AngTheropoda (theropod/ˈθɛrəpɒd/; pangalang suborder naTheropoda/θɪˈrɒpɵdə/ mula sa Griyegong nangangahulugang "mga paa ng hayop") ay parehong isang suborder of mgabipedal nasaurichian na mgadinosauro at isang klado(clade) ng suborder na ito at ang mga inapo(descendants) nito kabilang ang mga modernongibon. Ang mga dinosauro na kabilang sa suborder naTheropoda ay pangunahing mgakarniborosa bagaman ang ilang bilang ng mga pangkat theropoda ay nag-ebolb sa pagigingherbiborosa,omniboriya atinsektiboriya. Ang mga theropod ay unang lumitaw noong panahongKarniyano(Carnian) sa hulingTriassic mula251.902 milyong taon ang nakalilipas hanggang251.902 milyong taon ang nakalilipas at kinabibilangan ng nag-iisang malaking mga karniborang pang-lupain mula sa SimulangHurassiko hanggang sa hindi bababa sa malapit saCretaceous mga145 milyong taon ang nakalilipas hanggang145 milyong taon ang nakalilipas. Sa panahongHurassiko, ang mgaibon ay nag-ebolb mula sa isang espesyalisadong mga theropod nacoelurosaria at ngayon ay kinakatawan ng mga 9,900 mga espesyeng nabubuhay. Kasama sa mga katangiang nag-uugnay sa mga dinosaurong theropod sa mgaibon ang tatlong may daliring paa, isangpurkula(furcula), mga butong napuno ng hangin,paglilimlin(brooding) ng mga itlog at sa ilang mga kaso ay mga balahibo(feathers).
Sa huli nangTriassic, ang isang bilang ng mga primitibong proto-theropod at mga dinosaurong theropod ay umiral at nag-ebolb ng magkakatabi sa bawat isa. Ang pinakauna at pinakaprimitibo sa mga dinosaurong theropod ang mga karniborosangEodromaeus at ang mgaherrerasaurid ngArgentina (gayundin, posibleng ang omniborosangEoraptor). Ang mga herrerasauro ay umiral noong maagang huling Triassic(Huliang Karniyano hanggang sa simulangNoriyano). Ang mga ito ay natagpuan sa Hilagang Amerika at Timog Amwrika at posibleng sa India at Katimugang Aprika. Ang mga herrerasauro ay inilarawan ng isangmosaiko ng primitibo at mga mas sulong(advanced) na mga katangian. Sa nakaraan ay isinaalang alang ng mga paleontologo ang mga herrerasauriano na mga kasapi ng Theropod samantalang ang iba aytineorisa ang pangkat na ito na mgabasal saurischian at maaaring nag-ebolb bago ang paghihiwalay na saurischian-ornithischian. Anganalisis na kladistiko kasunod ng pagkakatuklas ngTawa na isang dinosaurong Triassic ay nagmumungkahing ang mga herrerasauro ay malamang mga sinaunang theropod.[1]
Ang pinakauna at pinakaprimitibong mga hindi malabong mga theropod(o alternatibong "Eutheropoda" – 'Mga tunay na theropod') ang mgaCoelophysoidea. Ang Coelophysoidea ay isang pangkat ng malawak na ipinamahagi, magaang(light) na binuo at potensiyal na mga mapakisalamuhang mga hayop. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga maliliit na mga mangangasong tulad ngCoelophysis at posibleng ang mas malaking mga maninila(predators) tulad ngDilophosaurus. Ang mga matagumpay na hayop na ito ay nagpatuloy mula Huling Karniyano(simulang Huling Triassic) hanggang saToarkiyano(toarcian) na huling simulang Hurassiko. Bagaman sa sinaunang klaspikasyong kladistiko, ang mga ito ay isinama sa ilalim ngCeratosauria at itinuring na isang gilid na sangay ng mas sulong na mga theropod,[2] ang mga ito ay maaaring ninuno ng lahat ng ibang mga theropod na gumagawa sa mga ito na isang pangkat naparaphyletiko.[3][4]
Ang medyo mas sulong na mgaceratosauria (kabilang ang mgaCeratosaurus atCarnotaurus) ay lumitaw sa simulangHurassiko at nagpatuloy hanggang sa Huling Hurassiko saLaurasia. Ang mga ito ay nakipagtunggaling katabi ng mas anatomikong sulong na mga kamag-anak na tetanuran at sa anyo ng lipingabelisauro ay tumagal sa huli ngcretaceous saGondwana. AngTetanurae ay mas espesyalisado kesa sa mga ceratosaur. Ang mga ito ay hinahati sa basal naMegalosauroidea (alternatibongSpinosauroidea) at mas hinangongAvetheropoda. AngMegalosauridae ay pangunahing mga maninila ng Gitnang Hurassiko hanggang sa simulang Cretaceous at ang mga labi ng mga kamag-anak nitongspinosaurid ay karamihang mula sa Simula hanggang Gitnang mga batong Cretaceous. Ang Avetheropoda gaya ng pinapahawitag ng mga pangalan nito ay mas malapit na nauugnay sa mga ibon at muling hinati sa mgaAllosauroidea (ang dibersongcarcharodontosaurs) atCoelurosauria (ang isang napaka laki at dibersong pangkat kabilang ang mgaibon). Kaya sa huli ng Hurassiko, may apat na natatanging mga lipi ng mga theropod: mga ceratosaur, megalosaur, allosaur at coelurosaur na naninila sa kasaganaan ng maliliit at malalaking mga dinosaurong herbiborosa(kumakain ng halaman). Ang lahat ng apat na pangkat na ito ay nagpatuloy hanggang sa Cretaceous at tatlo sa mga ito na mga ceratosaur, coelurosaur, at allosaur ay nagpatuloy sa huli ng panahong ito kung saan ang mga ito ay heograpikong hiwalay: ang mga ceratosauro at allosauro saGondwana at ang mga coelurosaur saLaurasia. Sa lahat ng mga pangkat na theropod, ang mga coelurosaur ang mga pinaka diberso. Ang ilang mga pangkat coelurosaur na yumabong sa panahong Creteceous ang mgatyrannosaurid (kabilang angTyrannosaurus), mgadromaeosaurid (kabilang angVelociraptor atDeinonychus na kahanga-hangang katulad sa anyo ng pinakamatandang alam naibongArchaeopteryx[5][6]), ang tulad ng ibong mgatroodontid atoviraptorosaur, ang mgaornithomimosaur (o mga dinosaurong ostrich), ang kakaibang higanteng kukong heriborosang mgatherizinosaur, at ang mgaavialan na kinabibilangan ng mga modernongibon at ang tanging lipi ng dinosauro na nagpatuloy sapangyayaring ekstinksiyong Cretaceous-Paleogene.[7] Bagaman ang mga ugat ng mga iba't ibang pangkat na ito ay natagpuan sa GitnangHurassiko, ang mga ito ay naging masagana lamang sa Simulang Cretaceous. Ang ilang mga paleontologo gaya niGregory S. Paul ay nagmungkahing ang ilan o lahat ng mga sulong na theropod na ito ay aktuwal na nagmula sa mga lumilipad na dinosauro o mga proto-ibong tulad ngArchaeopteryx na nawalan ng kakayahang makalipad at bumalik sa habitat na pang-lupain.[8]
↑Nesbitt, S. J.; Smith, N. D.; Irmis, R. B.; Turner, A. H.; Downs, A.; Norell, M. A. (2009). "A complete skeleton of a Late Triassic saurischian and the early evolution of dinosaurs".Science.326 (5959): 1530–1533.doi:10.1126/science.1180350.PMID20007898.{{cite journal}}:Unknown parameter|lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong).
↑Rowe, T., and Gauthier, J., (1990). "Ceratosauria." Pp. 151–168 in Weishampel, D. B., Dodson, P., and Osmólska, H. (eds.),The Dinosauria, University of California Press, Berkeley, Los Angeles, Oxford.
↑Carrano, M. T.; Sampson, S. D.; Forster, C. A. (2002). "The osteology ofMasiakasaurus knopfleri, a small abelisauroid (Dinosauria: Theropoda) from the Late Cretaceous of Madagascar".Journal of Vertebrate Paleontology.22 (3): 510–534.doi:10.1671/0272-4634(2002)022[0510:TOOMKA]2.0.CO;2.
↑Ostrom, J.H. (1969). "Osteology ofDeinonychus antirrhopus, an unusual theropod from the Lower Cretaceous of Montana".Peabody Museum Natural History Bulletin.30: 1–165.
↑Paul, G.S. (1988).Predatory Dinosaurs of the World. New York: Simon and Schuster Co. (ISBN 0-671-61946-2)
↑Dingus, L. and Rowe, T. (1998).The Mistaken Extinction: Dinosaur Evolution and the Origin of Birds. Freeman.
↑Paul, G.S. (2002).Dinosaurs of the Air: The Evolution and Loss of Flight in Dinosaurs and Birds. Baltimore: Johns Hopkins University Press. 472 pp. (ISBN 0-8018-6763-0)