Ang Timog Hating-globo na pinagliwanag sa pamamagitan ng dilaw na kulay (hindi ipinapakita ang Antarktika).Ang Timog Hating-globo na tinatanaw magmula sa habang nasa ibabaw ngPangtimog na Polo.
AngTimog Hating-globo,[1][2][3]Timog Emisperyo oTimog Hating-Daigdig ay ang bahagi ngDaigdig na nasa timog ngekwador. Ito rin ang kalahati ngesperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal. Ang Timog Hating-globo ang naglalaman ng lahat o mga kabahagi ng apat na mgakontinente[4] (Antarktika, Australia, karamihan sa mga bahagi ngTimog Amerika at katimugang hati ngAprika), apat na mgakaragatan (Timog Atlantiko,Indiyano,Timog Pasipiko, atPangtimog na Karagatan) at ang karamihang bahagi ngOseaniya. Ilang mga pulo na mula sa pangkontinenteng punong lupain ngAsya ay nakapaloob din sa Timog Hating-globo. Dahil sa pagkiling ng rotasyon o pag-inog ng Daigdig na kaugnay saAraw at sa tapyas na ekliptiko, angtag-araw ay magmula sa Disyembre hanggang sa Marso at angtaglamig ay magmula Hunyo hanggang Setyembre. Ang Setyembre 22 o 23 ay angekwinoks (panahon kapag ang araw at gabi ay magsinghaba) napangtagsibol (bernal) at ang Marso 20 o 21 ay ang ekwinoks napangtaglagas.
Poster na may alamat na "Ushuaia, katapusan ng mundo". Ang Ushuaia sa Arhentina ay ang pinakadulong lungsod sa buong mundo.
Ang ibabaw nito ay 80.9% tubig, kumpara sa 60.7% tubig saHilagang Hating-globo, at naglalaman ng 32.7% ng lupain ng Daigdig.[5] Higit sa 850 milyong katao ang nakatira sa Timog Hating-globo na kinakatawan ang mga 10–12% ng kabuuang populasyon ng tao sa mundo.[6][7] Sa 850 milyong tao na ito, higit sa 203 milyon ang nakatira saBrasil, ang pinakamalaking bansa ayon sa lawak ng lupa sa Katimugang Hating-globo, habang higit sa 150 milyon ang naninirahan saJava, ang pinakamataong pulo sa mundo.Indonesia ang pinakamataong bansa sa Timog Hating-globo, na may 275 million tao.Portuges ang pinakasasalitang wika sa Timog Hating-globo, na may higit sa 230 milyong nagsasalita sa anim na bansa – karamihan sa Brasil, subalit sinasalita din saAngola,Mozambique,Silangang Timor, at maliit na bahagi ngGineang Ekwatoriyal atSão Tomé at Príncipe na nasa timog ngEkwadorr.[8]