austronesyo, kabilang ang paglinang ng tubigan.[17][18]
Gayunman, nabawi rin ang mga mas lumang labi na pinag-uring ube mula sa Yungib ng Niah saBorneo (Huling Pleistoseno, <40,000 BP) at sa Yungib ng Ille saPalawan (s. 11,000 BP), pati na rin ang labi ng nakakalasong nami (D. hispida) na kailangang ihanda bago ito makain. Kahit hindi ito nagpapatunay ng paglilinang, ipinapakita nito na may kaalaman ang mga tao upang pakinabangan ang mga malagawgaw na halaman at na katutubong halaman ang ube sa Kapuluan ng Timog-silangang Asya. Bukod dito, bungad nito sa tanong kung tunay na espesye ang ube o nilinang nang mas maaga kaysa sa pinaniniwalaan.[7][19][20][21][22][23]
Nananatiling importanteng ani ang ube sa Timog-silangang Asya, lalo na saPilipinas kung saan gamit na gamit ang lilang uri sa mga iba't ibang tradisyonal at modernong panghimagas. Nananatiling mahalaga rin ito saMelanesya, kung saan itinatanim din ito para sa layuning panseremonya na nakatali sa laki ng mga lamang-lupa sa anihan. Gayunman, umigsi ang kahalagahan nito sa silangangPolynesia atBagong Silandya pagkatapos ng pagpapakilala ng ibang ani, lalo na angkamote.[10]
Ang mga ube ay may mga makakaing lamang-lupa na may lasang banayad na matamis, malalupa, at malanuwes na kahawig ngkamote ogabi. Partikular na nagpalilila nang todo ang lilang kultibar ng mga putahe dahil sa mataas na nilalamang antosiyanina.[24] Pinapahalagaan din ang mga ube para sagawgaw na maaaring iproseso sa kanila.[6] Pinakakaraniwan ang ube salutuing Pilipino. Madalas na ginagamit ito sa mga iba't ibang uri ng Pilipinong panghimagas tulad ngubeng keyk, ubeng tsiskeyk at ubeng krinkels, pati na rin bilang sangkap o pampalasa ngsorbetes, gatas,donat, tarta,kukis, kapkeyk,keyk, halaya at iba pang uri ngpastelerya. Madalas itong kinakain pagkatapos pakuluin, ihurno, o bilang isang pinatamis na panghimagas na tinatawag naube halaya; isang popular na sahog ang huli sa eladong panghimagas na tinatawag nahalo-halo.[25][26][27] Kamakailan lamang, nakapasok ang mga ubeng panghimagas saEstados Unidos sa pamamagitan ng lutuing Pilipino, sa ilalim ng pangalang "ube". Sikat na sikat ito dahil sa kapansin-pansing kulay lila na ibinibigay niya sa mga panghimagas.[24][25][28]
Madalas na ikinalilito ang ube sa mga lilang uri ngkamote, dahil sa kanilang pagkakapareho sa kulay, lasa, at paggamit sa kulinarya. Gayunman, ang ube, tulad ng mga ibang kamiging, ay mas mahalumigmig kaysa sa mga kamote. Mas mataas rin ang antosiyanina ng ube kaysa sa kamote. Kahit ganoon, maaari sila gamitin nang halinhinan sa karamihan ng mga resipi.[29][30]
Kahit magagamit bilang suplementong pandiyeta at sa katutubong gamot, walang klinikal na katibayan na may katangiang nakapagpapagaling ang ube.[31] Maaaring magkaroon ng masamang epekto ang paggamit ng mga suplementong ube sa mga taong kumukuha ng estroheno, antikoagulante (panlaban sa pamumuo) o sa mga taong buntis o nagpapasuso.[31] Maaaring magkaalerhiya ang ilang tao kapag gagamit ng mga suplementong ube.
Ang kulay ng mga lilang uri ay dahil sa mga iba't ibang pangulay na antosiyanina.[32] Natutunaw ang mga pangulay sa tubig, at ipinanukla bilang posibleng pangkulay ng pagkain.[33] Minsan, itinatanim ang ube sa hardin bilang dekorasyon.[6]
↑De Guzman, Maria Odulio (1968). "Yam [Ingles], mga halamang-ugat o mga halamang galing sa ilalim ng lupa na kinabibilangan ng ubi,singkamas,gabi,yuro at iba pa".The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong)ISBN9710817760.
↑6.06.16.26.3"Dioscorea alata".Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noongMayo 26, 2011.
↑7.07.1Barker, Graeme; Hunt, Chris; Barton, Huw; Gosden, Chris; Jones, Sam; Lloyd-Smith, Lindsay; Farr, Lucy; Nyirí, Borbala; O'Donnell, Shawn (Agosto 2017)."The 'cultured rainforests' of Borneo" [Ang 'kultibadong kagubatan' ng Borneo](PDF).Quaternary International (sa wikang Ingles).448: 44–61.doi:10.1016/j.quaint.2016.08.018.
↑10.010.1"*Qufi ~ Uwhi, uhi".Te Mära Reo: The Language Garden. Benton Family Trust. Nakuha noong21 Enero 2019.
↑Crowther, Alison; Lucas, Leilani; Helm, Richard; Horton, Mark; Shipton, Ceri; Wright, Henry T.; Walshaw, Sarah; Pawlowicz, Matthew; Radimilahy, Chantal; Douka, Katerina; Picornell-Gelabert, Llorenç; Fuller, Dorian Q.; Boivin, Nicole L. (14 Hunyo 2016)."Ancient crops provide first archaeological signature of the westward Austronesian expansion" [Mga sinaunang pananim, nagbigay ng unang pirmang arkeolohiko ng pagpapalawak ng mga Austronesyo pakanluran].Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles).113 (24): 6635–6640.doi:10.1073/pnas.1522714113.PMC4914162.PMID27247383.
↑Malapa, R.; Arnau, G.; Noyer, J.L.; Lebot, V. (Nobyembre 2005). "Genetic Diversity of the Greater Yam (Dioscorea alata L.) and Relatedness to D. nummularia Lam. and D. transversa Br. as Revealed with AFLP Markers" [Pagkasari sa Henetiko ng Ube (Dioscorea alata L.) at Pagkakaugnayan sa D. nummularia Lam. at D. transversa Br. na Inihayag ng mga Pangmarkang AFLP].Genetic Resources and Crop Evolution (sa wikang Ingles).52 (7): 919–929.doi:10.1007/s10722-003-6122-5.
↑Cruz, V.M.V.; Altoveros, N.C.; Mendioro, M.S.; Ramirez, D.A. (1999). "Geographical patterns of diversity in the Philippine edible yam collection" [Mga tularan sa heograpiya ng pagkakasari sa koleksiyon ng nakakaing kamiging sa Pilipinas].Plant Genetic Resources Newsletter (sa wikang Ingles).119: 7–11.
↑Bayliss-Smith, Tim; Golson, Jack; Hughes, Philip (2017)."Phase 4: Major Disposal Channels, Slot-Like Ditches and Grid-Patterned Fields". Sa Golson, Jack; Denham, Tim; Hughes, Philip; Swadling, Pamela; Muke, John (mga pat.).Ten Thousand Years of Cultivation at Kuk Swamp in the Highlands of Papua New Guinea [Sampung Libong Taon ng Paglilinang sa Latiang Kuk sa Mga Kabundukan ng Papua Bagong Ginea]. terra australis (sa wikang Ingles). Bol. 46. ANU Press. pp. 239–268.ISBN9781760461164.
↑Barker, Graeme; Lloyd-Smith, Lindsay; Barton, Huw; Cole, Franca; Hunt, Chris; Piper, Philip J.; Rabett, Ryan; Paz, Victor; Szabó, Katherine (2011)."Foraging-farming transitions at the Niah Caves, Sarawak, Borneo" [Transisyong panginginain-pagsasaka sa Mga Yungib ng Niah, Sarawak, Borneo](PDF).Antiquity (sa wikang Ingles).85 (328): 492–509.doi:10.1017/S0003598X00067909. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2019-01-19. Nakuha noong2019-01-21.
↑Barton, Huw; Denham, Timothy (2011)."Prehistoric vegeculture and social life in Island Southeast Asia and Melanesia"(PDF). Sa Barker, Grame; Janowski, Monica (mga pat.).Why cultivate? Anthropological and Archaeological Approaches to Foraging–Farming Transitions in Southeast Asia [Bakit maglinang? Antropolohikal at Arkeolohikal na Pagdulog sa Mga Transisyon ng Pangingitain–Pagsasaka sa Timog-silangang Asya] (sa wikang Ingles). McDonald Institute for Archaeological Research. pp. 61–74.ISBN9781902937588. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2019-03-28. Nakuha noong2020-01-15.
↑Reynolds, Tim; Barker, Graeme; Barton, Huw; Cranbrook, Gathorne; Hunt, Chris; Kealhofer, Lisa; Paz, Victor; Pike, Alasdair; Piper, Philip; Rabett, Ryan; Rushworth, Gary; Stimpson, Christopher; Szabó, Katherine (2013)."The First Modern Humans at Niah, c. 50,000–35,000 Years Ago"(PDF). Sa Barker, Graeme (pat.).Rainforest Foraging and Farming in Island Southeast Asia [Pangingitain at Pagsasaka sa Kagubatan sa Maritimong Timog-silangang Asya] (sa wikang Ingles). McDonald Institute for Archaeological Research. pp. 133–170.ISBN9781902937540.
↑Bueno, Anna."All hail ube, the culinary gem we took for granted" [Papuri sa ube, ang hiyas sa pagluluto na ipinagwalang-bahala natin].CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 1 Nobyembre 2019. Nakuha noong18 Mayo 2019.
Smith, A.C. (1979). Flora Vitiensis Nova. A new flora for Fiji (Spermatophytes only) 1: 1-495. Pacific Tropical Botanical Garden, Lawai.
Brunel, J.F., Hiepo, P. & Scholz, H. (eds.) (1984). Flore Analytique du Togo Phanérogames: 1-751. GTZ, Eschborn.
Morat, P. & Veillon, J.-M. (1985). Contributions à la conaissance de la végétation et de la flore de Wallis et Futuna. Bulletin du Muséum National d'Histoire Naturelle. Section B, Adansonia 7: 259-329.
Boudet, G., Lebrun, J.P. & Demange, R. (1986). Catalogue des plantes vasculaires du Mali: 1-465. Etudes d'Elevage et de Médecine Vétérinaire des Pays Tropicaux.
George, A.S., Orchard, A.E. & Hewson, H.J. (eds.) (1993). Oceanic islands 2. Flora of Australia 50: 1-606. Australian Government Publishing Service, Canberra.
Acevedo-Rodríguez, P. & Strong, M.T. (2005). Monocotyledons and Gymnosperms of Puerto Rico and the Virgin Islands. Contributions from the United States National Herbarium 52: 1-415.
Tanaka, N., Koyama, T. & Murata, J. (2005). The flowering plants of Mt. Popa, central Myanmar - Results of Myanmar-Japanese joint expeditions, 2000-2004. Makinoa 5: 1-102.
Akoègninou, A., van der Burg, W.J. & van der Maesen, L.J.G. (eds.) (2006). Flore Analytique du Bénin: 1-1034. Backhuys Publishers.
Catarino, L., Sampaio Martins, E., Pinto-Basto, M.F. & Diniz, M.A. (2006). Plantas Vasculares e Briófitos da Guiné-Bissau: 1-298. Instituto de investigação científica tropical, Instituto Português de apoio ao desenvolvimento.
National Parks Board Singapore (2006). Vascular Plant Life Checklist Pulau Ubin. www.nparks.gov.sg/nparks_cms/cms/cmsmgr/data/6/PlantChkList.xls.
Sosef, M.S.M. & al. (2006). Check-list des plantes vasculaires du Gabon. Scripta Botanica Belgica 35: 1-438.
Samanta, A.K. (2006). The genus Dioscorea L. in Darjeeling and Sikkim Himalayas - a census. Journal of Economic and Taxonomic Botany 30: 555-563.
Pandey, R.P. & Dilwakar, P.G. (2008). An integrated check-list flora of Andaman and Nicobar islands, India. Journal of Economic and Taxonomic Botany 32: 403-500.
Wilkin, P. & Thapyai, C. (2009). Flora of Thailand 10(1): 1-140. The Forest Herbarium, National Park, Wildlife and Plant Conservation Department, Bangkok.
Demissew, S. & Nordal, I. (2010). Aloes and other Lilies of Ethiopia and Eritrea, ed, 2: 1-351. Shama Books, Addis Ababa, Ethiopia.