Ang pangalan ng Turkiya saWikang Turko,Türkiye, ay nagmula sa salitangTürk, na ang kahulugan ay "malakas" saLumang Wikang Turko at katawagan din sa mga mamamayan ng mga bansa ng mga Turko.[4]
Sa wikang Tagalog, ang pangalang Turkiya ay muling pagsasabaybay ng salitang Español naTurquía.
Mas matagal nang may naninirahang tao sa Anatolia (ang bahagi ng Turkiya na nasaAsya na tinatawag ding Asia Minor) kaysa saan man sa mundo, maliban na lamang saAfrica.
Ang unang pangunahing imperyo sa lugar na ito ay ang mga Hittite (mula sa ika-18 dantaon hanggang sa ika-13 dantaon BC). Ang mga Hittites, na nagsalita ng mga wikang Indo-Europeo, ay bumuo ng isang mataas na kultura sa Gitnang Anatolya. Nasira ang kanilang kaharian noong ika-7 dantaon BC at ang mga sumunod na estaso ay ang Lydia, Caria, at Lycia.
Mula 1950 BCE, ang mga Griyego at Assyriano ay tumira sa iba't ibang bahagi ng timog silangang Turkey. Ang kabisera ng Assyria ay tinawag na Tushhan (900-600 BCE). Namahala ang mga Assyrians sa timog silangang Turkey hanggang sa masakop ng Babylonia sa taong 612 BC. Naging tahanan ang Anatolia sa iba't ibang mga kaharian tulad ng Imperyong Achaemenid, mga kahariang Hellenistiko,Imperyong Romano,Silangang Imperyong Romano, Imperyong Seljuk at angImperyong Monggol.
1 Mayroongbahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa. 2 Buong nasaKanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo-politikal sa Europa. 3 May mgaumaasang teritoryo sa labas ng Europa.