AngTsipre (Griyego:Κύπρος,tr.Kýpros;Turko:Kıbrıs), opisyal naRepublika ng Tsipre, ay bansang pulo na matatagpuan sa silangang bahagi ngDagat Mediteraneo. Bagama't heograpikal na nasaKanlurang Asya, nakahanay ang mga ugnayang kultural at politikal nito saTimog-Silangang Europa. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayNikosya.
Ang Tsipre ay sinakop ngBritanya mula saTurkiya noong 1914. Noong 1925, sinimulan itong pamunuan ng Britanya bilang isangkolonya at ito'y pinamunuan ng isang gobernador. Nang mga bandang 1950s, dinamanda ng mga Grekong-Cypriot ngenosis (isang kasunduan na magtatalaga na maging parte ang teritoryo ng bansangGresya). Ang dimandang ito ay tinanggihan naman ng mga Turkong-Cypriot. Dahil dito, nagkaroon ng pag-atake ang mga gerilya at napilitang tumakas ang relihiyosong pinuno ng mga Grekong-Cypriot na siMakarios III.[11]
Sa huli, pinagkasunduan ng Britanya, Gresya, at Turkiya na kailangang maging ganap na bansa ang Tsipre, kasama na ang pagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng mga Greko at Turkong komunidad s sa loob ng bansa. Noong 1960, si Arsobispo Makarios ang unang nagingpangulo ng Tsipre.[11]
Noong 1974, nahati sa dalawa ang bansang Tsipre:Hilagang Tsipre, at Republika ng Tsipre. Ito ay dahil sa hindi natatapos na alitan sa pagitan ng mga Grekong-Cypriot at Turkong-Cypriot.[12]
1 Mayroongbahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa. 2 Buong nasaKanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo-politikal sa Europa. 3 May mgaumaasang teritoryo sa labas ng Europa.