AngTian Shan,[1] na nangangahulugang "Bundok ng Langit" ("Mountain of Heaven" o "Heavenly Mountain"), ay isang malaking sistema ng mga hanay ng bundok na matatagpuan saGitnang Asya. Ang pinakamataas na rurok sa Tian Shan ayJengish Chokusu, 7,439 metro (o 24,406 piye).
Ang pangalang Intsik para sa Tian Shan ay maaaring nakuha mula sa salitangXiongnu na "Qilian" (Tsinong pinapayak:祁连;Tsinong tradisyonal:祁連;pinyin:Qí lián) – ayon sa komentarista ngTang na si Yan Shigu, angQilian ay ang salitang Xiongnu para sa "kalangitan" o "langit".[2] Binanggit niSima Qian sa kanyangRecords of the Grand Historian angQilian kaugnay sa lupang tinubuan ngYuezhi, at ang katawagan ay pinaniniwalaang tumutukoy sa Tian Shan sa halip ngBulubunduking Qilian na 1,500 kilometro (930 mi) sa karagdagang silangan na kilala ngayon sa pangalang ito.[3][4] AngBulubunduking Tannu-Ola saTuva ay may parehong kahulugan sa pangalan nito ("langit / celestial bundok" o "diyos / espiritu bundok"). Sagrado ang Tian Shan saTengrismo, at ang pangalawang pinakamataas na rurok ay kilala bilangKhan Tengri na maaaring isalin bilang "Panginoon ng mga Espiritu".[5]