Tungkol sa kasalukuyang bansa ang artikulo na ito. Para dating lalawigan ng Indonesia, tingnan angSilangang Timor (Lalawigan). Para lathalaing ukol kay Tamerlane, tingnan angTimur.
Demokratikong Republika ng Silangang Timor
Repúblika Demokrátika Timór-Leste República Democrática de Timor Leste
AngDemokratikong Republika ng Timor-Leste, oSilangang Timor, ay isang bansa saTimog-Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ngpulo ngTimor, ng mga kalapit na pulo ngAtauro atJaco, atOecusso, isangengklabo ng kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng pulo, pinaliligiran ngKanlurang Timor.
Sakop noong ika-16 dantaon ngPortugal ang Silangang Timor, at tinawag bilang Portuges na Timor hanggang sa matapos ang pananakop nito. Noong ikahuling bahagi ng 1975, inihayag ng Silangang Timor ang kanilang kalayaan, subalit sinakop ng karatig bansangIndonesia at inihayag bilang kanilang ika-27 lalawigan nang sumunod na taon. Ang Silangang Timor ay humiwalay noong 1999 at nakamit nito ang ganap na kalayaan noong 20 Mayo 2002. Nang sumali ang Silangang Timor saMga Nagkakaisang Bansa noong 2002, napagpasyahan nilang gamiting opisyal ang pangalan nito saPortuges naTimor-Leste, at hindi ang pangalan nito saIngles na “East Timor”. Ito ay isa sa dalawang bansa sa buong Asya ang Silangang Timor na may nakakahihigit na bilang ngKatoliko, sunod saPilipinas.