Texas |
|---|
|
 Texas (pula) sa Estados Unidos |
 Watawat |  Sagisag |
|
| Pinagmulan ng pangalan: friend |
Palayaw: "Lone Star State" " Nag-iisang Bitwing Estado"( Tagalog) |
| Bansag: "Friendship" "Pagkakaibigan"(Tagalog) |
| Republika ng Texas | Marso 2, 1836 - Disyembro 29, 1845 |
|---|
| Pamahalaan |
|---|
| • Gobernador | Greg Abbott (Republican Party) |
|---|
| • Gobernador-Tinyente | Dan Patrick |
|---|
| Lawak |
|---|
| • Kabuuan | 695,662 km2 (268,597 milya kuwadrado) |
|---|
| • Lupa | 676,493 km2 (261,193.9[1] milya kuwadrado) |
|---|
| • Tubig | 19,169 km2 (7,401 milya kuwadrado) |
|---|
| Taas | 500 m (1,700 tal) |
|---|
| Pinakamataas na pook | 2,667 m (8,749 tal) |
|---|
| Pinakamababang pook | 0 m (0 tal) |
|---|
| Populasyon | 30,029,572 |
|---|
| • Ranggo | ika-2 |
|---|
| • Kapal | 43.16/km2 (111.8/milya kuwadrado) |
|---|
| Demonym | Texan |
|---|
| Sona ng oras | UTC-5:00 |
|---|
| Kodigo ng ISO 3166 | TX |
|---|
| Websayt | https://www.texas.gov |
|---|
| 1.^ Itinantya lamang ang lawak kaya maaaring hindi eksaktong bilang ang kabuuang lawak nito. |
AngTeksas, pormal na tinatawag bilangEstado ng Teksas, ay isangestado ngEstados Unidos. Ang kabisera ng estado ayAustin. Ang katabi nitong mga estado ay angBagong Mehiko sa kanluran,Louisiana sa silangan,Arkansas sa hilagang-silangan,Oklahoma sa hilaga, at ilan sa mga estado ng Mehiko, ang Tamaulipas sa timog, Bagong Leon sa timog-timog-kanluran, Coahuila sa timog-kanluran, atChihuahua sa kanluran-timog-kanluran. Nakapalibot sa timog-silangan nito angGolpo ng Mehiko. Ang Texas ay nangunguna sa pinakamaraming mgakondado na binubuo ng 254 kondado, ikalawa sa pinakamalaking dami ng tao sa isang estado ng Estados Unidos, na pinangunahan ngCalifornia at ikalawa sa pinakamalawak na estado na pinangunahan naman ngAlaska.
Sinakop ng mahigit sa limang mga bansa:Pransiya,Espanya, ang Imperyong Mexico, angMga Kumpederadong Estado ng Amerika, at ang ngayo'y sakop na ng Estados Unidos bilang isang estado.[4] Noong 1685, itinatag ang Fort Saint Louis ng Pranses, na ngayon ay timog-silangang Texas.[5] Ang Espanyol ay inaangkin ang pagmamay-ari ng teritoryo ng Texas noong 1519 bilang bahagi ngBireynato ng Bagong Espanya.[6][7] Sumiklab ang Digmaan ng Mexico para sa Kalayaan laban sa Espanya noongSetyembre 16, 1810 hanggangSetyembre 27, 1821 na nagresulta sa kalayaan ngImperyong Mexico (ngayon ay Mehiko) na sakop ang Texas noon. Nagkaroon ng kalayaan ang Texas bilang Republika ng Texas noongMarso 2, 1836, at noong Abril 21, 1836 ay naganap ang Digmaang San Jacinto mula sa Mehiko na nagresulta sa nagwagi sa Rebolusyong Teksas.[8] Isinanib sa Estados Unidos ito noongDisyembre 29, 1845 bilang ika-28 estado.[9][10] Noong13 Mayo 1846, nagdeklara ngdigmaan ang Estados Unidos sa Mehiko na opisyal na natapos noong2 Pebrero 1848 na may paglagda ngKasunduan ng Guadalupe Hidalgo[9] na naglalaman ng pagsuko ng Mehiko ng 55% ng lupaing ito (noong panahong iyon) at pagbabago sa hangganan nito sa timog, ang Ilog Rio Grande.[11] Noong1 Pebrero 1861, tumiwalag ang Texas sa Unyon[12] at sa kalaunan, sumali ito sa Kumpederasyon bilang ikapitong estadong sumali rito noong Marso 2 ng parehong taon,[13] ngunit bumagsak at natalo ang mga ito noong 9 Abril 1865.[14] Pagsalubong ng ika-20 siglo, nangyari ang pinakanakamamatay na bagyo na tumama sa Galveston na ikinasawi ng mahigit walong-libo sa lugar.[15]
Ang lathalaing ito na tungkol saEstados Unidos ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.