Tungkol sa pang-araw-araw na kabuhayan ang artikulo na ito. Para sa ibang kagamitan, tingnan angpaggawa (paglilinaw).
Isang uri ng paghahanapbuhay.Isang panday na nagtratrabaho
Anghanapbuhay,hanap-buhay,pinagkakakitaan,paggawa otrabaho (Kastila:trabajo,Ingles:work,job,employment,labor,labour,occupation) ay anggawain,gampanin, otungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit nasalapi,gana, osuweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilangmanggagawa,empleyado, otrabahador.
Isang intensyunal na aktibidad na ginagampanan ng tao ang trabaho upang suportahan ang mga pangangailangan at kagustuhan nila, ng iba, o isang mas malawak napamayanan.[1] Sa konteksto ngekonomika, maaring makita ang trabaho bilang isang aktibidad ng tao na nag-aambag (kasama ang mga kadahilanan ng produksyon) tungo sa mga kalakal at serbisyo sa loob ng isangekonomiya.[2]
Pangunahing nagtratrabaho ang mga tao sa araw.[3] Prominenteng paksa naman ang paghahati ng trabaho sa mgaagham panlipunan bilang parehong konseptong basal at isang katangian ng indibiduwal nakalinangan.[4]
May ilang tao ang pinpuna ang trabaho at inihahayag na buwagin ito. Halimbawa, ang aklat ni Paul Lafargue naThe Right to Be Lazy.[5]
Batay sa tulang ito ni Van Dyke, bawat tao ay mayroong gawaing dapat gawin na hindi pag-aari ng iba. At kailangang igalang ang sariling hanapbuhay, at bigyan ito ng pinakamataas na antas ng kahusayan o kagalingan.[6]
Ang batas paggawa ay ang mga batas o alituntuning namamagitan sa ugnayan sa isa't isa ng mga manggagawa (empleyado), maypagawa (employer),unyon ng mga manggagawa, at pamahalaan.
↑Johnson, Paul M (2005)."Division of labor".A Glossary of Political Economy Terms (sa wikang Ingles). Auburn University, Dept. of Political Science. Nakuha noong19 Hulyo 2020.