AngTextus Receptus (Latin para sa "tinanggap na teksto") ang mga nilimbag na edisyon ng Griyegong Bagong Tipan niErasmus naNovum Instrumentum omne (1516)[1] Ang pangalang Textus Receptus ay unang nilapat sa edisyon ng Griyegong Bagong Tipan na nilimbag ng magkapatid na Elsevier noong 1633. Ito ay tumtukoy ngayon sa mga Griyegong Bagong Tipan na batay sauring-tekstong Bizantino na uri ng manuskrito ng Bagong Tipan na bumubuo sa 95 % ng mga 5,800 umiiral na manuskrito ng Bagong Tipan. Ang mga manuskritong ito ay mula sa ika-5 siglo CE hanggang ika-10 siglo CE. Ito ang batayan ng mgabibliyang nilimbag noong panahon ngProtestang Repormasyon gaya ngKJV,Luther Bible. Ang karamihan ng modernong salin ng Bagong Tipan ay batas sa kritikal na edisyon naNovum Testamentum Graece na batay sa mas maagang mga manuskrito ng Bagong Tipan gaya ngCodex Sinaiticus atCodex Vaticanus.