SaTanakh, sinabi ng Diyos sa mgaIsraelitang ipagtayo siya ng mga ito ng isang templo at doon Siya sambahin ng mga ito, sapagkat ito ang pook kung saan inaalay ng mgapari ang mga sakripisyo para sa Kaniya. SaBagong Tipan ngBibliya ngKristyanismo, ipinaliwanag na hindi isang gusali ang "bagong templo"; sa halip, ang mismong mga tao ang pinaka-Templo ng Diyos sapagkat nabubuhay sa loob ng mga tao angEspiritu Santo ng Diyos.[1] Ngayong wala na angTemplo sa Herusalen, sanhi ng pagwasak nito ng mgaRomano, saHudaismo ang mga sakripisyo ay napalitan na ng mga dasal—na maaaring ialay saaanman at ninuman.[2][3]