Unang naitala sa Tsina noong 59 BK, pero marahil umiral ito nang mas maaga[2]
Angtsaa ay isang masamyonginumin na inihahanda sa pagbuhos ng mainit o kumukulong tubig sa preserbado o sariwang dahon ngCamellia sinensis, isanglaging-luntingpalumpong na katutubo sa Silangang Asya na marahil nagmula sa may hanggahan ng timog-kanlurangTsina at hilagangMyanmar.[3][4][5] Nagagawa rin ang tsaa, ngunit bihira, mula sa mga dahon ngCamellia taliensis.[6][7][8] Kasunod ng purong tubig, ang tsaa ay ang pinakainiinom sa buong mundo.[9] Maraming mga uri ng tsaa; nakakaginhawa, medyo mapait, at matapang ang lasa ng ilan,[10] habang matamis, malanuwes, mabulaklak, o maladamo ang lasa ng iba. Nakakapagpasigla ang tsaa sa mga tao dahil sa nilalaman nitongkapeina.[11]
Pinetsahan ang isang maagang kapani-paniwalang talaan ng pag-inom ng tsaa sa ikatalong siglo PK, sa tekstong medikal na isinulat ni Hua Tuo, isang Tsinong mediko.[12] Pinasikat ito bilang inumin sa libangan noongdinastiyang Tang sa Tsina, at mula noon, kumalat ang pag-iinom ng tsaa sa mga ibang bansa sa Silangang Asya. Ipinakilala ito ng mga pari at mangangalakal na Portuges sa Europa noong ika-16 na siglo.[13] Noong ika-17 siglo, umuso ang pag-iinom ng tsaa sa mgaIngles, na nagsimulang magtanim ng tsaa nang malawakan sa Indiyang Britaniko.
Kahit inakala na marami ang mga benepisyo sa kalusugan ngCamellia sinensis sa buong kasaysayan ng pagkonsumo nito, walang de-kalidad na ebidensya na nagpapakita na may malalaking kapakinabangan ang pag-inom ng tsaa maliban sa posibleng pagtaas ng pagkaalisto, isang epekto na dulot ngkapeina sa mga dahon ng tsaa.[14][15] Sa klinikal na pananaliksik na isinagawa noong unang bahagi ng ika-21 siglo, natuklasan na walang siyentipikong ebidensya na nagpapahiwatig na ang pag-inom ng tsaa ay may epekto sa anumang sakit o nagpapabuti sa kalusugan.[14]
Muntik walasustansiyang esensyal ang mga tsaang itim at lunti, maliban sa pandiyetang mineral namangganiso, na 0.5 mg kada tasa o 26% ng Sanggunian ng Arawang Konsumo (Reference Daily Intake).[16] May plurayd minsan sa tsaa; ang may pinakamarami nito ay ilang uri ng "tsaang laryo", gawa sa lumang dahon at tangkay, sapat upang makasama sa kalusugan kung maraming nainom na tsaa, na ipinapalagay na galing sa mataas na halaga ng plurayd sa lupa, asidong lupa, at matagal na pagpapakulo.[17]
↑Yamamoto, T; Kim, M; Juneja, L R (1997).Chemistry and Applications of Green Tea [Kimika at Mga Aplikasyon ng Tsaang Lunti] (sa wikang Ingles). CRC Press. p. 4.ISBN978-0-8493-4006-2.Sa mahabang panahon, iginiit ng mga botanista ang dualismo ng pinagmulan ng tsaa mula sa kanilang mga obserbasyon na mayroong mga kaibahan sa mga katangiang morpolohikal ng mga baryanteng Asames at mga baryanteng Tsino... Inulat ni Hashimoto at Shimura na ang pagkakaiba sa mga katangiang morpolohikal sa mga halamang tsaa ay hindi naman ebidensya ng ipotesis ng dualismo mula sa mga saliksik na gumamit ng pagsusuri ng mga estadistikong kumpol. Sa mga kamakailang imbestigasyon, nilinaw din na pareho ang bilang ng kromosomo (n=15) ng dalawang baryante at madaling gumawa ng hibrido ng dalawang ito. At saka natagpuan ang iba't ibang uri ng mga intermedyang hibrido o mga kusang poliployde ng mga halamang tsaa sa malawak na lugar sa binanggit na rehiyon. Maaaring maipatunay ng mga katunayang ito na ang pinagmulan ngCamellia sinensis ay nasa lugar sa pagitan ng hilagang bahagi ng distrito ng Burma, Yunnan, at Sichuan sa Tsina. (Isinalin mula sa Ingles)
↑Mary Lou Heiss; Robert J. Heiss.The Story of Tea: A Cultural History and Drinking Guide.Camellia sinensis originated in southeast Asia, specifically around the intersection of 29th parallel and 98th meridian, the point of confluence of the lands of southwest China and Tibet, north Burma, and northeast India, citing Mondal (2007) p. 519
↑Martin, pa. 29: "simula noong ikatlong siglo PK, tila mas kapani-paniwala ang mga pagbanggit sa tsaa, partikular ang mga napetsahan sa panahon ni Hua T'o, isang lubhang iginagalang na manggagamot at siruhano (Isinalin mula sa Ingles)"
↑14.014.1"Black tea" [Tsaang itim] (sa wikang Ingles). MedlinePlus, US National Library of Medicine. 30 Nobyembre 2017. Nakuha noong27 Pebrero 2018.
↑"Green tea" [Tsaang lunti] (sa wikang Ingles). National Center for Complementary and Integrative Health, US National Institutes of Health. 30 Nobyembre 2016. Nakuha noong27 Pebrero 2018.