Ang maaalamat na mga pader ng Troya. Ang Troy na isinulat niHomer ay pangkasalukuyang tinatawag bilang "Troy VII".Ang pangunahing mga yugto sa pagbubuo ng Troya.Mapa ng Gresyang Homeriko (Gresya noong panahon niHomer).
Sa kasalukuyan, ito ang pangalan ng isang pook na pang-arkeolohiya, ang lokasyon ng Homerikong Troy (Troya ni Homer),[5] saHisarlik na nasa loob ngAnatolia, malapit sa dalampasigan na tinatawag sa ngayon bilang lalawigan ngÇanakkale sa hilaga-kanlurangTurkiya, na nasa timog-kanluran ngDardanelles. Itinalaga ngUNESCO ang pook na pang-arkeolohiya bilang isangPook na Pamana sa Mundo.[6]
Ang Troya ay isang makapangyarihang kaharian na nasa dagat naMediteraneo, at umunlad sa ilalim ng matagal na pamumuno ni HaringPriam. Ang marami niyang mga anak na lalaki, na kinabibilangan ng magiting, malakas, at hindi matalong siHektor, at niParis na isang mapanlikhang tauhan na hindi isang malakas na tagapaglaban subalit isang lalaking mapusok, ang pinakanakikilala mula sa mito ng Troya.
Sa loob ng Gresya ay nakahimlay ang isang kahariang tinatawag na Mycene, na pag-aari ng mgaMycenaean o mga taong Mykene, na pinamumunuan ni HaringAgamemnon. Nagsimula siya ng isang kampanya upang puwersahin at gipitin ang mga lungsod o mga kahariang Griyego at sumali sa kaniya sa pagsalakay sa Troya, upang makuha ang maraming mga yaman nito. Ang hari ngIthaca na siOdysseus (na nakikilala rin bilang siUlysses), na kapiling ang hari ngCreta na siIdomenous, na mayroong magpahanggang sa 22 pang mga kaharian at mga hari, ay gumugol ng sampung mga taon sa paglusob sa Troya. Sa lumaon, bumagsak ang Troya pagkaraang ang isangkudeta na naisip ni Odysseus, na gumagamit ng isangkabayong Troyano na yari mula sa kahoy upang maikubli ang mga sundalo sa loob nito, at upang maipasok nang palihim ang mga kawal papasok sa guhit ng tanggulan ng mga Troyano.
Bago bumagsak ang Troya, noong nagsisimula pa lamang ang digmaan, naghahangad si Haring Priam na makalikha ng isang alyansa sa piling ng malakas na Kaharian ngIsparta na nasa Hilagang Gresya, upang maipagtanggol ang Troya kapag nag-umpisa na ang digmaan. Si HaringAeneas, na nakikilala rin bilang Haring Helikaon, na hari ng Dardanos, ay isang mabuting kaibigan ni Hektor at ni Haring Priam, at kumampi sa mga Troyano noong panahon ng pakikidigma. Sa kasawiang palad, sa paglalakbay na pabalik, pagkaraang magkaroon ng kasunduan ng pag-anib sina Hektor at Paris sa Isparta, kinuha ni Paris ang anak na babae ng hari ng Isparta na nagngangalang PrinsesaHelen, na hindi nagpapaalam sa hari sapagkat naging malalim ang pagmamahalan ng dalawa. Nagdulot ito ng pagkaputol ng pagkakampihan, at humantong sa pagsali ng Isparta sa layunin ng pakikipaglaban ni HaringAgammenon.
↑Korfmann, Manfred O. (2007). Winkler, Martin M (pat.).Troy: From Homer's Iliad to Hollywood Epic. Oxford, England: Blackwell Publishing Limited. p. 25.ISBN1-4051-3183-7.Troy or Ilios (or Wilios) is most probably identical with Wilusa or Truwisa...mentioned in the Hittite sources
↑Burney, Charles (2004). "Wilusa".Historical dictionary of the Hittites. Metuchen, N.J: Scarecrow Press. p. 311.ISBN0-8108-4936-4.
↑Lewis, Charlton T.; Charles Short."Ilium".A Latin Dictionary. Tufts University: The Perseus Digital Library. Nakuha noong 2008.{{cite web}}:Check date values in:|accessdate= (tulong)
↑March, Jenny (2008).The Penguin Book of Classical Myths. Penguin Books. p. 294.ISBN978-0-141-02077-8.