Ang mgaibayag (Ingles:testicle; mula saLatin natesticulus, diminutibo ngtestis, na nangangahulugang "saksi" ngbirilidad,[1]; angtestis ay pang-isahan, na nagigingtestes kung maramihan) ay ang panlalakinggonad sa mgahayop. Katulad ng mgaobaryo (katumbas ang obaryo ng babae ng itlog ng bayag ng lalaki), ang mga itlog ngbayag ay komponente ngsistemang reproduktibo at ngsistemang endokrino. Ang pangunahing mga tungkulin ng itlog ng bayag ay ang gumawa ng mgaesperma (espermatohenesis) at gumawa ng mgaandroheno, pangunahin na angtestosteron. Ang mga tungkuling ito ay may kaugnayan sapagkagustong makipagtalik[2].
Ang mga itlog na pambayag ay mga bahaging natatagpuan sa mga katawan ng mga nilalang na lalaki. Ang mga lalakingmamalya, kasama ang mga lalaking tao, ay may dalawang mga itlog sa loob ng bayag, na sinusuportahan sa loob ng supot ng balat sa ilalim ngtiti at tinatawag ang supot bilangeskroto o eskrotum. Kasama ng titi, ang mga testikulo ay tinatawag na mgaorganong pangreproduksiyon (mgaorganong pangseks). Mga lalaki lamang ang may mga itlog sa bayag; ang mga babae ay maroong mgaobaryo.
Ang itlog ng bayag ay mga uri ng organong tinatawag na mgaglandula. Katulad ng ibang mga glandula, ang mga tesktikulo ay gumagawa ng mgasustansiyang kimikal na tinatawag na mgahormona, na nakapagpapanatili sa pagpapaandar ng katawan. Gumagawa rin ang itlog ng bayag ng esperma na sumasama saoba upang lumikha ng bagong buhay. Karamihan sa mga glandula, katulad ng mga obaryo ng kababaihan, ay nasa loob ng katawan, subalit ang mga testikulo ay nasa labas ng pangunahing bahagi ng katawan. Ito ay dahil sa ang mga itlog ng bayag ay higit na umaandar o nakapagtatrabaho ng mas mainam kapag hindi naiinitan kaysa sa loob ng katawan. Sa malamig na klima o panahon, pumapaitaas ang mga testikulo papalapit sa katawan upang mapanatili ang init.