Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Transistor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang mga gamit, tingnan angTransistor (paglilinaw).
Kopya ng unang gumaganang transistor.

Angtransistor ay isang aparatong semikonduktor na ginagamit upang palakasin o paglipat-lipatin ang mga kuryente at signal nito. Ang transistor ay isa sa mga pangunahing bumubuo ng modernongelectronics. Ito ay binubuo ng materyal na semikonduktor at kadalasan na may hindi bababa sa tatlong saksakan na maaaring ikabit sa isangelectronic circuit. Ang isang pares ng saksakan ng transistor ay nilalagyan ng boltahe o daloy ng kuryente upang makontrol ang daloy nito sa pamamagitan ng iba pang pares na saksakan. Dahil ang kontroladong kuryente (output) ay maaring mas mataas kaysa sa kumokontrol na kuryente (input), angtransistor ay maaaring magpalakas ng isang signal. Ang ilang mga transistor ay nakabalot nang paisa-isa ngunit karamihan sa mga ito ay makikita na kabilang sa mgaintegrated circuits.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Angtransistor ay isan napakahalagang pundasyon ng mga makabagong aparato, at ito ay matatagpuan din sa lahat ng aparato. Matapos ito mabuo noong 1947 ni John Bardeen na isang Amerikanong pisisista, Walter Brattain, at ni William Shockley, lubusang nabago ngtransistor ang larangan ng usapaing pangelektrisidad, at gumawa ng daan para sa mga mas maliliit at sa mga mas mura na radyo, kalkulator, kompyuter, atbp. AngAng transistor ay nasa listahan ng mahahalagang nadiskubre saelectronics ng IEEE, at ang mga nakaimbento nito ay nagawaran rin ng Nobel Prize sa Pisika.

Paglalarawan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Gawa ang isang transistor sa isang solidong piraso ng isang materyal na semikonduktor, katulad halimbawa ng mga piraso ngsilikon o ibang sustansiya[1], kasama ang hindi bababa sa tatlong pantapos (terminal) para sa koneksiyon sa isang panlabas na sirkwito. Binabago ngboltahe o nilapat na daloy sa isang pares na pantapos ng transistor ang daloy na umaagos ng tuloy-tuloy sa isa pang pares ng mga pantapos. Dahil maaaring mas malaki ang pinipigilang (palabas) lakas ngelektrisidad kaysa ang pumipigil (papasok) na lakas, nagbibigay ang transistor ng pagpapalakas ng hudyat. Pangunahing bahagi ang transistor ng mga makabagongelektronikong kagamitan, at ginagamit saradyo,telepono,kompyuter at ibang elektronikong mga sistema. May mga transistor na nakabalot ng hiwalay ngunit matatagpuan ang karamihan sa kanila sa mgapinagsamang sirkito (mgaintegrated circuit). Binubuo ang mga transistor ng isahang mga komponente o bahagi na naglalaman naman ng ilang magkakaugnay pang mga transistor na bumubuo sa isang sirkit. Maaaring pagdugtung-dugtungin ang mga transistor upang makagawa ng maliit ngunit masalimuot o kumplikadong mga sirkito elektriko o sirkwitong pangkuryente na nakapanghahawak ng mga hudyat na katulad ng sa mga radyo at telebisyon. Halimbawa ng mga uri ngintegradong sirkit ang mgamikrotsip (o mgamicrochip) na naglalaman ng maraming libu-libong mga transistor.[1]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 12Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Invented the Transistor?".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767., pahina 55.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Transistor&oldid=1988278"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp