AngToyota Motor Corporation(Hapones:トヨタ自動車株式会社,Hepburn:Toyota Jidōsha KK,IPA:[toꜜjota],Ingles/tɔɪˈoʊtə/) ay isang multinasyunal na kompanyangHapon na gumagawa ng mgakotse at nakahimpil saToyota, Aichi, Hapon. Noong 2017, binubuo ang istruktura ng Toyota ng 364,445 trabahador sa buong mundo[1] at, noong Disyembre 2019, naging ang ika-sampung pinakamalaking kompanya sa mundo ayon sa kita. Ang Toyota ay ang ikalawang pinakamalaking gumagawa ng awto sa buong mundo, na sumunod sa Volkswagen, batay sa benta ng yunit noong 2018.[2] Ang Toyota ang unang tagagawa ng awto sa mundo na nakagawa ng higit sa 10 milyong sasakyan bawat taon, na ginagawa nila simula pa noong 2012, nang naiulat ang ika-200 milyong sasakyan.[3] Noong Hulyo 2017, ang Toyota ang pinakamalaking nakalistang kompanya sa Hapon ayon sa kapitalisasyon sa merkado (may halagang higit sa doble ng ikalawang nakaranggo na SoftBank)[4] at ayon sa kita.[5][6]
↑時価総額上位:株式ランキング[Market capitalization: Top stock rankings] (sa Hapones). Hapon: Yahoo.Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2014. Nakuha noongHulyo 21, 2014.
↑売上高:株式ランキング[Sales: stock rankings] (sa Hapones). Hapon: Yahoo.Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2014. Nakuha noongHulyo 21, 2014.