Ang teritoryo ng Tricarico ay umaabot sa 17,691 ektarya (176.91 km²) sa hilagang bahagi ng lalawigan na karatig sa hilagang-silangang bahagi nglalawigan ng Potenza, na mayeksklabo sa teritoryo ng huli: angfrazione ngSerra del Ponte, sa BundokToppa Pizzuta.
Bagaman may sinaunang pinagmulan, ang unang balitang naidokumento tungkol sa bayan ay nagsimula noong 849, noong ito ay isang kondadongLombardo na kasama sagastaldato ngSalerno. Nang maglaon (ika-9 na siglo - huling bahagi ng ika-10 siglo) ito ay isang kutangArabe. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang mga harding terasa, na nagmula sa Arabe. Noong 968, ang Tricarico ay nasakop ngImperyong Bisantino, at pagkatapos, noong 1048, ito ay naging isang portipikadong bayangNormando.
Noong ika-15 siglo, mayroong isang pamayanangHudyo.