Nalilikha ang tunog kapag nayayanig ang membrano o bamban ngtambol na ito, dahil sa pagpukpok o pagpalo ng mananambol.
Angtunóg ay isang naglalakbay naalon opagaspas, na isangosilasyon o pagpapabalik-balik ngpresyong pinadaraan o dumaraan sa isangsolido,likido, ogas, at binubuo ng mgafrequency o pagpapaulit-ulit sa loob ng nasasakupan ngpandinig at may sapat na antas ng lakas upang marinig, o ang sensasyon o pag-igting na nagpapasigla sa mga organo ng pandinig dahil sa ganitong mgapagyanig obibrasyon.[1] Kasingkahulugan o may kaugnayan ito sa mga salitang:pagukpok,haguthot,kugkog,kaluskos,kalatis,hagutak (ang tunog ng paglalakad saputik),hagunghong (tunog ng rumaragasangtubig),lagunlong (tunog ng tagaktak ng isangtalon),ingay,dagundong, atalingayngay.[2]
Dumadaloy ang tunog sa gas, plasma at likido bilang longitudinal waves, na tinatawag rin na compression waves. Kinakailangan nito ng isang medyum upang lumaganap. Sa mga solid, ang tunog ay pwedeng dumaloy bilang parehong longitudinal at transverse waves. Ang mga longitude waves ay epekto ng salitang pwersa galing sa punto ng balanse, na nagdudulot ng mga rehiyon ng compression at rarefaction, habang ang transverse waves (sa mga solid), ay mga wave ng salitang stress sa 90° anggulo sa direksyon ng paglalaganap. Pwedeng makita ang mga sound waves bilang parabolic mirrors o mga bagay na gumagawa ng tunog.
Pabalik balik ang pwersang dala ng sound wave patungo sa potential energy ng extra compression (sa lagay ng longitudinal waves) o later displacement strain (sa lagay ng transverse waves) ng materyal, pabalik sa kinetic energy ng displacement velocity ng bumubuo sa medyum.
PInapaliwanag ang mga sound waves sa paglalarawan ng mga sinusoidal plane waves, na nilalarawan ng mga ito: dalas, haba ng wave (wavelength), bilang ng wave (wave number), lakas o lawak (amplitude), bigat ng tunog (sound pressure), pwersa ng tunog (sound intensity), bilis ng tunog, direksyon.Ang naaaninaw na tunnog ng isang tao ay may frequency na 20 Hz hanggang 20,000 Hz.