AngTaylandiya,[6] opisyal naKaharian ng Taylandiya, ay bansang matatagpuan saTimog-Silangang Asya na nasaTangway ng Indotsina. Napapalibutan ito ngLaos atKambodya sa silangan,Tangway ng Malaya atMalaysia sa timog, atDagat Andaman atMyanmar sa kanluran. Nakilala ang Taylandiya bilangSiam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitangThai (ไทย) sawikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikongThai na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryangTsino, na patuloy na tawagin ang bansa bilangSiam.[7]
Kilala ng mga tagalabas ang Taylandiya bago ang taong 1939 bilangSiam. Ayon kay George Cœdès, ang salitangThai (ไทย) ay nangangahulugang 'malayang tao' sa wikang Tailandes.[8] Ayon naman kay Chit Phumisak, ang ibig sabihin ngThai (ไท) ay 'mga tao' o 'tao'; nagpapakita ang kanyang pagsisiyasat na ang ilang mga rural na lugar ay gumamit ng salitang "Thai" sa halip na ang karaniwang Thai na salitangkhon (คน) para sa mga tao.[9] Ayon kay Michel Ferlus, ang mgaetnonym naThai-Tai (oThay-Tay) ay maaaring nagmula saetymon na *k(ə)ri: 'tao'.[10]
Kadalasang tinutukoy ng mga Taylandes ang kanilang bansa gamit ang anyong magalang naprathet Thai (Thai: ประเทศไทย). Angprathet Thai ay ginamit sa Pambansang Awit ng mga Thai (Thai: เพลงชาติ), na isinulat ni Luang Saranupraphan noong dekada 1930s. Ang unang linya ng pambansang awit ay:prathet thai ruam lueat nuea chat chuea thai (Tailandes: ประเทศไทยรวมเลือดเนื้อชาติเรวมเลือดเนื้อชาติเชื้ 'ทย) o itinatag ang Taylandiya sa dugo at laman'.[11] Ginagamit din nila ang mas kolokyal na terminongmueang Thai (Thai: เมืองไทย) o simplengThai; ang salitangmueang, na dating tumutukoy sa isang lungsod-estado, ay karaniwang ginagamit upang tukuyin ang isang lungsod o bayan bilang sentro ng isang rehiyon. AngRatcha Anachak Thai (Thai: ราชอาณาจักรไทย) ay nangangahulugang 'kaharian ng Taylandiya' o 'kaharian ng Thai'. Sa etimolohiya, ang mga bahagi nito ay:ratcha (Sanskrito: राजन्,rājan, 'hari, royal, realm'),ana- (Paliāṇā'awtoridad, utos, kapangyarihan', mula mismo sa Sanskritआज्ञा, ājñā, ng parehong kahulugan), at -chak (mula sa Sanskritचक्र cakra- 'wheel', isang simbolo ng kapangyarihan at pamumuno).
Maaaring nagmula ang dating pangalan ng Taylandiya naSiam sa Sanskritong salita na श्याम (śyāma, 'dark') oMon ရာမည (rhmañña, 'stranger') na may kaparehong pinagmulan saShan atAssam. Hindi posibleng ang salitangŚyâma ang tunay na pinagmulan, ngunit isang paunang dinisenyong paglihis mula sa wasto at orihinal na kahulugan nito.[12][13] Ang isa pang teorya tungkol sa pinagmulan ngSiam ay ang pangalan ay nagmula sa mga Tsino na tinatawag ang rehiyon ng Taylandiya na 'Xian'.[14]
Ginamit ng mga sinaunang Khmer ang salitang Siam upang tukuyin ang mga taong nanirahan sa kanlurang lambak ngIlog Chao Phraya na nakapalibot sa sinaunang lungsod ngNakhon Pathom sa kasalukuyang gitnang Taylandiya; maaaring nagmula ito sa pangalan ng diyos na siKrishna, na tinatawag dingShyam, tulad ng sa Wat Sri Chum Inscription noong ika-13 siglo CE, binanggit ang Phra Maha Thera Sri Sattha na dumating upang ibalik ang Phra Pathommachedi sa lungsod ng diyos na si Krishna (Nakhon Pathom) sa unang bahagi ng panahon ng Kahariang Sukhothai.
Ipinakikita ng ebidensiya na ang patuloy na paninirahan ng mga tao sa kasalukuyang Taylandiya ay nagsimula humigit-kumulang 20,000 taon ang nakakalipas.[15] Ang pinakaunang mga indikasyon ng pagtatanim ng palay ay natunton noong 2000 BCE. Kinumpirma ng arkeolohikong pananaliksik na ang mga rehiyon na ngayon ay kilala bilang Taylandiya ay mahalaga sa Maritime Jade Road, isang kabalagan ng kalakalan na umunlad sa loob ng tatlong milenyo, mula 2000 BCE hanggang 1000 CE.[16][17]
Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensiyahan ngTsina at ngIndia. Subalit, marami ring mga kakaibang kulturang umusbong sa Taylandiya simula noong nagsimula ang kultura ngBaan Chiang.
Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang KahariangBudhista ngSukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ngEmperyong Khmer noong ika-13 hanggang ika-15 siglo.
Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ngSukothai ay natabunan ng mas malaking kaharian ng mgaAyutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop angAngkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliangHindu ay dinala saAyutthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.
Pagkatapos ng pagbagsak ngAyutthaya noong 1767, AngThonburi ay naging kabisera ng Taylandiya sa sandaling panahon sa ilalim niDakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ngkudeta noong 1782.
Ang kapangyarihangEuropeo ay nagsimulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mgaEuropeo, ang Taylandiya ay nag-iisang bansa na hindi nasakop saTimog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Taylandiya ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensiyon sa pagitan ngPranses at mgaBriton.
Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagongmonarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Taylandiya ay kakampi ngHapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ngEstados Unidos. Ang Taylandiya ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod-sunod nakudeta, ngunit natuloy rin ito sademokrasya noong 1980.
Noong 1997, ang Taylandiya ay tinamaan ngkrisis pinansiyal ngAsya kaya ang baht ay nagkahalaga ng 56baht bawat isangdolyar EU kumpara sa 25 na Baht ng Taylandiya noong bago pa tumama sa bansa angkrisis.
Ang pinuno ng pamahalaan ay angPunong ministro, na pinipili nghari mula sa mga kasapi ng mababang kapulay kaunting direktang kapangyarihan ayon sakonstitusyon; subalit, bilang haungan ngparliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayorya, politika, at pamahalaan.
Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng popular na halalan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).
Ika-50 pinakamalaking bansa sa buong mundo ang Taylandiya na may kabuuang sukat na 513,000 km² (198,000 mi²). Maaaring ihambing ito sa laki ngEspanya, at may kalakihan lang ng unti sa estado ngCalifornia ngEstados Unidos. Bahagyang mas-maliit din ito sa sukat ngYemen.
Ang Taylandiya ay kinapapalooban ng mga katangi-tanging rehiyong heograpikal, na tumutukoy sa mga pangkat panglalawigan. Ang mga lupain sa hilaga ay mabundok, na may pinakamataas na tuktok saDoi Inthanon na may taas na 2,576 metro (8,451 talampakan). Ang hilagang silangan ay binubuo ng Talampas ng Khorat, na naghahanggan sa silangan ngIlog Mekong. Ang gitnang bahagi ng bansa ay binubuo halos ng kapatagang lupa. Ang timog ay binubuo ng makitid naKra Isthmus na lumalaki habang patungongTangway ng Malay.
Ang Taylandiya ay nahahati sa 76 mgalalawigan (จังหวัด, changwat) na pinagsama-sama sa limang pangkat ayon sa lokasyon. Mayroong 2 espesyal na pinamamahalaangdistrito: ang kabiserang lungsod naBangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) atPattaya. Ang Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng Chon Buri. Ang ibang mamamayang Thai ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang lalawigan, kaya naging 76 na lalawigan ang bansa ng Taylandiya.
Nahahati ang bawat lalawigan sa maliliit na mgadistrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito (อำเภอ, amphoe), 81 mas maliliit na distrito (กิ่งอำเภอ, king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (เขต, khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din naKalakhang Bangkok (ปริมณฑล, pari monthon). Ang mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, Samut Prakan, Naon Pathom, Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (เมือง, mueang) ay katulad din ng sa lalawigan nito. halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang Mai) ayMueang Chiang Mai. Ang 76 na lalawigan ay ang sumusunod:
Isang napipindot na mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng mga lalawigan nito
A clickable map of Thailand exhibiting its provinces
Karamihan sa populasyon ng Taylandiya ay mula sa iba't ibang pangkat ng mga taongTai. Ang ilan sa kanila ay ang,taga-Gitnang Thai, Ang taga-Hilagang silangang Thai o Isan oLao, Angtaga-Hilagang Thai, at ang mgataga-Katimugang Thai. Ang mgataga-Gitnang Thai ay matagal nang dominado sa politika, ekonomiya, at kultura ng bansa, kahit na binubuo lamang sila ng isang katlo ng ng populasyon ng Taylandiya at bahagya lamang ang mga tagaHilagang silangang Thai. Dahil sa sistemang pangedukasyon at sa pagpapatibay ng pambansang pagkakakilanlan, karamihan sa mga tao ay nakakapagsalita ng salita ngGitnang Thai pati na rin ang kanilang mga sariling lokal nadiyalekto.
AngWikang Thai ay ang pambansang wika ng Taylandiya, na isinusulat sa sarili nitong sistema, subalit maraming mga etniko at mga rehiyonal nadiyalekto ang ginagamit din sa mga pook na ang nakararami ay mga nagsasalita ngIsan oMon-Khmer. Kahit na itinuturo ang Ingles sa lahat ng paaralan, mababa pa rin ang kagalingan ng mga ito.
Mataas ang antas ng kamuwangan sa Taylandiya, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maayos na sistemang pampaaralan ngkindergarten, mababang paaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga mga pampubliko nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na baitang, at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 baitang.
↑"Capital City".The Government Public Relations Department (sa wikang Ingles). Nakuha noong24 Disyembre 2024.
↑Cœdès, George (1968). Walter F. Vella (pat.).The Indianized States of Southeast Asia. Trans. Susan Brown Cowing. University of Hawaii Press.ISBN978-0-8248-0368-1.
↑Pain, Frédéric (2008). "An Introduction to Thai Ethnonymy: Examples from Shan and Northern Thai".Journal of the American Oriental Society.128 (4): 641–662.JSTOR25608449.
↑Panyasuppakun, Kornrawee (8 August 2017)."Patriotism remixed".Bangkok Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong24 Disyembre 2024.
↑Eliot, Charles (1921).The Project Gutenberg EBook of Hinduism and Buddhism, An Historical Sketch, Vol. 3 (of 3) [EBook #16847]. London: Routledge & Kegan Paul Ltd. pp. Ch. xxxvii 1, citing in turn Footnote 189: The name is found onChampan inscriptions of 1050 CE and according to Gerini appears inPtolemy'sSamarade = Sâmaraṭṭha. See Gerini, Ptolemy, p. 170. But Samarade is near Bangkok and there can hardly have been Thais there in Ptolemy's time, and Footnote 190: So too in Central Asia Kustana appears to be a learned distortion of the nameKhotan, made to give it a meaning in Sanskrit.