AngU2 ay isangIrlandes na bandang pang-rock. Kabilang sa apat na kasapi ng banda ang pangunahing mangangantang siBono (ipinanganak bilangPaul David Hewson), pangunahinggitaristang siThe Edge (ipinanganak naDavid Howell Evans), gitaristang bahista na siAdam Clayton, attagapagtambol na siLarry Mullen, Jr. Isang napakatanyag na banda sa buong mundo ang U2 magmula noong dekada ng 1980. Nakapagbili sila ng mahigit sa 170 milyong mgaalbum at nagwagi ng 22Parangal na Grammy. Nilarawan sila bilang mahigit pa sa anumapamang iba pang banda.[1][2]
Nabuo ang U2 noong 1976, noong wala sa mga kasapi nito ang maituturing na napakagaling na mga musikero. Subalit naging mas mainam sila sa kanilang pagtanda. Mas popular sila sa pagtatanghal ng personal kaysa paglalabas ng mga album. Nagbago ito nang mapakawalan ang kanilang patok na rekord noong 1987, angThe Joshua Tree. Noong1991, inilabas ng U2 ang bagong album na tinawag naAchtung Baby. Napakaiba ng tunog ng album na ito kapag inihambing mula sa kanilang iba pang mga album dahil binigyang inspirasyon ito ng alternatibongrock at musikang pangsayaw. Kapwa naging napakabantog ng pandaigdigan nitong paglalakbay naZoo TV. Sa natitirang bahagi ng dekada ng 1990, nagsagawa ng mga eksperimentong pangmusika ang U2, na nagresulta sa dalawang iba pang nakapakakakaibang mga album, angZooropa at angPop.
Sa loob ng ika-21 daang taon, nagbalik ang U2 sa mas tradisyunal na tunog, subalit nagpatuloy ang kanilang katanyagan at tagumpay. Nakiisa sila sa mga pakikipagkapuwa-tao at sa pagtulong sa mga taong may mga pangkat na katulad ngAmnesty International,Make Poverty History, angONE Campaign,Live Aid,Live 8, ang kampanyangDATA (Debt, AIDS, Trade in Africa) ni Bono , atMusic Rising.
Binuo ang U2 sa lungsod ngDublin,Irlanda noongSetyembre 25,1976. Itinatag ito ng 14 na taong gulang na tagatambol na si Larry Mullen, Jr. Nagpaskil siya ng isang paunawa sa pisara ng mga paunawa sa kanyang paaralan, na naghahanap ng mga manunugtog upang makalikha ng isang bagong banda. Nagkaroon ng pitong kabataang mga lalaki nagpunta sa kanilang unang pagsasanay. Sa una, tinawag ang banda bilang "The Larry Mullen Band" (Ang Banda ni Larry Mullen), ngunit binago nila ito upang maging "Feedback", na naging "The Hype". Naging maliit ang bilang ng mga kasapi paglaon, na humantong sa pagiging apat na tao na lamang, at napagpasyahan nila sa huli na gawing "U2" ang pangalan ng kanilang pangkat, noong matira na lamang sina Bono, The Edge, Clayton, at Mullen.