Tulay ng Mabini Mabini Bridge | |
---|---|
![]() | |
Nagdadala ng | Daang Palibot Blg. 2 |
Tumatawid sa | Ilog Pasig |
Pook | Maynila |
Disenyo | Pontoon bridge |
Petsa ng pagtatapos sa pagtatayo | 1945 |
Mga koordinado | 14°35′45″N121°00′05″E / 14.5958°N 121.0014°E /14.5958; 121.0014 |
AngTulay ng Mabini (Mabini Bridge), na kilala dati bilangTulay ng Nagtahan (Nagtahan Bridge), ay itinayo noong Enero-Pebrero 1945. Una itong nagsilbingpontoon bridge na tumatawid saIlog Pasig, dinudugtong ang mga distrito ngSanta Mesa atPaco. Ginamit ito upang ihatid ang mga dyip ng Hukbo ng Estados Unidos at ilikas ang mga mamamayang naipit sa putukan noongLiberation of Manila.[1]
May mga panukala para sa isang bagong tulay na mag-uugnay ng ruta ngMendiola saPalasyo ng Malacañang, kahit na bago pa angIkalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit hindi naisakatuparan ang pagtatayo.[1] Nanatiling nakatayo ang tulay napontoon nang ilang dekada kasunod ng pagtatapos ng digmaan, sa kabila ng mga ginamit na mga materyales sa pagtatayo nito. Gawa ito noon sa nakapintog na mga balsang goma na inilagay sa tabi-tabi - umaabot hanggang sa katapat na pampang ng Ilog Pasig. Inilagay naman sa ibabaw nito ang dalawang magkalinyang mga binutasang aserong andamyo, bawat isa'y may lapad na mga 1 metro (3.3 tal) at agwat na mga 1.5 metro (4.9 tal). Itinayo ito ngUS Army Corps of Engineers - sapat para dalhin ang pantaong trapiko gayundin ang mga magaang sasakyan.[2] Noong Agosto 17, 1960, binanga ng isang lantsa ang mga kahoy na bunton ng tulay. Nagdulot ito ng pangunahing pagkasira sa tulay - na naging sanhi naman ng pagbaha sa mga kalapit na kabahayan.[1]
Itinayo noong 1963 ang isang permanenteng tulay - nagnangalangNagtahan. Idinugtong nito ang Paco kasama ang distrito ngPandacan. Subalit matatagpuan sa hilagang pampang angDambana ng Mabini (ang dating tahanan ni Apolinario Mabini). Kalaunan, inilipat ng pamahalaan ang bahay saPoliteknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Santa Mesa. Sa ika-103 anibersaryo ng kapanganakan ni Mabini noong Hulyo 22, 1967, inilabas ni dating PangulongFerdinand Marcos ang Kautusan Blg. 234, serye 1967, na nagpapalit ng pangalan ng Tulay ng Nagtahan sa Tulay ng Mabini bilang alaala kay Apolinario Mabini, angDakilang Lumpo.[1]
Noong 2014, itinagubilin ngPresidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) saKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang pagbabago sa mga umiiral na mga karatulang pandaan upang mabasang "Mabini Bridge", - bilang isang karapat-dapat na ambag sa ika-150 anibersaryo ni Mabini.[1]
Inilagay ang palatandaan ng Tulay ng Mabini noong Hulyo 22, 1967, sa ika-103 kaarawan ni Apolinario Mabini. Matatagpuan ito sa kahabaan ng Bulebar Nagtahan - na ini-uugnay ang Santa Mesa at Paco.[3]
Inskripsiyon sa Filipino | Inskripsiyon sa Ingles |
---|---|
ANG TULAY NA ITO, DATING NAGTAHAN, AY PINANGALANANG TULAY MABINI NG PANGULONG FERDINAND E. MARCOS NOONG HULYO 22, 1967 NANG IPAGDIWANG AND IKA-103 KAARAWAN NI APOLINARIO MABINI.[3] | THIS BRIDGE, FORMERLY CALLED NAGTAHAN, WAS RENAMED MABINI BRIDGE ON THE OCCASION OF THE 103RD ANNIVERSARY OF APOLINARIO MABINI ON 22 JULY 1967 BY PRESIDENT FERDINAND E. MARCOS.[3] |
{{cite book}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong)