AngTime oTIME (daglat ngThe International Magazine of Events) ay isang pambalitaangmagasin saEstados Unidos na inilalathala nang lingguhan saLungsod ng New York. Itinatag noong 1923 at ilang dekadang pinamahalaan niHenry Luce na nakapagtatag ng maraming pang matagumpay na magasin. Ang edisyon nito sa Europa naTime Europe, dating tinawag naTime Atlantic ay nilalathala saLondon at sumasaklaw rin saGitnang Silangan,Aprika at hanggang 2003 patiAmerikang Latin. Ang edisyon naman ng Time saAsya naTime Asia ay nakahimpilHong Kong. Ang edisyon nito saTimog Pasipiko na saklaw angAustralia,New Zealand, at mga kapuluan sa Pasipiko, ay nakabase saSydney, Australia. Noong Disyembre 2008, ihininto ngTime ang paglathala ng edisyon nitong pang-Canada.[2]
AngTime ay ang lingguhang pambalitaang magasin na may pinakamalawak na sirkulasyon sa buong mundo at may mambabasang aabot ng 25 milyon, kung saan 20 milyon dito ay nasa Estados Unidos.[kailangan ng sanggunian]
SiRichard Stengel ay ang namamahalang patnugot ng magasin mula Mayo 2006 hanggang Oktubre 2013, bago siya pumasok saU.S. State Department.[3][4] Humalili naman siNancy Gibbs kay Stengel bilang namamahalang patnugot noong Oktubre 2013.[4]