Angtiroideo oteroydeo (Ingles:thyroid) ay isa sa pinakamalakingglandula sasistemang endokrina na binubuo ng dalawang magkaugnay na lobo. Ang tiroideo ay matatagpuan sa ibaba ngthyroid cartilage na matatagpuan naman sa gitnang bahagi ng leeg. Ang thyroid cartilage ay ang bumubuo sa laryngeal prominence o “Adams apple." Ang tiroideo ang siyang responsable sa bilis ng metabolismo sa katawan o paggamit ng enerhiya. Kontrolado rin ng tiroideo ang paggawa ngprotina at ang sensitibidad ng katawan sa ibang ibang hormones. Naglalabas ito ng ibat ibang hormones na tinatawag na T0, T1, T2, T3 (triiodothyronine) at T4 (thyroxine o tetraiodothyronine). Ang mga hormones na ito ang siyang gabay ng katawan sa pagpapanatili ng regular na paglaki o kawastuhan ng ibat ibang sistema sakatawan. Ang T3 at T4 ay nasini-synthesize mula sa iodine at tyrosine. Ang tiroideo din ang siyang nagpapanatili ng tamangcalcium homeostatis sa katawan sa pamamagitan ng paglikha ngcalcitonin.
Ayon sa popular o konbensyonal na medisina ang Thyroid-Stimulating Hormone (TSH) ang syang pamantayan ng pagsukat ng tiroideo hormonal output. Gayumpaman, mayroon namang alternatibong manggamot naman ang naniniwalang ang TSH ay hindi sapat na batayan o sukat ng thyroid hormonal output. Ang thyrotropin-releasing hormone (TRH) na isang hormone na nilalabas ng hypothalamus ay ang syang re-regulate ng TSH.
Ang tiroideo ay hugisparu-paro at binubuo ng dalawang tila apang pakpak o lobo. Ang mga lobong ito ay tinatawag nalobus dexter (kanang lobo) olobus sinister (kaliwang lobo). Ang isthmus ang siyang nagdudugtong sa dalawang lobo. Ang bawa sa ay may tinatayang sukat na 5 sentimetrong haba, 3 sentimong lapad at 2 sentimetrong kapal. Matatagpuan ang tiroideo sa harapang bahagi ng leeg na nakapalibot sa larynx o trachea. Konektado pababa ng tiroideo ay ang esophagus at ang carotid sheat. Sa posisyong anatomikal ang tiroideo ay matatagpuang nakahilig sa ibabaw ng thyroid cartilage (sa ibaba ng laryngeal prominence o Adams Apple). Ang tila papayapos na pisikal na lokasyon ng tiroideo ay umaabot mula sa ika lima o anim na tracheal ring. Mayroong kahirapan markahan ang itaas at ang ibabang pisikal na hangganan ng tiroideo dahil maging ang paggalaw ng leeg o paglunok ay sapat na baguhin ang lokasyon ng tiroideo. Maypagkakataon na mayroong ikatlong lobo (pyramidal lobe).