SiTeseo, kilala rin bilangTheseus/ˈθiːsiːəs/ (Griyego:ΘησεύςGriyego: [tʰɛːsěu̯s]) ay ang mitikal[1] na tagapagtatag at hari ngAtenas (Athens), anak na lalaki niAethra, at ang mga ama ay sinaAegeus atPoseidon, na kapwa sinipingan ni Aethra sa loob ng isang gabi. Si Teseo ay isang tagapagtatag-hari, katulad ninaPerseus,Cadmus, oHeracles, na mga lumaban at gumapi sa mga katunggali na nakilalang may arkaikong panrelihiyon at panlipunang kaayusan.[2] Kung si Heracles (o Hercules) ay ang bayani ng mgaDoriano, si Teseo ang tagapagtatag na bayani ng Atenas, na itinuturing ng mga ito bilang kanilang dakilang tagapagbago: nagmula ang pangalan niya mula sa katulad na ugat naθεσμός ("thesmos"), Griyego para sainstitusyon opanimulaan. Siya ang may pananagutan sasynoikismos ("naninirahang magkakasama") — ang pampolitika na pagkakaisa ngAttica sa ilalim ng Atenas, na masagisag na kinatawan sa kanyang paglalakbay ng mga gawa o pagsubok, kung kailan nilupig niya ang mga ogre at mga halimaw. Dahil siya ang hari ng pagkakaisa, itinayo at pinamahayan ni Teseo ang isang palasyo sa ibabaw ng kutang tanggulan ngAcropolis na maaaring kahalintulad ng palasyong nahukay doon saMycenae. Iniulat niPausanias na pagkaraan ngsynoikismos, inilunsad ni Teseo ang isang kulto niAphrodite Pandemos ("Aphrodite ng lahat ng mga Tao") atPeitho doon sa katimugang libis ng Acropolis.
SaAng Mga Palaka, binanggit si Teseo bilang umimbento ng maraming pang-araw-araw na mga tradisyon ng mga taga-Atenas. Kung ang teoriya ng isanghegemonyangMinoe[3] ay tama, maaari siyang ibinatay sa liberasyon ng Atenas mula ganitong kaayusang pampolitika sa halip na sa isang tao na pangkasaysayan.
Angvita niPlutarch hinggil kay Teseo ay gumagamit ng iba't ibang mga paglalahad ng kamatayan ngMinotauro, pagtakas ni Teseo at ng pag-ibig niAriadne para kay Teseo, upang makabuo ng isang literalistikong talambuhay, isangvita.[4] Ang mga pinagkunan ni Plutarch, na hindi lahat ng mga teksto nito ay napanatili o nakaligtas mula sa pinsala, ay kinabibilangan ngPherecydes (kalagitnaan ng ika-6 na daantaon BK), Demon (ca 300 BK),Philochorus atCleidemus (kapwa ika-4 na daantaon BK).[5]
↑Para sa sinaunang Iskotland, kumbinsidong talagang namuhay si Teseo, hindi siya mitiko, sa halip ay maalamat.
↑Tingnan ang Carl A.P. Ruck at Danny Staples,The World of Classical Myth (Carolina Academic Press, 1994), ch. ix "Theseus:Making the New Athens" pp 203–22:"This was a major cultural transition, like the making of the new Olympia by Hercules" (p. 204).
↑Ang pangingibabaw ng kulturang Minoe ay malinaw na nakikita sa kasaysayan ng seramik ng Attica, subalit ang pangingibabaw na pampolitika mula sa Creta ay hindi nangangailangang sumusunod.
↑"Mangyaring magtagumpay ako sa pagdalisay kay Pabula, na magawa siyang sumunod sa katwiran at maging kahawig ni Kasaysayan. Subalit kung saan siya hindi masuway na nanghahamak upang magawa niya ang kanyang sarili bilang kapani-paniwala, at tumatangging tanggipin ang anumang elemento ng probabilidad, mananalangin ako para sa mapitagang mga mambabasa, at bilang ganyan na tanggapin na may pagpapalayaw ang mga kuwento ng antikwidad." (Plutarch,Buhay ni Teseo). Ang ipinagtapat na layunin ni Plutarch ay upang makabuo ng isangbuhay na kaagapay (parallel lives) ngvita niRomulus na kumakatawan samito ng pagtatatag ng Roma.
↑Edmund P. Cueva, "Plutarch's Ariadne in Chariton's Chaereas and Callirhoe"American Journal of Philology117.3 (Fall 1996) pp. 473–484.