Ang isanghandog otributo (mula saLatin natributum, kontribusyon) ay angkayamanan, kadalasang materyal (tulad ng ani o paninda), na binibigay ng isang partido sa isa pa bilang tanda ngpaggalang o, sa kadalasang kaso sa konteksto ngkasaysayan, bilang pagpapasakop o alyansa. Siningil ng iba't ibang sinaunangestado ang tributo mula sa mga namumuno ng lupain kung saan sinakop ng estadong iyon o kaya'y binantaang sakupin nila. Sa kaso ng mga alyansa, may mga mas mababang partido na maaring magbayad ng tributo upang mas maging makapangyarihang partido bilang tanda ng alyansa at kadalasang upang pondohan ang mga proyekto na mapapakinabangan ng parehong partido. Upang matawag na "tributo," kailangang may isang pagkakilala ng magbabayad ang pampolitikang pagpapasakop sa tatanggap ng bayad; binayaran ang malaking mga kabuuan, salaping proteksyon sa katotohanan, ng kalaunang mgaImperyong Romano atBisantino sa mgabarbaro upang maiwasan ang pag-atake nila sa teritoryong imperyal, na hindi kadalasang tinatawag na "tributo" dahil hindi tumatanggap angImperyo ng mas mababang pampolitikang posisyon. Ang mga kabayaranng isang superyor na pampolitikang entidad sa isang mas mababang entidad, na ginagawa para sa iba't ibang layunin ay sinasalarawan sa mga katawagan kabilang ang "subsidiya."
Isang halimbawa ngimperyong tributo ang sinaunangImperyong AkemenidangPersa; ang imperyo na gumawa ng medyo kakaunting hiling sa mga hindi Persang nasasakupan maliban sa regular na pagbayad ng tributo, na maaringginto, marangyang produkto, mgahayop,sundalo o mgaalipin. Bagaman, may malubhang kahihinatnan ang kabiguan ng pagpapanatili ng mga bayad. Ipinapakita ng rilyebe saPersepolis ang mga prosesyon ng mga pigura na mayroong iba't ibang uri ng tributo.
Inaasahan lamang din ng mga medyebal na namumunongMongol ngRusya ang tributo sa mga estadong Ruso, na nagpatuloy na pinamahalaanan ang sarili. Nakatanggap ng tributo angAtenas mula sa ibang mga lungsod ng Liga ng Delos. Naningil ng tributo angAsiryo,Babilonya,Kartago atRoma mula sa kanilanglalawigan at mga nasasakupangkaharian. Nakatanggap ng tributo ang SinaunangTsina mula sa iba't ibang estado tulad ngHapon,Korea,Vietnam,Cambodia,Borneo,Indonesia,Sri Lanka,Nepal,Myanmar syGitnang Asya.[1][2] AngImperyong Aztec ay isa pang halimbawa. Naningil ng tribtuo ang republikang Romano sa anyong bayad na katumbas sa proporsyonal nabuwis ng pagmamay-ari, para sa layunin ng paglulunsad ngdigmaan.